CHAPTER SIXTY TWO

257 5 1
                                    

Nanigas siya sa kinauupuan ng marinig niya ang tinig na iyon. Si Luke. Nakatayo sa likod niya. Napatayo si Samantha at sa pagkabigla ay naituro niya ng hintuturo niya si Luke na parang may gusto siyang sabihin dito pero walang lumabas na salita sa bibig niya.

"Ano na namang kalokohan ang gagawin mo, Samantha? Oorasyunan mo na naman ako? Gagawin mo na namang katatawa-tawa ang sarili mo? Sige, sabihin mo ngayon sa mukha ko ang mga love spells mo." Galit na sabi nito sa kanya. Dalawang hakbang lang ay nasa harap na niya ito. Hindi siya nakapagsalita. Alam na nga niya ang lahat! Nahihiyang sigaw ng isip niya.

"Noong unang malaman ko ang tungkol sa gayuma na ginawa mo sa akin, natuwa ako and in my mind I found it cute kahit nai-imagine ko rin kung gaano katawa-tawa ang sarili mo sa mga pinaggagawa mo. Natuwa ako kasi napatunayan kong mahal na mahal mo pa rin ako after all these years at lahat ay gagawin mo para sa akin." Nakatitig ito sa kanya habang nagsasalita.

"Noong gabing iwan mo ako, alam kong nag-orasyon ka na naman sa akin at niritwalan mo ako. Nagising ako noon mula sa isang kakatwang panaginip. I have dreamed na iginapos mo daw ako at dinukot mo ang puso ko. I remembered asking you in my dream kung ano ang ginawa mo sa akin just after na marinig ko ang orasyon mo sa pagitan ng tulog at pagkagising. Pigil na pigil ang tawa ko noon. Eto pala ang kalokohang ginagawa mo, sabi ko sa sarili ko. Bigla kang tumakbo palabas ng bahay. Sinundan kita. Tinatawag kita pero hindi mo ako narinig kasi napakalakas ng ulan noong gabing iyon. Tapos nakita ko na magkayakap kayo ng kaibigan ko sa dilim, there under the heavy rains. Then sumama ka sa kanya, sumakay ka sa kotse niya." Pagpapatuloy nito.

"Pep...pero..." magpapaliwanag sana si Samantha pero hindi siya pinagbigyan ni Luke na magsalita.

"Sumakay ako sa kotse ko at sinundan ko kayo. I was there driving in the rain without my head lights, just to follow you. Kung bubuksan ko ang ilaw ng kotse ko, makikita ninyo na may sumusunod sa inyo. Nakita ko na pumasok kayo sa drive way ng bahay ni Philip. Gusto kong sumunod sa loob ng bahay at pagsusuntukin ang kaibigan ko hanggang mangitim siya pero naisip ko, sino naman ako para humadlang sa inyo, kung siya talaga ang gusto mo at hindi ako. I was just wondering kung bakit ginagayuma mo ako then sa iba ka pala sasama at iiwan mo lang pala ako."

Nanatiling nakatitig lamang si Samantha sa mga white roses sa ibabaw ng dining table. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa ibinibintang ni Luke sa kanya.

"Pagbalik ko sa bahay, napansin ko 'yung engagement ring na ibinigay ko sa iyo, nakapatong sa side table. Doon ako lalong naguluhan. At first, hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyari. Iniwan mo ako pero pinalampas ko 'yon. Naki-ride ako sa mga drama mo at tinitingnan ko lang kung ano ang magiging ending nito. Pero right now Samantha, kung balak mong orasyunan na naman ako para kumawala na naman sa kin, hindi ka na nakakatuwa. Look at you, hirap na hirap ka na nga sa kalagayan mo. You need me by your side." Seryosong sabi ni Luke. Halatang may bahid pa ito ng worries, galit at pagdaramdam.

"You mean to tell me all along alam mong ginagayuma kita at sinasakyan mo lang ang drama ko?" nahihiya niyang tanong.

"Bakit, akala mo ba ang lahat ng pagmamahal na pinadarama ko sa iyo ay ginagawa ko lang dahil under ako ng love spell mo? That's where you're wrong, baby. Ni minsan hindi ako tinablan ng mga gayuma mo. Pero alam ko noong una pa lang na ginagayuma mo ako at para naman hindi ka mapahiya sa sarili mo, sinakyan ko ang mga kalokohan mo. In a way, nakatulong pa nga 'yung kunwari ay tumatalab yung love spell mo sa akin kasi I took advantage of those opportunities presented by your so-called gayuma para maipadama ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Akala mo nga lang ay under ako ng love spell mo." natatawang kuwento ng binata.

"Hindi mo naman ako kailangang gayumahin pa, baby. Mahal na mahal na kita maski noon pa mang mga bata pa tayo." Dugtong pa nito.

"At paano mo naman nalaman na ginagayuma kita ha? Sino ang nagsabi sa iyo?" nagtatakang tanong ng dalaga dito. Una niyang naisip si Kyla.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon