CHAPTER THREE

439 7 0
                                    

At ngayong gabi nga, sa peryahang ito, ay muling nakaharap ni Samantha si Luke sa unang pagkakataon makalipas ang labindalawang taong hindi pagkikita.  Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan kasabay ng pagsilakbo ng sari-saring emosyon. 

"Bu-buhay ka pa pala!" pabigla niyang nasambit.  Kahit sa malamlam na ilaw ng poste ay kilalang-kilala pa rin niya ang lalaking dating itinatangi.  Kahit 12 years older na ito ngayon.  Mas tumangkad pa ito at sa tingin niya ay mas lalo pa itong naging makisig, matipuno at mas higit na gumuwapo. 

"Buti naman at natatandaan mo pa pala ako after all these years." ang sabi nito sa baritonong tinig.  Walang buhay ang mga ngiti sa kanya ni Luke. 

Oo naman, kilalang-kilala pa rin kita! Kahit pa isandaang taon tayong hindi magkita, makikilala pa rin kita!  Dahil kahit kailan ay hindi kita nakalimutan! Sigaw ng damdamin niya.  Hindi pa rin siya makaimik sa pagkabigla.  Parang huminto ang pagtibok ng puso niya.

"Kumusta, Samantha?" tanong nito. Pinasadahan ni Luke ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.  Ibang-iba na ito sa batang Samantha na nakilala niya noon.  Sa taas niyang 5"11' ay hanggang baba niya ang ulo ng dalaga.  Nawala na ang mga baby fats nito at ngayon ay isang napakaseksing Samantha ang kaharap niya.  Balingkinitan ang katawan at maganda ang hubog ng mga binti sa suot na maong jeans.  Tila lalo itong pumuti at sadyang ubod ng ganda.  Ang umbok ng kanyang dibdib ay hindi maitago ng kanyang suot na t-shirt na kulay dilaw na lalong nagpatingkad sa kanyang maputi at makinis na balat.  Mahaba pa rin ang kanyang kulay brown na buhok.  Noon pa man ay alam na niyang magiging isang napakagandang dalaga ang babaeng ito.

"Parang ako yata ang dapat nagsasabi na mabuti naman at kilala mo pa pala ako." mataray niyang sabi dito ng siya ay mahimasmasan. 

God, ang ganda ng boses niya. Ibang-iba na talaga siya. Sabi ng isip ni Luke habang titig na titig pa rin siya sa dalaga.

"Hoy Sam, nandito ka lang pala.  Kanina pa kita hinahanap.  Sino ba yang kausap mo ha?" biglang sulpot ni Kyla.  Hindi niya nakilala si Luke.

"Eh sino pa kundi ang prodigal lover!" pagalit niyang tugon kay Kyla.

"Ano?" tanong ni Kyla.

"Sabi ko, sino pa eh di itong long lost FRIEND natin na si Luke." talagang diniin pa niya ang salitang "friend".

Halatang nagulat si Kyla at nakangangang tumitig sa mukha ni Luke.  Hindi ito nakapagsalita sa pagkabigla.

"Narinig ko yun ah! Prodigal lover pala ha." Nang-aasar na sambit ni Luke kay Samantha.  "Hello Kyla. Nice to see you again." bati nito.  Parang walang narinig si Kyla at nakatitig lang ito sa guwapong mukha ni Luke.

"Oh yes indeed, prodigal lover! At hindi pa tayo tapos!" pagalit niyang wika dito ng makita niyang akma na itong aalis.

Bumaling ito sa kanya at tila nanlilisik ang mga mata sa galit. "As far as I know Samantha, matagal na tayong tapos!" sabay talikod at biglang sumakay sa nagdaang tricycle.

Hinahaplus-haplos ni Kyla ang kanyang sentido habang tinatanaw ang papalayong tricycle kung saan nakasakay si Luke. "Parang bigla akong di naka-relate, friend!  Ano ba yung eksenang yun ha?  Talagang merong ganun?  Parang lover's quarrel lang, ganun? Kalorkey! Ano ba yan? Ngayon lang ulit kayo nagkita pagkatapos ng 12 years tapos nag-aaway na kayo, agad-agad?" sunud-sunud na tanong ni Kyla na halatang litung-lito sa nasaksihang eksena.

~~~~~******~~~~~


LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon