CHAPTER THIRTY THREE

330 3 0
                                    

Three months later...

Madalas ng dumadalaw sa bahay nina Samantha si Philip at puspusan na talaga ang panliligaw nito sa dalaga. Tatlong buwan na ang nakakalipas pero eto pa rin at tila wala pa ring nararamdamang espesyal na feelings si Samantha para kay Philip. Talagang parang kapatid lang ang pwedeng itaas ng level ng pagtingin niya dito.

Sa kabilang banda, si Philip naman ay masasabing generous at maalalahaning manliligaw. Sa tuwina ay marami siyang binibiling kung anu-anong mga mamahaling bagay para kay Samantha na lagi namang tinututulan at ayaw tanggapin ng dalaga. Hindi naman sa kinukuha ni Philip ang loob ni Samantha sa pamamagitan ng pagreregalo ng mga mamahaling bagay, bagkus ay gusto lang niya 'yung pakiramdam na sa pagkakataong ito ay kaya na niyang bilhin ang kahit na anong gusto niyang ibigay kahit kanino. Hindi tulad noong mga panahong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo at may girlfriend. Tipid na tipid ang kanyang allowance dahil mahigpit humawak ng pera ang kanyang Mama. Dahil doon ay iniwan siya at ipinagpalit sa iba ng kanyang girlfriend.

"Just let me buy and give you all these things, Ysabel. I don't mean anything by offering you everything that I think your heart desires. Bakit ba hindi mo maintindihan 'yan? Bakit ba lagi mong tinatanggihan ang mga binibili ko for you? Kailangan pang ipagpilitan kong ibigay sa iyo bago mo tanggapin."

Minsan ay may hinanakit na sinabi ito ni Philip kay Samantha. Nao-offend siya kapag may binibigay siya dito na ayaw tanggapin ng dalaga.

"Eh kasi naman Philip, nanliligaw ka pa lang sa akin. Naaasiwa akong tumanggap ng anything from you kasi hindi pa naman kita sinasagot. Para kasing feeling ko sa sarili ko nagte-take advantage ako sa kabaitan mo. Pwede bang saka mo na lang ako regaluhan ng mga kung anu-ano, kapag boyfriend na kita? 'Yun pa ang isa, kasi up to now, parang kuya pa rin ang tingin ko sa iyo. Hindi pa rin nagle-level up ang feelings ko sa iyo eh." Ito naman ang sagot ni Samantha sa reklamo ni Philip.

Kaya naman, three months later nga ay eto pa rin ang status ng kanilang relationship. Complicated na pagliligawan. Kahit sa isip ni Samantha ay hindi niya rin maintindihan kung mahal ba siya ni Philip o gusto lang nito magkaroon ng girlfriend. Kasi kahit minsan ay hindi niya pa naringgan si Philip na nagsabi sa kanya ng "I love you". Sweet lang ito at malambing. Mabait. Maalalahanin. Pero...

Naputol ang pagmumuni-muni ni Samantha ng biglang tumunog ang telephone sa kanyang desk. Nagulat pa siya. Nasa office siya ng araw na iyon at ito 'yung mga araw na halos ay wala silang ginagawang trabaho at puro pagsagot lang sa mga tumatawag sa phone ang ginagawa niya. Tulad ngayon.

Ring! Ring!

"Hi Doll...how are you today? Let me guess, wala kayong masyadong work ng boss mo kasi nagtrabaho kayo ng 24/7 these past few days. Very good! Pwede akong makipagkwentuhan sa iyo at manligaw na rin thru telephone, hehe..." si Philip ang nasa kabilang linya ng phone. "Doll" na ang tawag niya kay Samantha lately. Parang may air of confidence na magiging girlfriend na niya si Samantha.

"Hi Philip. Pwede tayong magkwentuhan, why not? Wala nga kaming ginagawa today. Ilang araw din kasi kaming nag-overtime para tapusin 'yung mga reports ng boss ko." magiliw na sagot ni Samantha.

Nagkwentuhan sila ng mga kung anu-ano, mostly tungkol sa family ni Samantha na by now ay kilalang-kilala na ni Philip dahil every weekend ay nasa bahay siya ng mga ito.

"So, any progress sa panliligaw ko sa iyo, Doll? Upgraded na ba ang position ko sa buhay mo or ganoon pa rin?" biglang kabig na tanong ni Philip. Out of the blue ay nagtanong siya ng ganito. Hindi naman nila ito pinag-uusapan.

"Hala, bakit naman bigla kang nagtanong ng ganyan? Alam mo namang nasa office ako at bawal na bawal para sa boss ko na ginagamit ang company time for personal use. Alam na alam mo 'yan, Philip." Binalaan niya ang binata.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon