CHAPTER THIRTY FIVE

248 5 0
                                    

One Sunday evening, sa isang sikat at classy restaurant sa Makati City...

Sa isang table sa tabi ng glass window ay may isang grupo ng mga disente, nagga-gwapuhan at elegant looking guys na nagkakatuwaan at nagkakatawanan sa labis na kaligayahan sa mga oras na iyon. Ito ang grupo nina Luke at Philip, kasama ang dalawa pa nilang best friends na sina Raymond Sevilla at Jordan Natividad.

First time silang nagkasamang muli matapos ang mahigit isang taon na hindi pagkikita dahil sa sobrang pagka-busy sa mga kani-kanilang mundong ginagalawan. Tanging sina Luke at Philip lang kasi ang laging nagkakasama dahil sa bukod sa magkatabi lang ang mga buildings ng kanilang mga kumpanya ay masasabi ring may connection sa isa't isa ang kanilang mga negosyo. Magkakasing-edad ang apat na mga binatang ito.

Si Raymond Sevilla ay ipinanganak at lumaki sa Makati City. Mayaman ang pamilyang kanyang pinanggalingan. Nakatira sila sa isang kilalang exclusive subdivision sa Makati City, na puro mayayaman ang mga nakatira.

Si Raymond ay may pagka-chinito dahil may lahi siyang Chinese. Ang Mama niya ay pure Chinese habang ang Papa naman niya ay Pilipino. Sa height niyang 6 feet ay siya ang pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan. Four years na siyang piloto ng isang malaki at kilalang international airline sa buong mundo. Nakabakasyon siya ngayon para lang makipagkita sa mga kababata at best friends niya.

Si Jordan Natividad naman ang may kulay kayumanggi sa kanilang apat. Morenong mamula-mula ang kutis nito. Sabi nga nila ay hindi maipagkakaila na ito ay isang tunay na Pilipino sa itsura pa lang. Siya 'yung matatawag nating tall, dark and handsome. Kung si Philip ay may pagka-moreno lang, 'yung tipong hindi maitim pero hindi rin naman mestisuhin, itong si Jordan ay talagang Moreno. Bumagay pa ang kulay niya sa kanyang height na 5 feet, 10 inches. Magkasing-tangkad sila ni Philip. Si Luke ang sumunod na matangkad kay Raymond, sa height na 5 feet, 11 inches.

Si Jordan ay ipinanganak sa Sta. Ana, Manila at tumira doon hanggang sa maka-graduate siya ng high school. Sa probinsiya na siya nagtapos ng kolehiyo at ngayon nga ay siya ang pinakabata at isa sa mga pinakapipitagang Gobernador ng ating bansa na naka-base sa isang lalawigan sa Northern part ng Pilipinas. Kagagaling lang niya sa Malacañang kaninang hapon kaya naman ngayong gabi ay inilaan niya ang kanyang oras para sa mga best friends niya. Habang nagkakasiyahan nga sila ay naka-antabay at naka-alerto naman sa labas ng restaurant ang kanyang mga loyal na bodyguards.

Hindi matapos-tapos ang kanilang tawanan at kwentuhan. Sinasariwa nila sa kanilang mga alaala ang mga nakalipas na panahon, noong sila ay unang nagkakilala at naging magkakaklase sa high school.

Nagkahiwa-hiwalay man sila nang sila ay magkolehiyo na dahil sa magkakaibang course na kanilang kinuha sa magkakaiba ring mga universities, hindi naman naputol ang kanilang pagiging magkakaibigan at palagi pa rin silang nagkakaroon ng mga panahon para magkita-kita at magkasama-sama na tulad ng ganito.

Through the years ay nanatili ang friendship nila sa isa't isa na talaga namang lalo pang tumibay sa pagdaan ng mga panahon. Higit pa sa magkakapatid ang turingan nila sa isa't isa. Lalo na ngayon na sila ay maituturing ng mga self-made men.

"Hahaha! Naaalala n'yo pa ba 'yung principal natin na binansagan nating Madam Bertud dahil parang hindi makabasag ng pinggan sa sobrang hinhin? Sino nga ba 'yun?" humahalakhak na tanong ni Jordan.

"Sino, si Miss Pelaez? 'Yun principal nating matandang dalaga?" sagot naman ni Luke.

"Oo, 'yun nga! Exactly! Di ba natapilok 'yun noon sa buto ng sampalok na nagkalat sa school ground natin? Lagi kasi siyang naka-stiletto heels na ubod ng taas noon at nakatapak siya ng buto ng sampalok. Usong-uso kasi noon sa school canteen natin 'yung matamis at maalat-alat na sampalok na nakabalot sa cellophane kaya laging sold out 'yun." Sabi ulit ni Jordan.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon