CHAPTER TWENTY EIGHT

414 5 2
                                    

Ngayong gabi nga, sa harap mismo nina Luke at Charlene ay officially na idineklara ni Philip ang kanyang gagawing panliligaw kay Samantha.

Matapos silang ipagtabuyan ni Luke palabas ng office para mag-dinner date ay heto nga sila sa may break water sa Manila Bay. Nakapag-dinner na sila at nakapamasyal pa ng konti sa Mall of Asia. Binilhan pa ni Philip ng favorite niyang Escada perfume si Samantha.

Tinanong ni Philip si Samantha kung may gusto pa itong puntahan pagkatapos nilang mamasyal sa MOA. Sinabi ng dalaga na gusto niyang magpahangin sa may break water sa Manila Bay.

Ang hindi alam ni Philip ay every time malungkot si Samantha ay may mga pagkakataon na nagpupunta ito sa may break water sa Manila Bay at doon nagpapalipas ng oras at nagtatanggal ng sama ng loob.

"Ysabel, I am sorry kung binigla kita. Sana huwag kang magagalit sa akin. I like you since the very first day I saw you sa lobby ng office ninyo, that day na nagkasabay tayo sa elevator. I like everything in you, kahit nagbago ka pa ng image lately. And I am sure, this like will easily turn into love, if you will only give me a chance to stay around." Mahinahong sabi ni Philip kay Samantha.

Nakaupo sila sa seawall, nakaharap sa dagat. Nakaka-relax ang tunog ng mga alon na humahampas sa mga naglalakihang bato.

"That's okay, Philip. Hindi ko naman pwedeng hadlangan 'yang nararamdaman mo para sa akin." Pinipilit ni Samantha na magmukhang masaya para mapagtakpan ang lungkot na nadarama.

Hindi maintindihan ni Samantha ang sarili kung bakit lungkot na lungkot siya sa mga nangyari ngayong araw na ito, lalo na noong makita niyang naghahalikan sina Luke at Charlene sa harap nila ni Philip. Ang alam niya ay hindi na siya affected sa mga ganoong scenario pero ano itong nararamdaman niya ngayon? At ang sandaling nagkatinginan sila ni Luke ay nagdulot sa kanya ng isang kakaibang damdamin na hindi niya maunawaan. Naniniwala rin siya na noon pa man ay hindi naman siya minahal ni Luke pero iba ang pahiwatig ng tingin nito sa kanya kanina bago siya pumasok ng elevator. Tila may kakaibang mensahe ang tingin na iyon. Naisip niya na baka nai-imagine lang niya na mayroong "something" sa tingin sa kanya ni Luke kanina.

Tapos, heto pa si Philip at sinisimulan na siyang ligawan. Paano ba niya masasabi sa binata na parang kapatid lang ang turing niya dito? Na siya ay hindi pwedeng magmahal hangga't hindi niya tinutuldukan sa kanyang puso ang kanilang nakaraan ni Luke at hangga't ang alaala ng nakaraan ay hindi pa niya binabaon sa limot.

At paano nga ba tatapusin at kakalimutan ang mga alaala ng nakaraan kung parang hindi naman pala ito nag-exist at naganap kahit kalian, kung ang mga reaksiyon at pagtrato sa kanya ni Luke ang pagbabasehan? Masyado lang ba talagang malikot ang kanyang imahinasyon kung kaya't nakaimbento siya ng isang love story twelve years ago kung saan sila ni Luke ang bida? Imagination nga lang ba talaga ang lahat ng mga nangyari? Ngayon nga ay kinukwestiyon ni Samantha ang kanyang sariling katinuan at ito ang nagdudulot sa kanya ng sobrang lungkot sa mga oras na iyon.

Nakikita ni Samantha sa gilid ng mata niya na nakatingin sa kanya si Philip. Pinagmamasdan nito ang maganda niyang mukha na kasalukuyang banayad na hinahampas-hampas ng kanyang buhok na noon ay hanggang leeg na ang haba. Paminsan-minsan ay natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha, kaya naman maya't maya ay iniipit niya sa tenga ang buhok niya.

"Why are you so sad, Ysabel? Who caused that pain and sadness in your eyes?" bigla ay naitanong ni Philip sa gitna ng katahimikang bumabalot sa kanila. Binasag niya ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila.

"What? I am not sad, Philip. Masaya nga ako at nakapag-unwind ako tonight and thank you talaga for taking me out for dinner. Lately kasi ang dami-dami kong work at wala na akong time even for..." hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil biglang sinara ni Philip ang kanyang mga labi gamit ang dalawang daliri.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon