CHAPTER FORTY ONE

268 9 22
                                    

Nakapagtataka naman na noong hapon na iyon, after office hours ay wala ng ipinagawa pa sa kanya si Luke at pinauwi na siya nito eksakto alas singko.

Halos liparin niya ang daan sa bilis ng pagmamaneho para makauwi agad. Sobra ang excitement na kanyang nararamdaman at siya ay talaga namang masayang-masaya. Buong araw siyang masaya at pati sa kanyang mga office barkada na sina Jacky ay hindi nakaligtas iyon. Pansin na pansin nilang lahat ang kakaibang kaligayahan niya sa araw na iyon. Hindi naman niya masabi kung bakit.

"Secret!" ang tanging sagot niya kapag may pumupuna sa sobrang kaligayahan niya sa araw na iyon.

Pagkapasok niya ng kotse niya sa garahe nila ay nagtatakbo na siyang papasok ng bahay. Halos hindi na niya pinag-ukulan pa ng mahabang panahon ang kanyang puppy na si Chewy. Sumalubong ito sa kanya at kumakawag-kawag ang buntot. Kinarga niya lang ito at hinalikan, tapos ay inilapag na rin niya agad. Dali-dali siyang umakyat sa bedroom niya. Parang may pakpak ang kanyang mga paa sa sobrang bilis ng kanyang mga hakbang sa hagdan.

Sa loob ng kwarto niya ay bigla siyang nag-dive sa kama at nagpaikut-ikot na parang lumpia. Tapos ay kinawag-kawag pa niya sa ere ang kanyang mga binti at paa na animo ay nagbibisikleta sa hangin.

Dala-dala niya hanggang bahay ang super kilig na pakiramdam at ngayon ay tumitili siya ng walang sound. Pigil na pigil ang kanyang sarili sa pagtili dahil baka marinig ng kanyang Mommy at ni Wendy at baka nerbiyosin ang mga iyon.

Excited niyang kinuha ang kanyang laptop at nanginginig pa ang mga kamay na binuksan ang kanyang Facebook page. Matagal-tagal na din siyang hindi active sa Facebook kaya matagal na ring hindi siya aware sa mga kaganapan sa mundo ng Facebook.

Sa notification bar ay nakita niyang madami na pala siyang unread messages. Binuksan niya ang kanyang private messages at bumulaga sa kanya ang sangkatutak na mga messages sa kanya ni Mystic Knight! Ilang linggo na rin pala itong send ng send sa kanya ng mga messages halos araw-araw.

Knowing na si Mystic Knight ay si Luke, iba na ngayon ang dating sa kanya ng mga messages nito. Tuma-tumbling-tumbling pa ang puso niya habang binabasa niya ang mga messages sa kanya ni Mystic Knight.

Dati, hindi niya pinapansin ang mga messages nito. Pero ngayon, word for word ay iniintindi niya at ninanamnam. Inaalog-alog pa niya ang kama niya habang nagbabasa. Kulang na lang ay magtatalon siya sa ibabaw ng kama habang nagbabasa.

Naisip niya, simula sa gabing ito ay hindi na niya iisnabin ang mga message ni Mystic Knight. Babasahin na niya ng taimtim ang mga message nito at sasagutin pa niya!

Halos hindi pa siya nakakatapos magbasa ng mga previous messages ay may pumasok na agad na bagong message. Galing kay Mystic Knight.

Ding!

How's my beautiful Mystic Lady? Good you are back in my world. Mabuti naman at maaga kang umuwi para you will have more time chatting with me tonight.

Kilig na kilig to death na talaga si Samantha. Parang gusto niyang halikan ang laptop. Komo't si Luke nga itong si Mystic Knight ay obvious ba na alam na alam nito na kakauwi lang niya galing ng office?

Awwwwwww, sabi niya ng malakas.

Nagtype siya ng reply. First time ever na nag-reply siya kay Mystic Knight.

I am okay, thanks! Sorry, I have been so busy lately, walang time to read your messages. But thanks for all your messages to me. Mahilig ka pala sa poems.

Ding!

Oh yes, mahilig ako sa poems and in fact, 'yang mga poems na pinadadala ko sa iyo, ako ang nag-compose ng mga 'yan. Especially dedicated to you, my lovely Mystic Lady.

Yayyyyyyyyy, sabi na naman niya. Halos mawalan na siya ng oxygen sa sobrang kilig. Parang mamaya lang ay kailangan ng tumawag ng ambulansya para dalhin siya sa ospital.

Nag-reply ulit siya.

Thank you for those lovely poems. I love them. Buti naman at may time ka pa para mag-compose ng mga poems at saka mag-FB.

Knowing na si Luke ang ka-chat niya ay talagang tuwang-tuwa siya na may oras pang inilalaan ito sa kanya para kausapin siya sa Facebook at heto, gumagawa pa pala ito ng mga poems just for her. Maiyak-iyak siya sa puntong ito.

Ding!

Basta ikaw, I will always have time for you. Kahit buong magdamag pa tayo mag-chat, hindi ako mapapagod. But then, I won't allow it, kasi may pasok ka pa bukas at ayokong mapupuyat ka. Ayokong magkasakit ka.

Ayyyyyyyyyy, sigaw niya ng mahina, sabay hampas ng sunud-sunod sa kama. Para siyang kinukuryente sa grabeng kilig. Gustung-gusto na niyang sabihin dito na alam na niya ang true identity nito. Kahit pa hanggang ngayon ay picture pa din ni Daniel Padilla ang gamit nitong profile picture.

You're so thoughtful pala. Reply ni Samantha.

Ding!

I am thoughtful. You are always on my mind. And I am happy that for the first time, you are chatting with me. Hindi ka naman dating ganyan sa akin. But I'm happy, really happy.

Ohhhhhhhhhhh, grabe na siya! Sabi ni Samantha. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sobrang kaligayahan. Nakatutuwang isipin na pinag-uukulan siya ng romantic moments ni Luke, kahit sa ganitong paraan lang. Hahayaan na lang niya muna na magpanggap ito dahil baka kapag nalaman na nito na alam na niya kung sino si Mystic Knight ay biglang huminto na ito sa pakikipag-usap sa kanya. Sa ganitong paraan man lang ay magkaulayaw sila, naisip niya.

Ding!

Are you still there? Bakit bigla kang nanahimik?

Ohhhhh Luke! Naghihingalong sabi ng puso niya sa sobrang kilig.

Yes, I am still here. I am just wondering kung may chance na magkita tayo in person? Malakas ang loob na naitanong niya.

Ding!

Sure! Why not? I'd really love to see you in person. How I'd love to touch you and ...

Hahhhhhhhhh!!! Oxygen pa more!!! Sigaw ni Samantha.

Ding!

We will see each other soon. I will let you know when and where.

Wooohooo!!! Napasigaw ulit si Samantha. This time ay may sound na. Narinig niyang tumahol bigla si Chewy na nasa labas lang pala ng bedroom niya at naghihintay sa kanya.

Ding!

Alright, my love. I will go now. Take good care of yourself for me. Dream of me tonight.

Bigla ng napahiga sa kama si Samantha!

Eeeeeeeeeee!!! Hindi na niya napigilan ang sarili at napatili na siya ng bonggang-bongga.

At tulad nga ng dapat asahan ay humahangos na magkasunod pang umakyat papunta sa kwarto niya ang Mommy niya at si Wendy. Kumakatok sila at hindi makapasok dahil naka-lock ang pinto.

"Iha, anak, ano'ng nangyayari sa iyo? Bakit ka sumisigaw? Please open the door. May problema ka ba?" nag-aalalang sabi ng Mommy niya.

"Ate! Ate!" sigaw ni Wendy.

Bigla siyang natauhan.

"Mommy, wala po. May pinapanood lang akong nakakatakot sa YouTube. Sorry po maingay ako." Pagsisinungaling niya.

"Hay naku, horror movie lang pala. Akala ko may nakapasok ng rapist dito sa atin at kung ano na ang ginagawa sa iyo eh. Mamaya come down na ha, let's have dinner." Sabi ulit ng Mommy niya at narinig niyang bumaba na ito.

Mommy, may rapist nga. Nire-rape ang puso ko!  Sabi ng isip niya.


~~~~~~****~~~~~~


LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon