CHAPTER TWENTY NINE

296 4 0
                                    

Nakapagtatakang huminto ring bigla ang malakas na ulan matapos ang madamdaming tagpong iyon nina Philip at Samantha sa may break water sa Manila Bay.

Mabuti na lang at sa kotse ni Philip ay lagi siyang may dalang extra t-shirts, jacket at towel. Madalas din kasi siya sa gym kaya lagi siyang may nakahandang mga pampalit na damit.

Pagkatapos nilang magpunas ng mga basa nilang katawan ay pinilit ni Philip na hubarin ni Samantha ang basa nitong blouse at pinagamit niya ang isa sa mga extra t-shirts niya. Madilim naman doon sa lugar kung saan sila naka-park kaya tumalikod lang si Philip at nakapagpalit na agad si Samantha ng pang-itaas. Pinahiram na rin ni Philip ang kanyang jacket para hindi ginawin ang dalaga at hindi magkasakit.

Nakapagpalit na din si Philip ng t-shirt. Nakatanaw lang sa labas ng bintana ng kotse si Samantha at sa muli ay malungkot na malungkot na naman ito.

Ngayon ay binabaybay na nila ang kahabaan ng Coastal Road at pauwi na sila ng Cavite.

Biglang nagsalita si Samantha.

"May Facebook account ka ba, Philip?" pinagmamasdan niya ng mabuti ang mukha ng binata.

"Huh? Anong Facebook account? Pang-teenagers lang 'yon di ba?" nagtatakang tanong ng binata.

"Hindi naman pang-teenagers lang 'yon. Kahit matatanda mayroon ding Facebook account. Doon kasi sa Facebook, nagkakaroon tayo ng chance na makapag-reconnect sa mga loved ones natin here and abroad, pati na mga old friends and classmates. Ang maganda pa dun, naa-update tayo sa mga latest happenings sa buhay ng mga Facebook friends natin." Paliwanag niya.

"Ah ganoon ba 'yun? Why? Gusto mong mag-create ako ng Facebook account? Wala naman kasi akong tiyaga for that and I don't have the time. Mane-neglect ko lang ang account ko doon. Pero, sige, kung gusto mong magkaroon ako ng Facebook account, gagawa ako. Magpapatulong ako sa secretary ko bukas na bukas din kung papaano magkaroon ng Facebook account." Sagot nito habang patuloy na nagko-concentrate sa pagmamaneho.

"Hindi, huwag na. Naitanong ko lang naman kung may Facebook account ka."

Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, nagsalita ulit si Samantha.

"Bakit white roses? Ano ba ang meron sa mga white roses?"

"Di ba favorite flower mo ang white rose? Tinanong ko ang mga close friends mo sa office kung ano ang gusto mong flower at ang sagot nila ay white rose daw. Somehow, okay naman, kasi the color of white symbolizes purity. Naisip ko, siguro you really want to experience pure love. All women do."

"Ngayon ka lang ba nagbigay sa akin ng white roses?" tanong ulit ni Samantha.

"Of course ngayon lang. Nakita mo naman di ba? Binigay ko sa iyo dun sa office ninyo kanina 'yung bouquet of white roses. Why, is there something wrong with that?" napalingon ito sa kanya.

"Was there ever a time na nag-utos ka sa isang bata na magbigay sa akin ng bouquet of roses one evening?"

"Ano? What do you mean? Teka nga...pinaghihinalaan mo ba ako na ako 'yung mysterious guy na nagpapadala sa iyo ng mga white roses sa office n'yo? 'Yan ba ang dahilan kaya ka tanong ng tanong?"

"Kanina kasi, doon sa break water, while we were under the rain, sinabi mo na papatunayan mo sa akin na kaya mo akong mahalin with all your heart and soul...that you will love me...to the moon and back..."

"Wala namang masama dun sa sinabi ko ah! Eh totoo namang kaya kitang mahalin ng sobra at tapat. Okay, I admit na I was loveless for the last four years, but when I met you, everyday that I see you, every time that I am with you, lalo ko lang nako-confirm sa sarili ko na ready na ulit akong magmahal. At ikaw ang gusto kong mahalin, Ysabel."

"Hindi, teka, there's no question about you getting ready to fall in love again. 'Yung to the moon and back, saan mo nakuha 'yun?"

"Ysabel, lahat ba ng mga sinasabi sa iyo ng mga tao, tinatanong mo kung saan nanggaling at hinahanapan mo ng value?" pasensiyosong tanong ni Philip. Pero halatang medyo naiirita na rin ito sa kakulitan ni Samantha.

"I am sorry. Gusto ko lang kasi malaman kung 'yung phrase na to the moon and back ay famous line mo. Kung lagi mo ba itong sinasabi sa mga babaeng gusto mo. 'Yun lang. I don't mean anything." Napasimangot si Samantha.

"Alam mo, wala naman akong ibang babaeng pinagsabihan ng ganoon. Ikaw lang. Kahit kay Katherine, hindi ko sinabi 'yon. See, ganyan ang impact mo sa akin. Matindi ang dating mo sa puso ko." Sinuntok pa nito ng marahan ang sariling puso.

Ngumiti na lang si Samantha at tumahimik. Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa labas ng bintana ng kotse.

Kaninang nagyayakapan sila ni Philip ay narinig niya ang mga salitang "to the moon and back" at bigla siyang kinilabutan. Naalala niyang bigla na ito ang favorite phrase ni Mysterious Guy at laging nakasulat sa maliit na card na kasama ng sangkatutak na mga white roses na laging ipinadadala sa office nila para sa kanya.

Coincidence lang kaya talaga or nadulas ang dila ni Philip? Siya ba si Mysterious Guy na madalas magpadala sa akin ng mga white roses at ayaw magpakilala? Tanong ng isip ni Samantha.

Siya ba si Mystic Knight? Tanong naman ng puso niya.

Si Mysterious Guy ba at si Mystic Knight ay iisa? Si Philip ba ang mga iyon? Sabay na tanong ng isip at puso ni Samantha.

I love you to the moon and back...gaano ba ka-popular ang mga salitang ito? Lahat ba ng nagmamahal ay ito ang laging sinasambit sa taong mahal nila? Malalim na nag-iisip si Samantha.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon