CHAPTER FIFTY ONE

236 5 0
                                    

"Mom, Dad, we're home!" tawag ni Samantha sa mga magulang pagpasok niya sa sala ng bahay nila.

Kasunod niya si Luke. May dala pang bottle of wine ang binata para sa daddy niya. Nagta-tumbling ang puso niya sa kaligayahan sa mga oras na iyon and at the same time medyo kinakabahan dahil first time na haharap muli ang binata sa mga magulang niya after so many years. Tiyak, masosorpresa sila kapag nakita si Luke!

"I'm in the kitchen, Sam." sagot ng mommy niya buhat sa kusina.

"O, iho, iha, andiyan na pala kayo. Come in. Luke, make yourself at home, ok? Dito ka magdi-dinner tonight." Salubong sa kanila ng daddy niya habang bumababa ng hagdan. Pagkababa ay niyakap nito si Luke.

"Hi Luke! Tama si daddy, dito ka na mag-dinner ha? Nagluto ako ng favorite mong kare-kare." masayang sabi ng mommy niya. Pumunta ito sa sala para makita si Luke. Humalik si Luke sa mommy niya. Tulad nung dati na nitong ginagawa in the past.

Naguluhan ang dalaga sa nasasaksihan. Hindi niya maintindihan ang mga nagaganap.

Bakit parang magkakakilala na ulit sila? Bakit parang walang nagbago sa kanilang tatlo? Bakit parang ganoon pa rin sila tulad ng dati? Di ba dapat masu-surprise muna ang mommy at daddy ko pagkakita kay Luke tonight after so many years of absence? Agad-agad tanggap na ulit nila si Luke? Nakakaloka! Epekto pa rin ba ng gayuma ang mga nangyayaring ito? Pati rin ba parents ko damay sa gayuma? Naguguluhang tanong ni Samantha sa sarili habang pinanonood ang mga eksena sa kanyang harapan.

Inabot ni Luke sa daddy niya ang mamahaling bote ng wine. "Dad, I bought this for you. I know that's your favorite wine."

Aba, at Dad na agad ang tawag ni Luke kay Daddy? Nananaginip ba ako? Tanong ng isip ni Samantha.

"Thank you iho. Kamusta naman ang trabaho? How's business?" masayang tanong ng daddy niya.

Umupo na ang dalawang lalaki sa sala at nagsimula ng inumin ang wine na dala ni Luke habang nagkukwentuhan tungkol sa mga trabaho nila.

Iniwan sila ni Samantha at umakyat sa silid niya para magpalit ng damit. Takang-taka pa rin siya sa mga nasaksihang kaganapan.

"Hay naku Tita, you should see what's happening downstairs. Hindi ako makapaniwala. I performed the second ritual and recited the second orasyon tapos eto na siya sa bahay namin tonight, meeting my parents. Pero bakit parang walang nagbago? Bakit parang hindi sila nagkahiwalay ng maraming taon? Para bang kahapon lamang ng umalis si Luke at bumalik na ulit ngayon. Ito ba ang epekto ng ikalawang ritwal ng gayuma, Tita? Pati parents ko under ng love spell ko?" sunud-sunod niyang tanong kay Tita Sylvanna.

Tinawagan niya si Tita Sylvanna pagkatapos niyang magpalit ng damit. Sinamantala na rin niya ang pagkakataon habang nagkukwentuhan pa sa ibaba sina Luke at ang Daddy niya para tawagan ito at itanong dito ang mga nagpapaloka sa kanyang mga pangyayari.

"That's strange iha. Si Luke lang ang under ng spell mo at hindi kasama ang mga parents mo. But anyway, at least that's good. Sabi ko naman sa iyo patindi pa ng patindi yan. Mas maganda kung pati ang mga parents mo ay umaayon din sa mga nangyayari. Just let it be iha. Enjoy every minute of it while you can. Don't forget, it won't last forever." Paalala nito sa kanya.

"Tita naman. Kailangan po bang ipaalala ninyo sa akin oras-oras na maglalaho rin ang lahat ng ito? Sabi mo i-enjoy ko. Tapos sabi mo let it be. 'Yun pala may karugtong na it won't last forever. Aray naman! Alam ko naman pong walang forever at happy ending para sa amin ni Luke eh." nagtatampo niyang sabi dito. Bigla siyang nalungkot.

"Samantha, I am sorry iha, pero I really need to do that. I need to remind you every now and then na matatapos din ang lahat ng ito para ilagay ka sa dapat mong kalagyan. Ang sabi ko i-enjoy mo lang yan pero don't lose your focus. Huwag kang magpapatangay sa alab ng damdamin at lakas ng pwersa ng puso mo. Masasaktan ka lang iha in the end at alam mo yan. Savor each moment, indulge in its pleasure while it lasts, but please iha, don't fall so very hard. Remember, ang ultimate goal mo ay siya ang paiiyakin mo in the end, at hindi ikaw ang iiyak. Pati tuloy ako naguguluhan na din sa iyo. Naku, parang hindi ko na nagugustuhan kung saan patungo ito." Nababahalang sabi ni Tita Sylvanna.

Bumaba si Samantha matapos makipag-usap kay Tita Sylvanna at sila ay masayang nag-dinner. Napakaganda ng atmosphere at ambience sa loob ng bahay nila ng gabing iyon. Sinisilbihan pa ni Luke si Samantha habang kumakain sila at hayagan namang kinikilig ang Mommy niya. Paminsan-minsan ay nagsusubuan pa sila ng pagkain.

Nago-observe pa rin ng tahimik at pasimple si Samantha sa mga nangyayari. Talagang hindi pa rin siya makapaniwala. This is almost like a dream! Dream come true!

Natapos ang gabi ng masaya at ang lahat ay nag-uumapaw ang galak. Harapan ding sinabi ng Daddy niya kay Luke na welcome ito sa bahay nila any time, at masaya ito para sa kanilang dalawa.

At ang mga sumunod na araw ay higit pang naging kasiya-siya sa puso ni Samantha. Ngayon ay hatid-sundo na siya ni Luke na para bang ayaw ng mawalay pa sa tabi niya kahit isang minuto lang.

Tuwing Miyerkules ay kasama na din si Luke sa traditional family dinner nila. Kung iisipin ay wala na sana siyang mahihiling pa.

Nguni't may mga pagkakataon na sumasagi sa isip niya na ang lahat ng ito ay epekto lamang ng gayumang ginawa niya para dito. Alam niya na may katapusan din ang lahat ng ito at kung paano ito magtatapos ay hindi niya alam at ayaw na rin niyang alamin. Nababagabag ang damdamin niya dahil alam niyang malapit na ang takdang panahon ng pagtatapos.

Madalas ay nasasabi niya sa isip niya na bahala na. Ang importante ay nagmamahalan sila ngayon ni Luke. Matagal niyang pinangarap ang mga sandaling ito. Bahala na pagdating ng araw na iyon na kailangan na siyang mawala sa buhay nito.

Madalang na din makita sa opisina nila si Charlene dahil iniiwasan na ito ni Luke at nung huli itong napasyal doon ay nakita niyang kinausap ito ng binata ng masinsinan. Nakita rin niyang lumuluhang umalis si Charlene. Nahiya naman siyang tanungin ang binata tungkol doon.

Ganoon din si Macy. Hindi na ito makaporma sa office nila dahil mukhang pinagsabihan na rin ito ni Luke pati ni Philip. Ni anino nito lately ay hindi na niya nakikita sa office nila.

Parang biglang binura ng tsunami sa mundo ang mga nagkalat na mapanirang ahas at sawa.

To be continued...

~~~~~~*****~~~~~~

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon