CHAPTER TWENTY ONE

358 5 0
                                    

Kanina lang ay masaya at excited na sumakay ng elevator pababa si Samantha kasama ng mga barkada niya sa office matapos ang kanilang basketball tournament. Ngayon naman ay wala sa mood na sumakay siyang muli ng elevator pabalik sa itaas ng building ng kumpanya nila.


29th Floor! Ano ang meron doon? Naguguluhang tanong ng isip ni Samantha.


Sa loob ng anim na buwang pagtatrabaho ni Samantha sa kumpanya ni Luke ay ni minsan, hindi pa niya napuntahan ang 29th floor. Ang mga ibang palapag ng gusaling iyon ay na-explore na niya, mula ground floor hanggang penthouse, maliban sa 29th floor.


Madalas siyang utusan ni Luke na pumunta sa kung saan-saang departments sa iba't-ibang floors at pati na rin sa mga iba pang kumpanya ni Luke na ang mga offices ay naroon din sa gusaling iyon. Pero never pa niya napuntahan ang 29th floor. Hindi pa siya nautusan ni Luke na pumunta doon at sa pagkakaalam niya ay exclusive ang 29th floor. Walang sinumang empleyado or maging mga bisita man, ang nangangahas na pumunta doon.


At ngayon nga ay heto si Samantha, papuntang 29th floor. Habang ang lahat ng mga empleyado ng mga kumpanya ni Luke at Philip ay nagkakasiyahan sa victory dinner ngayong gabi sa Tagaytay, heto siya at naguguluhan ang isip na nakasakay sa elevator papuntang 29th floor, may overtime on a Friday evening!

May trabaho pala kaming gagawin, bakit ngayon lang? Bakit hindi na lang kaninang umaga or hapon kaya, habang may basketball tournament? Hindi naman ako player. Muse lang naman ako. Ang dami-daming oras para magtrabaho kanina, bakit kung kailan oras ng pagsasaya ay saka ako pagtatrabahuhin nitong amo kong laging galit at wala sa ayos? Parang may mali ah. At bakit sa 29th floor? Malalim na nag-iisip ang utak ni Samantha sa mga oras na iyon. Ang puso niya? Walang reaksiyon. Buong araw na itong nananahimik at tila himbing na himbing sa pagkakatulog.


Huminto ang elevator sa 29th floor. Bumukas ang pinto. Lumabas ng elevator si Samantha. Namangha siya sa kanyang nakita. Paglabas niya ng elevator ay sumalubong sa paningin niya ang lobby ng 29th floor.


Ang lobby ay tila sa isang five star hotel. Fully carpeted ang sahig na lalakaran, kulay light brown. Makapal ang carpet na kapag nilakaran ay halos lumulubog ang paa sa lambot. Pati ang mga ilaw sa looby at hallway ay makabago at naggagandahan. Bukod sa mga modernong lamparang nakadikit sa mga dingding ay may mga pin lights pa sa kisame. Kulay cream ang mga dingding na lalong bumagay sa kulay ng carpet. Napaka-elegante pala ng 29th floor! Naisip niya. At nasa labas pa lang siya ng elevator!


Sa lobby ay may munting counter na nagsisilbing reception area. Ang ibabaw ng counter ay salamin. May vase sa ibabaw ng counter na punung-puno ng violet orchids, katabi ng telephone. May silya din na kulay dark brown ang upholstery at nagtataka si Samantha kung sino ang tumatao sa reception area ng 29th floor. Malakas ang pakiramdam niya na may empleyado na naka-assign doon tuwing araw at oras ng trabaho. Pero sa mga oras na ito ay walang tao dito at si Samantha ay nag-iisang nakatayo at titingin-tingin sa buong lobby ng 29th floor. Pakiramdam niya ay tila nasa ibang lugar siya. Noon niya lang naisip na may ganoon palang parte ang gusaling iyon ng kanilang kumpanya.


Napatingin sa kanang bahagi ng hallway si Samantha at noon niya lang napansin na ang tinutumbok nito ay isang pinto na katamtaman lang ang lapad. Kulay dark brown ang pinto na may abstract design at sa pagitan niyon ay mga salamin na malabo. Hindi maaaninag kung ano ang nasa kabilang pinto dahil sa malabo ang mga salamin. May mga pin lights din na nakatutok sa tapat ng pinto na iyon kaya ang mga salamin ay nagmimistulang nagkikislapan.

Tinungo ni Samantha ang pinto at kumatok. Walang sumasagot at walang nagbukas ng pinto. Inilapit niya ang tenga niya sa pinto para pakinggan kung may kumakaluskos sa loob. Tahimik at parang walang tao. Hinawakan niya ang door knob at pinihit ito. Malayang umikot ang door knob. Hindi pala iyon naka-lock! Sumilip siya sa loob at nagsalita.


"Boss, Sir, I am here. May I come in?" malakas niyang tawag dito.


Walang sumagot at parang wala namang tao sa loob pero napansin niyang parang may kumikisap-kisap na mga ilaw na nanggagaling sa loob. Pumasok siya at isinara niya ang pinto. May munti na namang hallway bago makapasok sa loob kung saan niya nakikita ang kumikisap-kisap na mga ilaw. Dito sa hallway na ito ay may malaking salamin sa dingding at may munting mesa sa tabi at may coat hanger pa.


Napalingon si Samantha sa salamin at nakita niyang may babaeng nakatayo. Muntik pa siyang mapatalon sa nerbiyos at pagkagulat ng makita ang babaeng nakatayo sa salamin. Ang sarili lang pala niya ang nakikita niya ngayon sa salamin! Tila bigla niyang nakalimutan na nag-transform na nga pala siya at ibang Samantha na ang nakikita niya ngayon sa salamin. Maiksi at sexy na ang cut ng buhok niya. Naka-make up siya at pulang-pula ang mga labing nakukulayan ng mamahaling lipstick. Suot pa rin niya ang sports t-shirt at super iksing shorts. Ang high heeled sandals na suot niya ay kanina pa nga lumulubog sa makapal at malambot na carpet na nilalakaran niya.


Pagkalampas niya ng hallway ay hindi niya naihakbang ang mga paa niya sa pagkamangha. Tumambad sa kanya ang exposed na bahagi ng 29th floor. Isa pala itong bahay na condominium ang style. Centralized ang aircon sa buong floor na iyon.


Katulad ng lobby at hallway sa labas, ang loob ng 29th floor ay parang presidential suite sa isang five star hotel! Sa kanyang kinatatayuan ay nakikita niya ngayon ang living room sa kaliwang bahagi,kung saan nakabukas ang isang malaking flat TV, pero naka-mute ang sound nito. Doon pala sa TV nanggagaling ang mga ilaw na kumikisap-kisap. Tulad ng sa labas, kulay light brown din ang carpet dito sa loob at ang mga furnitures ay ultra-modern na may combination na dark brown, light brown and black.


Mula rin sa kanyang kinatatayuan ay nakikita niya sa kanang bahagi naman ang eleganteng dining area. May oblong na mesang salamin at walo ang mga silyang katerno nito. May moderno ring chandelier na nakasabit mula sa kisame sa gitna ng dining table na ngayon ay nakabukas at nagpapaliwanag sa buong dining area. Ang dingding dito ay mga salamin na transparent at clear. May mga kurtina itong nakahawi at sa salaming dingding ay kitang-kita ang labas ng gusali at sa tantiya ni Samantha sa lokasyon ng 29th floor ay nakaharap sa bandang Tagaytay ang dining area at ang mga mumunting ilaw na nasisilip niya ay ang mga ilaw sa mga kabahayan at establishments sa Tagaytay.


Magkatapat ang living room at ang dining area at ngayon nga ay nakatayo si Samantha sa gitna nito. Napansin din niya na ang dingding sa living room ay puro salamin din kapareho ng sa dining area at nakahawi din ang mga kurtina dito kung kaya't may nakikita rin siya sa labas ng gusali na kislap ng mga mumunting ilaw na marahil ay sa lokasyon naman ng Aguinaldo Highway.

Sa bahagi ng dining area ay may divider na glass counter at overhead cabinets, kung saan makikita ang bahagi ng kusina, na nakabukas din ang ilaw sa mga oras na iyon. Mula sa kinatatayuan niya sa pagitan ng dining area at living room ay may hallway pa din na marahil ay patungo sa mga bedrooms dahil may nakikita siyang mga pinto sa dako pa roon.


Nakiramdam si Samantha nguni't tila wala talagang tao sa loob ng 29th floor. Naisip niya na baka bumaba lang sandali sa office nila si Luke para kunin ang report na ipapagawa sa kanya ngayong gabi. Para huwag mainip ay tinungo niya ang salaming dingding ng dining area kung saan nakikita niya ang maliit na version ng Tagaytay City, mula sa 29th floor ng gusaling iyon. Natatanaw niya ngayon ang mga maliliit na ilaw sa ibaba na parang nagkikislapang mga brilyante mula sa mga mamahaling alahas na isinabog sa lupa.


Gustung-gusto ni Samantha ang ganitong tanawin na kung tawagin niya ay "City Lights". Kung kaya naman nakalimutan na niya ang oras, kung bakit at nasaan siya sa mga oras na iyon. Carried away siya sa ganda ng tanawing iyon ngayong gabi. Para siyang nahihipnotismo sa ganda...

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon