CHAPTER THIRTEEN

368 7 0
                                    

Nag-pack up na ang mga crew, staff and host ng TV show, matapos ang masaganang breakfast na ipina-deliver ni Samantha sa Penthouse. Nakaalis na rin ang writer ng Time Magazine.

Kasalukuyang inaayos na ng grupo ng mga photographers ang isang bahagi ng Penthouse para sa gaganaping photo shoot. Busy ang mga crew sa paglalagay ng backdrop na gagamitin at pagi-install ng mga equipments.


Si Luke naman ay nasa loob ng comfort room ng Penthouse at nagbibihis na para sa unang picture.


"Samantha, can you come here and help me please?"


Nakasilip ang mukha ni Luke sa pinto ng comfort room at tinatawag siya.


What? Ako? Tinatawag niya sa loob ng comfort room? Oh Dear Lord, please help me! Biglang sigaw ng puso niya.


"Samantha, please, I need your help!" tawag ulit ni Luke.


Nanginginig ang mga tuhod, dahan-dahan siyang lumakad papunta sa comfort room. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto.


"What are you doing there? Come inside and help me! And please close the door!" nakakunot ang noong sabi sa kanya ng boss niya.


Naiilang na pumasok sa loob si Samantha at sinara niya ang pinto. Lalong nanginig ang mga tuhod niya. First time sa buong buhay niya na pumasok sa loob ng isang comfort room na may kasamang lalaki. At si Luke pa! Oh Oh!


Nakabihis na si Luke suot ang polo shirt na may mahabang manggas na tinupi niya hanggang elbows. Nakasuot na din ang skinny jeans na denim pero...


"Samantha, pakitaas mo itong zipper ng jeans ko habang hawak ko sa magkabilang side ha. Alam mo naman ang dilemma kapag nagsusuot tayo ng mga skinny jeans na ganito." Sabi nito sa kanya habang pinaglalapat ang baywang ng jeans.


Ohhhhhhh! Nanghihinang sabi ng puso niya.


"Samantha, we don't have the whole afternoon for this. Magsisimula pa lang ang photo shoot. Are you just going to stand there and stare at my briefs?"


Sa kalituhan ni Samantha ay nawala siyang bigla sa sarili at hindi niya napansin na nakatitig lang siya sa zipper ng jeans na suot ni Luke na kasalukuyang nakabukas. Nasilip pa niya ang kulay ng briefs ni Luke. White.


Nanginginig ang kamay niya ng hawakan niya ang zipper. Sa kanyang panghihina deep inside ay tila nawalan siya ng physical strength at hindi niya magawang itaas ang zipper. Dalawang kamay na ang gamit niya ay hindi pa rin niya maitaas ang zipper. Nakatutok lang ang mga kamay niya doon sa bahaging iyon ng katawan ni Luke. Para siyang nakukuryenteng hindi niya maintindihan.


Ohhhhhh dear.....naghihingalong daing ng puso niya. What is happening???

"Samantha, ano na ang nangyayari? Isara mo na!"


"Eh b-boss, hindi ko maitaas ang zipper. Masikip eh. May nakabukol..." Nangangatal ang boses niya.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon