CHAPTER FIFTY NINE

228 4 0
                                    

"Oh my God, oh my God!" napahawak sa ulo niya si Samantha ng marinig ang kwento ni Philip tungkol sa nangyari nung gabing iyon sa Debut Party niya.

"He was there all along? Ni hindi ko man lang siya nakita! I waited for him that night. I swear to God, I waited for him!" tuluyan na namang napaiyak si Samantha.

Tahimik lang na nakamasid sa kanya si Philip. Wala itong magawa. Sa isip ng binata ay unti-unti ng lumilinaw ang lahat. Bigla siyang naawa kay Samantha at kay Luke.

"Kaya pala nung magkita kami ulit after twelve years ay galit na galit siya sa akin. Akala niya hindi ko tinupad ang pangako namin sa isa't isa. I waited for him. I tried to delay my own party kasi I was hoping against hope na kahit nawalan kami ng communication that time, he will come for my birthday. Kahit nga wala na 'yung first dance. Hindi na mahalaga sa akin 'yun. 'Yun lang makita ko siya ulit, that would be more than enough for me." Humahagulgol pa rin si Samantha.

"At si Steve! Si Steve pa talaga ang pinagselosan niya! Has it not occurred to him that Steve was just doing me a great favor that night? I delayed 'yung part ng 18 roses kasi nga hinihintay ko siya. Tapos ng mag-dinner ang lahat pero ayaw ko pa rin magsayaw. Hanggang sa malapit ng mag-midnight at malapit ng mag-uwian ang mga guests ko kaya nagsayaw na kami. Akala ko hindi na siya darating. Ang alam ko, hindi siya sumipot that night at nakalimutan na niya ang birthday ko. Hindi man lang siya nagpakita sa akin, nandoon naman pala siya!"

"What do you mean na Steve was just doing you a great favor?"

"Alam ni Steve na I was waiting for someone. Hindi alam ni Steve na si Luke ang hinihintay ko. Alam ni Steve na hinihintay ko ang first dance ko at hindi pa ito dumarating. Kaya ng sinabi ng Daddy ko na kailangan na naming mag-18 roses at magsayaw, pinakiusapan ko si Steve na siya na lang ang maging first dance ko kasi nga hindi ako sinipot ng dapat ay first dance ko. Earlier, ipinagmamalaki ko sa lahat na masu-surprise sila, lalo na ang family ko, kung sino ang first dance ko. Nang hindi dumating si Luke, I requested Steve to be my first dance instead. Akala nga ng lahat, si Steve ang special person for me that night of my birthday." Paliwanag ni Samantha.

"Wait, magkakilala ba 'yang si Steve at si Miggy?" naguguluhang tanong ni Philip.

Sa labas naman ng mga sandaling iyon ay medyo humina ang ulan at unti-unti na ring nagliliwanag ang paligid dahil mag-uumaga na.

"Oo naman. Magkakilala sila. Nung time na nagkakilala kami ni Luke nung nagbakasyon siya sa Cavite, nakilala niya rin si Steve kasi madalas din naming kalaro ng best friend kong si Kyla si Steve. Kapitbahay din namin si Steve. Why?" sisinghot-singhot na tanong ni Samantha. Tumigil na ang pagtulo ng mga luha sa mga mata niya.

"Kasi galit na galit siya kay Steve. Habang kinukwento nga niya sa amin si Steve, namumula siya sa galit. Nanligaw ba sa iyo si Steve? I hope you don't mind me asking. I know it is too personal. Or naging kayo ba ni Steve?" curious na tanong ni Philip.

"Uy, hindi ah! Steve and I are just friends. We are very close friends. Next to Kyla, my best friend, Steve is next in line. Mabait siyang kaibigan and we treat each other as brother and sister. 'Yun lang."

"If that is the case, well...saan kaya nanggaling yung...?? Kasi 'yung sumunod na ikinuwento ni Miggy sa amin ay naintindihan na namin kung saan nanggagaling 'yung galit niya." Napakamot sa ulo si Philip. Halatang naguguluhan ito.

"Ano na naman 'yun? Another revelation? Bakit? Ano ang sinabi sa inyo ni Luke?" bigla ay ninerbiyos si Samantha.

Revelation #3

A few days after Samantha's Debut Party, lumipad pabalik sa America si Luke dala ng matinding sama ng loob.

"Kaya pala hindi siya nakikipag-communicate sa akin kasi sila na pala ni Steve! How stupid of me to have assumed na mahal ako nung Samantha na 'yun. She was only 13 years old when I met her. Siguro puppy love lang 'yung nararamdaman niya sa akin noon. Ang laki ko namang tanga na umasa sa isang babae na hindi man lang yata naiintindihan pa ang tunay na meaning ng salitang love! Hmp!" napabuntung-hininga ng malalim si Luke habang nasa eroplano pabalik ng America. Nakatanaw siya sa labas ng bintana ng eroplano at nakatitig sa mga mapuputing ulap na animo ay mga busilak at napakalambot na bulak.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon