CHAPTER FIFTEEN

388 9 0
                                    

Dine-dedicate ko ang chapter na ito kay ehlrhiane. Happy reading, Ate!

~~~~~****~~~~~


Matapos ang hindi magandang engkwentro nina Samantha at Philip nung araw na iyon, naging madalas na ang pagbisita ni Philip sa kanilang opisina. Di nagtagal ay naging magkaibigan na rin sila ni Samantha dahil madalas itong magpatawa at mabait din naman. Mahilig itong magkwento ng mga kung anu-anong istorya. Napatunayan ni Samantha na hindi naman pala ito bastos at lalong hindi ito nang-aabuso ng kahinaan ng mga babae, tulad ng una niyang akala. In other words, gentleman ito.

Si Philip Miranda ay kasing-edad ni Luke. Ayon kay Philip, maliliit pa lang sila ay mag-best friend na sila ni Luke. Ang kanilang mga magulang ay magkakaibigan din kasi, at one way or another ay magkakasosyo sa mga family businesses nila. Lumaki silang palaging magkasama at nang sila ay nagbibinata na, may mga pagkakataon pang magkasama silang nagbabakasyon sa labas ng bansa, kasama ang dalawa pa nilang best friends na mga lalaki rin. 'Yung isa ay sobrang busy sa politika, at 'yung isa naman ay sobrang busy sa pagpapalipad ng eroplano, piloto kasi.

Ang opisina ni Philip ay malapit sa opisina nina Luke, walking distance lang. Pag-aari ng mga magulang ni Philip ang building ng kanilang opisina, na mababa lang ng konti kumpara sa building ni Luke. Ang kina Philip ay may dalawampu't limang palapag lang. Buhay pa ang ama ni Philip kaya magkatulong pa sila sa pagpapalakad ng kanilang mga negosyo.

Sa bahaging iyon ng Cavite, kapag sinabing "dalawang higante", ang tinutukoy ay walang iba kundi ang dalawang building nina Luke at Philip. Sadya naman talagang napakataas at mula sa katabing bayan ay tanaw na tanaw na ang mga buildings na iyon na napaka-modern ang design at pagkakagawa.

~~~~~****~~~~~

Lunch break.

Dumating si Philip na maraming dalang kahon ng pizza at kasunod niya pa si Teddy, ang isa sa mga janitors, na buhat-buhat naman ang mga kahon ng crispy fried chicken at mojos. Napag-alaman niyang paborito ni Samantha ang pizza.

Nagkakainan sila sa cubicle ni Samantha. Nandoon din sina Doreen, Lea, Jacky at ang bagong secretary ng Sales and Marketing Department na si Liezl, na naging kaibigan na rin nila at nadagdag sa grupo nila. Kaibigan na rin nilang lahat si Philip at madalas na rin nila itong makasabay mag-lunch. May canteen sa building nina Philip pero madalas ay dumadayo ito sa canteen ng building ni Luke at lagi din siyang may bitbit na pagkain para sa kanila. Galante si Philip. Ngayon nga ay nandoon sila sa working area ni Samantha nagla-lunch.

"Ikaw sir ha, hindi ka nagsasawang magbitbit ng kung anu-anong makakain tuwing lunch break. Baka masanay na kami niyan at hanap-hanapin namin 'yan, sige ka." Sabi ni Jacky habang kumakagat ng fried chicken.

"Bakit naman ako magsasawa? Nakakatuwa nga kayong kasama eh. Dun sa office ko ay malungkot. Wala akong kasabay kumain tulad nito." Sagot ni Philip. Kumuha siya ng isang slice ng pizza at iniabot 'yun kay Samantha.

"Ay naku, hindi ako magsasawa kahit araw-araw pizza ang kainin ko. Isama pa ninyo 'yang fried chicken at mojos." Sabi ni Samantha sabay kagat ng pizza.

"O, see? Paano ako magsasawang magbitbit ng mga pagkain dito eh napakahilig kumain nitong isang ito." sabi ulit ni Philip na ang tinutukoy ay si Samantha.

"Naku sir Philip, nakakapagtaka talaga itong si Ysabel. Ang lakas kumain pero hindi naman tumataba. Hindi nga namin alam kung saan niya dinadala ang mga kinakain niya eh." Sabad naman ni Doreen.

"Tiyak, may alaga 'yan sa tiyan. May alagang sawa." Tatawa-tawang sabi ni Liezl.

Muntik mabulunan si Samantha ng marinig ang salitang sawa. Tamang-tama naman at dumarating ang janitor na si Jimboy at dala ang mga softdrinks in can.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon