CHAPTER THIRTY FOUR

319 6 0
                                    

Isang araw ng Sabado, muling dumalaw si Philip sa bahay nina Samantha. Matagal-tagal din siyang hindi nakapunta doon dahil sabi niya ay naging sobrang busy siya sa mga business nila at kinailangan niyang i-represent ang kanyang Papa sa mga nagdaang conferences na ginanap sa Singapore, Indonesia, at Malaysia. Nagkasakit daw ang kanyang Papa kaya siya lang mag-isa ang nag-asikaso ng mga iyon.

"Halika doon sa kotse at may ibibigay ako sa iyo." Masuyong hinila ni Philip si Samantha papuntang garahe, kung saan nakaparada ang kotse ng binata.

"Pero, lalagyan muna kita ng panyo sa mga mata mo. Surprise eh." Nangingiting sabi ulit ni Philip. At sinimulan na nga niyang i-blind fold ang dalaga.

"Ano ba 'yan? Sobra namang suspense!" excited na sabi ni Samantha.

Narinig ni Samantha na binuksan ni Philip ang kotse at tila may kinuha sa loob niyon. Maya-maya ay hinawakan ni Philip ang kamay niya at may ipinahipo sa kanya. Mabalahibo. Nagulat si Samantha at natakot sa nakapa niya kaya bigla din niyang binawi ang kanyang kamay.

"Ayyyy! Ano 'yan?" napasigaw ang dalaga sa pagkagulat.

"Hehehe si Ate napasigaw eh. Gulat na gulat sa nahawakan niya." Sabi ng kasambahay na si Wendy na kanina pa pala nandoon at pinanonood sila.

"Eeeewww! Ano ba kasi 'yan?" kinikilabutang sabi ni Samantha. Bigla niyang tinanggal ang panyo na nakatakip sa mga mata niya at nakita ang bagay na pinakapa sa kanya kanina.

Isang cute na cute na asong Shih Tzu! Pinaghalong dark brown at black ang kulay ng malago at kulot-kulot na mga balahibo nito.

"Ohhhhh, ang cute naman!" naluluhang sabi ni Samantha sa sobrang saya ng makita ang puppy. Kinarga niya agad ito at hinalik-halikan.

"Siya si Chewy. Lalake 'yan. Bigay ko sa iyo. Three months old pa lang siya. Alam kong mahilig ka sa mga aso. Sabi ng Mommy mo, dati daw ay may alaga kang aso pero namatay na kasi matanda na." Sabi ni Philip na tuwang-tuwa sa expression ni Samantha pagkakita sa puppy.

"Oo nga. Naalala ko tuloy 'yung doggy kong si Duchess. Kulay white and grey naman iyon. Mahal na mahal ko 'yun, kaya lang talagang maikli lang ang buhay ng mga aso eh. For a while, hindi na ako nag-alaga ulit ng aso kasi nagluksa ako ng sobra ng mamatay si Duchess. Pero now, seeing Chewy, bigla kong naramdamang pwede na ulit akong mag-alaga ng aso. Bakit nga pala Chewy ang name niya?" yakap-yakap ng mahigpit ni Samantha ang puppy at ito naman ay tahimik lang sa kanyang dibdib.

"Paano kasi, love na love niyang ngatngatin 'yung maliliit na stuffed toys na binili ko para sa kanya. Binilhan ko na nga pala ng mga clothes and toys si Chewy. Pati na rin mga puppy food. Pati 'yang kulungan at higaan niya. Dagdagan mo na lang kung gusto mo. Kumpleto 'yan pati boots and shoes niya. Palitan mo na lang ang name niya kung ayaw mo ng Chewy." Nakatingin si Philip sa magandang mukha ni Samantha at masayang pinagmamasdan ang kaligayahang nakarehistro doon.

"Ay huwag na lang. Okay na ang Chewy kasi bagay na bagay naman sa kanya ang name na iyan. Cute nga eh. At saka sanay na siya sa pangalan niya. Malilito 'yan kapag papalitan ko pa. Chewy sounds nice to me. Di ba Chewy-Chewy, mah bebe?" kinausap pa ni Samantha ang puppy niya na parang baby.

"Ate, ang cute-cute naman ng tuta na bigay sa iyo ni Kuya Philip!" sabad ni Wendy.

"Oo nga, super cute! Tutulungan mo akong mag-alaga sa kanya ha?" itinaas pa ni Samantha ang puppy, kapantay ng ulo niya ang ulo nito saka sila nag-nose-to-nose.

Aliw na aliw naman si Philip sa nasasaksihang bagong pag-ibig na sumibol mula sa araw na ito sa pagitan nina Samantha at ng regalo niyang puppy dito na si Chewy.

"Wendy, pakipasok mo muna si Chewy sa loob. Pati na rin itong lahat ng mga gamit niya. Dito muna kami sa garden ni Philip. Pakidalhan na rin kami ng spaghetti carbonara na niluto ko kanina. Pakilabas na rin 'yung juice, please. Salamat." Pakiusap ni Samantha sa kasambahay.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon