CHAPTER FORTY SIX

239 4 0
                                    

"Sige lang iha, iiyak mo lang 'yan." masuyong sabi ni Tita Sylvanna habang hinihimas ang kanyang likod. Nakayakap siya dito habang humahagulgol.

Natagpuan niya ang sarili na nilalakbay ang daan patungo sa bahay ni Tita Sylvanna.

Matapos niyang makita si Charlene sa silid ni Luke kagabi ay hindi na niya matandaan kung paano siya nakabalik sa silid niya. Madaling araw pa lang ay nag-check out na siya sa hotel at heto nga siya ngayon sa bahay nito at inilalabas ang lahat ng sama ng loob na kinimkim sa loob ng mahabang panahon. Umaagos ng walang patid ang mga luha niya. Sa bus pa lang ay hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Awang-awa si Tita Sylvanna sa kanya.

Kanina pa ring ng ring ang kanyang celfone at si Luke ang tumatawag. Tinext niya lang ito na sinundo na siya ng kanyang mga parents kaya maaga siyang nag-check out. Ganun pa man ay tumatawag pa rin ito sa kanya. Pinatay na niya ang celfone at patuloy na humahagulgol.

"Ang tagal ko siyang hinintay, Tita. Ni wala akong naging boyfriend. Wala akong ibang minahal kundi siya. Nangako siya sa akin na babalikan niya ako. Labindalawang taon ng buhay ko ginugol ko sa paghihintay lang sa kanya. Tapos ng sumulpot siya, ikakasal na siya sa iba!" humihikbi niyang sabi. Naluluhang nakatingin lamang sa kanya si Tita Sylvanna.

"Noong una, pagsulpot niya, gagalit-galit pa siya. Ni hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanyang kasalanan. Siya na nga itong hindi tumupad sa pangako, siya na nga itong nang-iwan, tapos siya pa ang galit ng magkita kaming muli." Tulo pati sipon sa pag-iyak niya.

"Lahat tiniis ko, makita ko lang siya at makasama araw-araw. Sapat na 'yun sa akin kahit alam kong may iba siyang mahal at malapit na ngang ikasal. Kahit sinasabihan ako ng best friend ko na gumising na sa katotohanan, naging matigas ang ulo ko. Tinanggap ko ang lahat ng sakit, Tita." Pagpapatuloy niya sa pagkwento habang umiiyak.

"Madami siyang ginawa sa akin na nakakasama talaga ng loob at nakakababa ng pagkatao ko. Andun pa 'yung pinaglalaruan lang niya ang emotions ko. Pero tiniis ko pa rin 'yun." Walang tigil ang pag-iyak niya.

"Noong Friday hanggang kahapon nasa Makati kami, naging sweet na ulit siyang bigla sa akin. Tita, nakita ko ulit kung ano siya dati. Malambing, mapagmahal, protective. Muntik na akong makalimot sa sarili ko at halos ay handa ko ng ibigay ang sarili ko sa kanya para lang malaman niya kung gaano ko siya kamahal. Pero ano? Ayun Tita, ilang oras pa lang ang nakakalipas mula ng ihatid niya ako sa kuwarto ko, ayun at kaulayaw na niya agad ang girlfriend niya. Kaya pala tinanggihan niya ako nung nakaraang gabi ng halos ay sabay kaming nakalimot sa aming mga sarili." humahagulgol pa rin niyang sabi.

"Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit niya ako ginaganito, Tita. Wala naman akong nagawa or ginagawang masama sa kanya. Pero pinahihirapan niya ako. Lahat ng oras ng buhay ko ngayon, sinasaktan niya ako. Sa opisina ay lagi niya akong sinisisi, laging pinagagalitan, pero nung minsang nag-resign ako, hindi naman niya ako pinayagan. Pinaglalaruan niya ako!"

Hindi na siya nahiyang isambulat ang lahat kay Tita Sylvanna. Para kasing bulkan na sasabog ang dibdib niya kung hindi niya ilalabas ang lahat ng sama ng loob at galit.

"Ganoon mo siya kamahal iha?" tanong nito sa kanya.

"Opo. Ganoon ko siya kamahal. Mahal na mahal ko siya pero ngayon galit na galit ako kasi sobra na ang ginagawa niya sa akin. Mahilig siyang magpaasa sa wala. Alam niyang mahal na mahal ko siya noon pa man pero ngayon niloloko niya na lang ako at pinaglalaruan ang aking damdamin. Naisip ko nga siguro hindi naman talaga niya ako minahal Tita. Baka nahihiya lang niya aminin sa akin dati pa na talagang hindi niya ako gusto kasi nga ang taba-taba ko noon." Napabuntung hininga siya ng malalim.

"Gusto kong maghiganti Tita pero hindi ko alam ang gagawin ko. Galit na galit ako. Napakasama niya! Ayoko na siyang makita pa! Ang sama-sama niya!!!" Halos maubos na niya ang laman ng buong box ng tissue paper sa pag-iyak at pagsinga.

"Huwag kang magagalit sa akin iha. May itatanong ako sa iyo. Hindi lingid sa aking kaalaman na alam mo na kung ano ang tingin sa akin ng mga taong lubos na nakakakilala sa akin. Pati 'yung mga kapitbahay ko dito. Tinatawag nila akong mangkukulam. Kaya ka ba naririto dahil naniniwala kang mangkukulam ako at gusto mong gantihan ang dati mong nobyo?" diretsahan nitong tanong sa kanya.

"Hindi po ako naniniwala doon Tita pero somehow, ngayon sa mga oras na ito, aaminin ko, at the back of my mind ay naroon yung pag-asam na sana totoo nga 'yun at alam kong tutulungan ninyo akong maghiganti kung sakali man. Pero higit sa lahat po Tita, kaya ako nandito ngayon ay wala akong pakialam kung ano ka pa. Basta ang gusto ko lang po ay maglabas ng mga sama ng loob. Gusto ko lang po na may makinig sa akin at alam kong ikaw yun Tita. Alam kong mauunawaan mo ako. Hindi alam ng mga Mommy at Daddy ko ang mga pinagdadaanan kong ito." Umaagos pa rin ang mga luha niya.

"Ano bang paghihiganti ang gusto mo iha? Pamagain ang ari niya? Palakihin ang tiyan? Bigyan ng mabigat na karamdaman na kahit kailan ay hindi na gagaling? Anong klase bang paghihiganti ang nasa puso mo?" tanong na naman nito sa kanya.

"Naku po, hindi po ganyan ang gusto ko Tita. Mahal na mahal ko po siya at maaaring galit na galit ako sa kanya ngayon pero hindi ko po magagawang saktan siya ng ganyan. Gusto ko po yung klase ng paghihiganti na iibig siya sa akin ng sobra-sobra na parang halos ay mahibang na sa pagmamahal sa akin. At kapag baliw na baliw na siya sa sobrang pagmamahal sa akin ay saka ko siya iiwan. Gusto kong maramdaman naman niya ang sakit na ginawa niya sa akin. Yun lang po. Tutal pinaglalaruan lang naman niya ang feelings ko. Gusto ko rin siyang paglaruan at paghigantihan." Galit pero umiiyak pa rin siya.

Tatangu-tango ang matanda habang nakikinig sa kanya. Malalim ang iniisip nito at manaka-naka'y tumitingin sa malayo. Pagkalipas ng matagal-tagal ding sandali ay nagsalita ito.

"Sige Samantha, matutupad ang kagustuhan mo. Pero ikaw ang gagawa no'n.""

To be continued...


~~~~~****~~~~~

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon