CHAPTER SEVENTY ONE

246 4 1
                                    

Puro kulay puti ang nasisilayan ngayon ni Samantha. Nakahiga siya. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata. Hirap itong mag-focus. Nasisilaw siya sa sobrang liwanag at mga kulay puting nakikita niya sa paligid.

Maya-maya ay may nakita siyang dalawang babaeng nakaputi. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Magaganda sila. Parang mga anghel.

Mga anghel? Nasa langit na ba ako? Gulat na tanong ng isip niya. Parang bigla itong naalimpungatan sa malalim at mahimbing na pagkakatulog.

Unti-unti ay para namang may bumubukas na kurtina sa loob ng ulo niya at nawawala na ang disorientation na nararamdaman. Naging aware na siya sa paligid niya.

"Paging Dr. Lontoc. Paging Dr. Lontoc. Please proceed to Room 304 immediately." Narinig niya. Luminga-linga siya sa paligid at napagtanto niyang nasa ospital siya. Walang ibang mga tao doon kundi ang dalawang nurse na ngayon ay humahangos papalabas ng silid na iyon.

Walang anu-ano ay bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumasok ang isang lalake. May nakasukbit na stethoscope sa leeg nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at kinapa ang pulso niya. Inilawan din nito ng dalang maliit na flashlight ang kanyang mga mata. Pagkatapos siyang suriin ay kinuha nito ang medical record na nakasukbit sa paanan na rails ng kama at may isinulat doon. Maya-maya ay lumabas na ito. Ni hindi ito nagsalita.

Biglang nagbalik sa kanya ang mga pangyayari. Bigla ring bumalik ang matinding takot. Nagsisigaw siya at nag-iiyak. Naghi-histerical siya ng maabutan siya ng mga nurse at doctor. May isinaksak sa kanya at ilang saglit lang ay muli na naman siyang nilamon ng maputing ilaw na iyon.

==========

Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay nakita niyang nakasubsob ang ulo ni Luke sa kama at hawak-hawak nito ang kanyang kamay. Nakatulog ito sa pagbabantay sa kanya.

Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Masuyo niyang hinimas ang buhok nito. Napakislot ito at tumingin sa kanya.

"Babe! Oh thank God, you're awake!" sabi nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Hinalik-halikan siya nito ng buong pagmamahal.

"Honey, ano ang nangyari? Kamusta ang baby natin? Nasaan si Kai?" sunud-sunod niyang tanong dito. Pagdilat ng mga mata niya ay naalala na niyang lahat ang mga nangyari. Pero parang may parte ng mga pangyayaring iyon na nawawala sa alaala niya. Kung baga sa libro ay parang may mga missing pages.

"Samantha, iha, salamat at gising ka na." sabi ni Tita Sylvanna. Nandoon rin ito sa ospital, kasama ni Luke na nagbantay sa kanya buong magdamag. Lumapit ito at hinimas ang ulo niya. Hinalikan siya nito.

"Babe, andito kagabi sina Mommy at Daddy mo, kasama sina Kuya Raffy mo. Gusto nga nilang magbantay sa iyo pero pinauwi ko muna para makapagpahinga. Mamaya babalik sila." Masuyong sabi ni Luke. Bakas pa rin sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.

"Ang baby natin? Si Kai nasaan na?" tanong niya ulit.

"Okay ang baby natin, don't worry. Walang masamang nangyari sa kanya."hinimas-himas nito ang tiyan niya.

"Are you sure, hon? Bakit masakit ang tiyan ko?" tanong niya ulit.

"Stress lang daw 'yan babe. Everything is okay." Masayang sagot ni Luke.

"Eh si Kai? Nasaan na siya?" tanong niya ulit. Kanina pa niya hinahanap ang kaibigan.

Siya namang pasok ni Kyla kasunod si Philip. Buhat-buhat ni Philip ang isang vase ng mga red roses at isang malaking basket ng mga prutas. Hindi magkandatuto sa pagdala.

"I am here! Alive and kicking!" masayang bati ni Kyla kay Samantha.

Nang makita ni Samantha ang kaibigan ay napaiyak na naman siya. Pero this time ay mga luha ito ng kaligayahan kasi nakita niyang buhay ang kaibigan niya at masaya pa ito.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon