CHAPTER FORTY EIGHT

273 4 1
                                    

Biyernes, eksakto alas sais ng gabi. 

Magkasama sila ni Kyla sa tree house. Ngayon na niya uumpisahan ang unang ritwal. Kailangan na niyang gawin ito dahil nanggigigil na siya tuwing makikita niya si Charlene sa opisina ni Luke. Confirmed na nagkabalikan na nga ulit ang dalawa. Siguro malapit na nilang i-announce ang engagement nila then magpapakasal na sila.

"Girl, sigurado ka ba sa gagawin mo? Uso pa ba ang gayuma ngayon sa panahon ng robots, internet at computers? Naglipana na ang mga aliens ngayon at madami na ring naiispatang mga UFO sa kalawakan." tanong ni Kyla.

"Oo naman. Dapat maniwala ako. Kapag hindi ako naniwala, hindi ito magkakabisa. Diyan ka lang sa tabi at huwag kang maingay. Bantayan mo lang ako. Hindi dapat malaman nina mommy itong ginagawa ko." panigurado niyang sagot.

"Talaga lang ha? Love spell version 2 point 2015 edition. Gayuma sa makabagong panahon. Hayyyy naku naman..." Natatawang sabi ni Kyla.

Inihanda ni Samantha ang mga gagamitin at ipinuwesto sa paraang itinuro ni Tita Sylvanna.

"Magsindi ka ng tig-dalawang pula at puting ispermang kandila gamit ang benditadong posporo. Kailangan nasa isang hilera ang mga kandila. Kunin mo ang litrato ng mahal mo at banggitin mo ang unang orasyon. Kunin mo ang banga at isigaw mo ang kumpletong pangalan ng taong mahal mo sa loob nito. Pagkatapos ay ilagay mo ang litrato sa loob ng banga kasama ng medalyon ng pag-ibig. Then, itago mo na ang banga doon sa lugar na walang makakakita at makakagalaw dito." utos ni Tita Sylvanna na siya niyang inaalalang mabuti sa mga oras na ito para hindi siya magkamali.

Mabuti na lang at kahapon nang lumabas si Luke para makipag-meeting sa kliyente sa Alabang ay nagkaroon si Samantha ng chance na maghalungkat sa desk nito. Nakakita siya ng mga ID pictures ni Luke sa drawer at kinuha niya ang isa.

Hinawakan niya ang litrato at sinimulan na niyang banggitin ang unang orasyon.

"Velzebubs egozum zek vekh / nostra nostris igomar / dominus pizzum/ omnibus cactuus / amorem amorem tennebum / varavabuum alakazaam!!!" madamdamin niyang sambit sa orasyon habang kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay. Dapat daw ay puno ng emosyon kapag sinasambit mo ito ayon kay Tita Sylvanna.

Narinig niyang pigil na humahagalpak ng tawa si Kyla sa may hagdan ng tree house.

Matapos ang ilan pang sandali ay itinago niya ang banga sa isang bahagi ng tree house at tinakpan ng mga lumang magazines at basahan para walang makapansin dito. Dito sa tree house ay sila lamang ni Kyla ang umaakyat kaya alam niyang safe ang banga dito.

"Baka may lumabas na rabbit diyan sa banga mo." sabi ni Kyla pagkatapos mahimasmasan sa kakatawa.

"Sigurado kang love spell yun ha?" dugtong pa nito.

"Oo naman love spell yun. Alam mo best friend, pag ganyang kumokontra ka, di na kita isasama next time." Pagbabanta niya dito.

"Sino may sabi sa iyong kumokontra ako? Hindi ah! Eh sa natatawa ako sa mga naririnig ko eh. Pakumpas-kumpas ka pa na para kang bubuhay ng patay bwahahahahahaha!" natatawa na naman ulit nitong sabi.

Inirapan niya ang kaibigan.

Talaga. Bubuhay ako ng patay. Patay na pag-ibig. Bubuhayin kong muli ang pag-ibig niya sa akin para patayin lang muli sa bandang huli. Bulong ng puso niyang galit.

Kinabukasan, sa opisina ay masusi siyang nakikiramdam sa bawa't kilos ni Luke. Tila wala namang nagbago. Ganoon pa din. Para pa ngang mas mainit ang ulo nito ngayong araw na ito at siya ang napapagbuntunan.

"Tita Sylvanna," pabulong niyang sabi sa celfone ng tawagan niya ito sa break time nila.

"Bakit po parang walang epek ang love spell? Sinunod ko naman lahat ng inutos ninyo pero bakit parang mas iniinitan niya ako ng ulo ngayong araw na ito?"

"Huwag kang mainip iha. Powerful ang mga love spells na itinuro ko sa iyo. Wala pang sumablay sa mga iyon kahit kailan." Sagot ni Tita Sylvanna sa kabilang linya.

"Naiinip nga po kasi ako eh. Mamaya po after lunch tiyak andito na naman ang sawa. Mas lalo pang naging malaking sawa, anaconda na yata, kasi nga binalikan siya at pakakasalan na siya. Eh di lalo na pong mawawalan na ng bisa ang love spell ko. Baka po palpak ang pagkakagawa ko kaya ganito." Reklamo niya.

"Naniniwala ako na tama ang pagkakagawa mo iha, kaya sit back and relax. Huwag mong pagdudahan ang gawa mo at iyan ang makakasira sa mga love spells mo. Mawawalan ng bisa ang mga 'yan pag nagduda ka. Kalma ka lang at maghintay. Magugulat ka sa resulta."

At dumating nga ang sawa a.k.a. Charlene after lunch tulad ng inaasahan ni Samantha. Hindi siya nito pinansin at inirapan pa siya. Tuloy-tuloy ito sa loob ng office ni Luke.

Gaya ng dati, nakabantay na naman ito na parang aso kay Luke. At expected na rin niya na maghapon na namang nakasara ang pinto ng opisina ng boss niya habang ito at ang sawa ay nasa loob. Parang sa pakiwari niya ay naging mas sweet pa ang dalawa nang ang mga ito ay magkabalikan. Love is lovelier the second time around?

Isinara nga ni Charlene ang pinto. Binuksan ni Luke. Isinara ulit ni Charlene. Binuksan ulit ni Luke. Nagtataka si Samantha sa nangyayari. Nahihilo siya sa patuloy na pagbukas-sara ng pinto. Narinig niyang nagtatalo ang dalawa sa loob. Nanalo ang nakabukas na pinto.

Bago mag-alas singko ng hapon ay dumating naman si Steve para sunduin siya. May usapan silang manonood sila ng sine ngayong gabi. As usual, humalik sa pisngi niya si Steve paglapit sa kanya at naupo sa visitor's chair na nasa harap niya habang naghihintay sa kanya.

Biglang bumalibag ng malakas pasara ang pinto ng opisina ni Luke. Nagulat sina Samantha at pati na rin ang mga ilang empleyado na kakatapos lang mag-meeting sa conference room. Maya-maya ay galit na lumabas ng opisina si Luke, kasunod si Charlene at huminto sa tapat ng desk ni Samantha.

"Samantha, please cancel all your plans for the night. We will go out to meet another client. Be ready in ten minutes." Galit at matigas ang tono ng boses ni Luke.

Lumingon ito kay Charlene at tumingin kay Steve.

"And both of you, please get rid of yourselves this instant. Nakakaistorbo kayo sa amin." 'Yun lang at tumalikod na ito patungong elevator. Naiwang nagkatinginan sina Steve at Samantha habang ang sawa ay matalim na nakatitig kay Samantha bago umalis.

To be continued...

~~~~~****~~~~~

AUTHORS' NOTE:

Dear readers, huwag ninyong gagawin ang mga gayuma sa love story na ito ha? Pero kung hindi ko kayo mapipigil, sige, try them at your own risk hehe.

Hanggang dito na lang muna at bibitinin ko ulit kayo...


LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon