CHAPTER TWENTY

388 8 1
                                    

"Ysabel!!! Ikaw pala 'yan!" sabay-sabay na nabigkas ng grupo nina Doreen na sinamahan pa ng pagtili sa pagkabigla at paghanga.

"Whoa! Si Ysabel pala ang pagkaganda-gandang babaeng ito!" nasambit ng isa sa mga officemateS na lalaki ni Samantha.

"Huwawwwww!!! What a total transformation! Grabe! Maganda na, lalo pang gumanda! Unbelievable!" sabi naman ng isang empleyadong lalaki nina Philip.

"Hu-wattt??? Si Ysabel 'yan? Anyare? Hindi natin nakilala sa sobrang ganda! Akala ko si Anne Curtis ang dumating." comment naman ni Brandy na hindi makapaniwala sa nakikita sa mga oras na iyon.

Pumitik sa harap ng mukha ni Luke si Philip. "Bro, wake up! Para kang natuklaw ng ahas diyan. Ang bibig mo nakanganga, pwedeng pasukan ng langaw. May tumutulo pa yatang laway!" Biro nito sa kaibigan. Tawa ito ng tawa. Hindi naman ngumingiti man lang si Luke.

Hindi pa rin inaalis ni Luke ang tingin kay Samantha. Hindi maintindihan ang expression ng mukha nito. Parang galit na parang may halong paghanga at may iba pa. Hindi maintindihan. Unknown and unidentified facial expression.

Lumapit si Philip sa grupo at umakbay ito kay Samantha.

"Ehem, good morning, beautiful!" bati nito sa kanya. "Hindi kita nakilala. Akala ko nag-invite ng artista si Madam Helen para sa tournament natin."

"Thank you, Philip. Bagay ba sa akin ang maiksing buhok?" tanong ni Samantha.

"Bagay na bagay!" sagot ni Philip at pati sina Liezl at Lea ay sabay na nakisagot din.

"Ano ang nakain mo at nag-transform ka? Pero in fairness ha, mas lalo kang gumanda! Grabe, ang sexy mo pala talaga!" hangang-hanga naman na sabi ni Doreen habang nakatingin ito sa mga legs niya..

"Wala lang. Bigla ko lang naisipang magpagupit ng hair. Mainit eh!" sagot naman ni Samantha.

"And since when did you ever learn how to drive a car like that? Marunong ka palang mag-drive." Sabi ulit ni Philip na nakaakbay pa rin sa dalaga. Palibhasa ay kaibigan na rin nila si Philip kaya okay lang kay Samantha na paminsan-minsan ay inaakbayan siya nito. Para sa kanya ay akbay-kapatid lang para sa kanya iyon. Palibhasa'y parehong lalaki ang dalawang kapatid niya. At para na ring nakakatandang kapatid ang pagtingin niya kay Philip.

"Matagal na akong marunong mag-drive. Tinuruan ako ni daddy at ng mga brothers ko. Matagal na akong gustong bilhan ng car ni daddy pero tinatanggihan ko lang. Pero now, kailangan ko na 'yan. Madalas na kasi akong ginagabi pag-uwi eh, at magiging madalas na ring out of town ang daddy ko kaya hindi na ako masusundo sa gabi."

"Sana sinabi mo na lang sa akin at ako na lang ang susundo sa iyo dito sa office ninyo at ihahatid kita sa bahay ninyo. Free of charge. Everyday and every night." Lalo pang hinigpitan ni Philip ang pag-akbay dito.

Sa sulok namang iyon ng lobby, kung saan nakatayo si Luke at nakatingin sa kanila ay nasasaksihan niyang lahat ang pag-uumpukan ng grupo, lalo na ang pag-akbay ni Philip kay Samantha. Pilit din niyang dinidinig ang kanilang pinag-uusapan. Naroon pa rin yung unknown and unidentified facial expression niya. Kahit ng lapitan siya at kausapin ni Helen, ang HR Manager ng kumpanya niya, ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa grupo nina Samantha.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon