CHAPTER FORTY TWO

275 7 0
                                    

"So, ibig sabihin ba nito, hindi na naman tuloy ang pagre-resign mo ha? Ang dami mo pa kasing kesyo-kesyo eh, mukha namang talagang ayaw mo mag-resign." Parang naiinis na sabi ni Kyla kay Samantha sa telepono.

Kinabukasan iyon at sa sobrang ligaya niya at kilig ay hindi siya nakatulog at ngayon nga ay masyado siyang maagang pumasok sa office.

Hindi makontak ni Samantha kagabi si Kyla kaya ngayon nga ay maagang-maaga niya itong binulabog sa phone. Ginising niya talaga para lang kuwentuhan.

"Well, let me see. Wait and see ulit ako. Kyla, ngayon pa ba ako magre-resign ha? Ngayon pang nalaman kong siya si Mystic Knight? Imagine, nagtatago siya sa likod ng isang Facebook account para lang makipag-communicate sa akin? Siguro nahihiya siya makipag-usap sa akin ng personal."

"Meka..." sabi ni Kyla.

"Anong meka?" tanong niya dito.

"Me kalokohan din palang itinatago 'yang si Luke 'no? Akalain mong magpanggap pa sa Facebook na Mystic Knight tapos ang profile picture ay si Daniel Padilla. Anak ng tipaklong! Anong drama kaya 'yun? Eh bakit hindi na lang kausapin ka ng harapan at hindi 'yung ganyang dinadaan ka pa sa pa Facebook-Facebook na ganyan. Sure ka bang si Luke talaga 'yang si Mystic Knight?"

"Siya talaga, Kai. Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko, nakabukas 'yung laptop niya sa loob ng Facebook account ni Mystic Knight. Nakabukas pa nga yung message inbox eh. Nakita ko, ako lang ang pinadadalhan niya ng messages. Isn't that so sweet?" nag-umpisa na namang kiligin si Samantha.

"Meka..." sabi ulit ni Kyla.

"Ano na namang meka 'yan?"

"Me kakapalan din ang mukha ng boss mo para makipag-chat pa sa iyo kagabi. Kung siya nga iyang si Mystic Knight!  Basta ako, girl ha, hindi ako naniniwala 100% na siya nga si Mystic Knight. Ingat ka din. Baka sa sobrang kilig mo at kabaliwan ay nawawala na ang focus mo sa kasalukuyan at katotohanan. Payong kapatid lang, girl."

"I am sure na siya talaga si Mystic Knight. Kung hindi ba naman siya, eh ano ang ginagawa niya sa Facebook account ni Mystic Knight, aber? Paki-explain nga." Tumingin pa si Samantha sa maliit na salamin na nasa harap niya at sinipat kung pantay ang pagkakalagay niya ng eyebrow pencil sa kilay niya.

"Meka..." sabi na naman ni Kyla.

"Meka na naman?" naiinis ng tanong ni Samantha.

"Me kasabihan na pasasaan ba at malalaman din natin ang katotohanan. Walang lihim na hindi nabubunyag. Tandaan mo 'yan, girl."

"Meka din!" asar na sabi ulit ni Samantha.

"O, ano naman ang meka mo? Gaya-gaya lang, walang originality! Bwahahahaha!" natatawang tanong ni Kyla.

"Me kalalagyan ka sa akin kapag hindi ka tumigil sa kakameka mo diyan. Tama na nga! Naiinis lang ako. Minsan talaga, wala kang kwentang kwentuhan. Excited na excited pa naman akong magkwento sa iyo kagabi pa lang pero ano? Nakatelebabad ka at madaling araw na hindi pa rin kita makontak. Ngayon naman parang wala kang interes sa topic at parang hindi ka naniniwalang si Luke nga si Mystic Knight! Ay bahala ka nga sa buhay mo!" sa asar ay nilitanyahan ni Samantha si Kyla.

"Hay naku, best friend, basta ako, ang masasabi ko lang ay konting hinay lang ha. Huwag masyadong bibigay at baka naman buong puso mo ay ibigay mo na diyan sa Mystic Knight na 'yan tapos in the end, hindi naman pala si Luke 'yan. Siguraduhin mo munang mabuti." Seryosong sabi ni Kyla sa kaibigan.

"Basta ako, sure na sure na ako na si Mystic Knight at si Luke ay iisa. Nagpe-Facebook nga eh, oras ng trabaho namin. Nagse-send ng message sa akin. Syempre, sa gabi ko na lang makikita ang message niya kasi bawal naman dito sa office ang mag-Facebook." Paliwanag niya kay Kyla.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon