CHAPTER SIXTY SIX

213 5 0
                                    

"Magkano ang ibinayad sa iyo para patayin ang target mo? Ano ang mode of payment? Paano ka binayaran? Cash ba o cheke?" tanong ng imbestigador sa isang lalaking payat, may katamtamang laki ang katawan, maputi at may itsura. Hindi mo paghihinalaang kaya nitong gumawa ng krimen.

Nagmamasid sina Luke at Samantha sa kabilang bahagi ng one way mirror ng investigation room na iyon. Kauumpisa pa lang ng interrogation nang sila ay dumating.

Hindi na dapat isasama ni Luke si Samantha sa headquarters pero nagpumilit ito. Interesado daw siyang malaman kung sino ang sniper. Muntik pa silang magtalo tungkol doon pero in the end, napilitan na lang din na isama ito ni Luke. Naisip niya rin na baka kapag iniwan niya ito sa office at habang nasa headquarters siya ay may masama namang mangyari dito habang wala siya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nagkaganoon. Mabuti na ring hindi ito mawawala sa paningin niya.

"Cash. Para walang trace kung kanino galing ang pera." Sagot ng sniper sa imbestigador.

"Gaano katagal mo ng sinusundan-sundan ang target?"

"Matagal-tagal na rin. Pinag-aralan ko ang mga routine niya at kung saan siya pumupunta. Sa una 'yun lang ang pinagagawa sa akin. Lately, change of plan." Kampanteng nagkukwento ang sniper na animo ay nakikipaghuntahan lang sa kanto. Wala itong bahid ng nerbiyos at takot sa mga ginawa. Halatang sanay na sanay na ito sa mga gawaing karumal-dumal.

"Anong change of plan?"

"Itumba ang target. Siguraduhing mabubura na sa mundong ibabaw." Parang pumapatay lang ng langaw!

Napabuntung-hininga ng malakas si Luke sa narinig. Nanlalaki naman ang mga mata ni Samantha.

"Magkano ang ibinayad sa iyo?"

"One hundred thousand pesos noong sumusunod-sunod pa lang ako. Last week, nung change of plan na, isang milyon na para sa ulo ng target. Binayaran ako ng kalahati kamakalawa. Ang kabuuan, mamayang gabi sana kung hindi nabulilyaso ang lahat."

"May ebidensiya ka ba na magpapatunay na itong taong ikinakanta mo ang totoong mastermind para patayin ang target mo?"

"Meron."

"Binayaran ka nga ng cash di ba? Sabi mo, para walang trace na mag-uugnay sa kanya. So, anong ebidensiya ang tinutukoy mo?"

"Meron akong ebidensiya. Mabigat. Binigay ko na doon sa boss ninyo kanina. Huwag kang mainip." Paismid nitong sagot.

"Sigurado ka bang nagsasabi ka ng totoo o ini-implicate mo lang itong taong ito sa krimeng ginawa mo? Iba ka rin ano? 'Yung iba, sukol na, lumulusot pa at 'yung iba, pinipitpit na't lahat ang yagbols, hindi pa rin umaamin. Pero ikaw, all the way ang kumpisal mo."

"Eh wala na akong lusot pa. Nowhere to go. Nakilala mo na ako sa CCTV, ano pa ba? Nahuli na ninyo ako. At saka, kung hindi ako aamin at makakalaya ako dito, sigurado akong hindi rin ako makakaligtas sa nag-utos sa akin dahil hindi ko nagawa 'yung inuutos niya. Pumalpak ako! Binayaran na niya ako ng kalahati. Tiyak babawiin niya 'yun sa akin at ako naman ang ipapapatay niya. Kaya mabuti pang ikanta ko na lang siya para dalawa kaming kalaboso dito. Mas ligtas ako dito sa loob kesa sa labas."

"Sige, ilalabas muna kita at papapasukin ko ang sinasabi mong mastermind. Inimbitahan namin siya dito ngayon. Siguraduhin mo na tama lahat ng mga sinasabi mo. Magdasal ka na aminin niya ang krimen. Kung hindi, ikaw lang ang kalaboso dito at hindi ka namin tatantanan hangga't hindi mo ikinakanta ang tunay na mastermind." Seryosong sabi ng imbestigador.

Kinuha ng dalawang lalaki ang sniper at inilabas. Iminuwestra naman ng imbestigador sa mga lalake na ipasok na ang next suspect.

Niyakap ni Luke si Samantha. Interesado siyang malaman kung sino ang mastermind. Pagbukas ng pinto ay nakilala agad ni Luke kung sino ang papasok na suspect. Nagulat siya. Gulat na gulat. Biglang sumilakbo ang galit sa dibdib niya. Isinubsob niya agad ng marahan sa dibdib niya ang mukha ni Samantha para hindi nito makita ang pinaghihinalaang mastermind.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon