CHAPTER THIRTY NINE

241 3 0
                                    

At dumaan nga ang mga araw na wala si Luke sa office nila. Napagdesisyunan na ni Samantha na pagkabalik ni Luke galing ng Japan, hindi na niya tatanungin pa kung okay na ang problema nito sa isa sa mga Japanese investors doon. Tama nga naman si Kyla. Kung magre-resign siya, wala na siyang pakialam pa doon at sa kung ano pa mang mangyayari sa mga investments ni Luke.

One Thursday afternoon. Isang araw bago dumating si Luke. Tumawag ito sa kanya at may ora-orada na namang ipinagawa. Kailangan niyang tapusin ang report na iyon at i-email kay Luke agad-agad, kahit anong oras ng gabi niya iyon matapos.

In short, gagabihin na naman siya ng uwi! Akala pa naman niya ay nakaligtas na siya sa mga overtime ngayong wala ang boss niya.

Hindi naman mago-overtime ang mga friends niyang sina Doreen kaya siya na lang ang naiwan sa office after five ng hapon na iyon. 'Yung mga ibang offices sa mga ibang floors ay may mangilan-ngilan pa namang mga tao kaya okay na rin kay Samantha na sa floor ng offices nila ni Luke ay siya na lang ang tao. Ang assistant naman niyang si Esther ay hindi pumasok dahil may sakit ang anak nito.

Sa mga sumunod na oras ay naging busy siya sa paggawa ng report na hinihingi ni Luke sa kanya. Mabuti na lamang at ang lahat ng detalye ay kumpleto sa files niya.

Matapos niya itong mai-email kay Luke ay sinimulan na niyang magligpit ng kanyang mga gamit para maghanda na ring umuwi.

Bigla niyang naisip si Philip.

Oo nga pala! Kumusta na kaya 'yung si Philip? Ni hindi man lang nangangamusta. Lokong 'yun ah. Crush na crush niya pala si Charlene kaya pala parang hindi siya seryoso sa panliligaw. Uso na talaga ang gamitan ng mga tao ngayon. Sabi ng isip niya.

Wala sa isip na tinawagan niya si Philip sa celfone nito.

"Hi Baby Sis. What's up? How are you?" masayang bati nito sa kanya.

"I am okay. Siyempre, wala si boss kaya masaya hehe. Ikaw, how are you na?" liar lang ang peg niya.

"I am okay, too, Baby Sis. Nasa bahay ka na ba?"

"Wala pa. Nasa office pa ako. May hiningi kasing report sa akin si boss kaya tinapos ko pa. Kakatapos ko pa lang nung report pero na-email ko na sa kanya." Napatingin si Samantha sa paligid-ligid ng office. Nakabukas nga ang mga ilaw pero parang bigla siyang kinilabutan.

"What?? Ten o'clock na ah! Masyado namang slave driver 'yang boss mo. Alam mo, ang swerte-swerte nga niya sa iyo. Napakagaling mo na sa lahat ng aspects ng operations ng company ninyo, napakasipag mo pang mag-work. Maaasahan ka talaga. I don't know what Miggy would do without you, Baby Sis."

Nag-blush si Samantha sa mga papuring narinig pero nagpanting na rin ang tenga niya sa kakatawag ni Philip sa kanya ng Baby sis.

"Alam mo, nahihiwagaan na ako sa iyo, Philip. Saan naman nanggaling 'yang Baby Sis effect na 'yan? Bakit ba bigla mo akong tinatawag ng ganyan? What does that mean ba?" mataray niyang tanong.

"Wait. Please, don't get mad at me. Wala lang. Naisip ko lang, 'yan na lang ang itawag ko sa iyo kasi tutal naman sabi mo, kuya lang talaga ang tingin mo sa akin at 'yun lang ang nararamdaman mo for me. So, okay na rin sa akin 'yun." Paliwanag nito. Narinig ni Samantha na nagbuntung-hininga ito ng malalim.

"Huh? What do you mean nga?" naguguluhan niyang tanong. Mas kinilabutan pa siya nang biglang kumislap-kislap ang ilaw sa tapat ng elevator.

"I just realized na tutal madalas ka naming pag-awayan ni Miggy, na ginugulo daw kita, then dati pa, sabi niya tigilan na kita kasi may boyfriend ka naman daw, kaya titigilan na nga kita this time. Hindi na kita liligawan. I know naguguluhan ka na sa akin kasi makulit ako. I am sorry, Baby Sis. And bagay naman sa iyo 'yang Baby Sis kasi para na rin kitang batang kapatid. Wala naman akong kapatid. I am sorry, naunahan mo lang ako tawagan tonight. Sasabihin ko rin naman sa iyo ang tungkol diyan. But since you asked, ayan, sinabi ko na. Siguro naman matutuwa na rin ang boyfriend mo." malungkot ang boses nito.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon