CHAPTER SIXTY THREE

243 3 1
                                    

The Final Revelation:

Pagkatapos ng masarap na dinner na inihanda nina Kyla at Tita Sylvanna ay ipinaliwanag ng mag-tiyahin ang lahat-lahat sa kanya. Napag-alaman niya kung paano naging pamangkin ni Tita Sylvanna si Luke. Kapatid si Tita Sylvanna ng Mama ni Luke. At si Luke din ang pinakapaboritong pamangkin ni Tita Sylvanna. At first ay hindi alam ni Tita Sylvanna na pamangkin pala niya ang mahal ni Samantha. Hindi niya alam na si Luke ay ang pinakamamahal niyang pamangkin na tinatawag naman niyang si Mikee mula pa noong maliit pa ito.

Ipinaliwanag din ni Luke na mali ang paratang ng lahat kay Tita Sylvanna na ito ay isang mangkukulam. Ang totoo, ito ay isang psychic. Bukas na bukas ang third eye nito at may kakayahang makakita at kumausap sa mga kaluluwa ng mga taong namatay na. Katunayan daw ay may spirit guide ito na siyang gumagabay dito kaya kahit namumuhay mag-isa ay hindi ito nagagambala ng mga masasamang loob.

Nang malaman ni Tita Sylvanna na ang dalawang taong ito na malapit sa kanya ay nagmamahalan ng tunay, lihim na niyang sinubaybayan ang pag-iibigan nila. Alam nito na hindi tumatalab ang fake na gayuma at alam din niyang hindi fake ang ipinapakitang pagmamahal ng binata sa dalaga. Alam na din niya kung ano ang magiging kahihinatnan ng love story ng dalawang ito kahit may Charlene pang nanggugulo sa kanila pero ni minsan ay hindi siya nakialam. Ayaw niyang pakialaman at galawin ang isang bagay na nakatakda na kahit gustung-gusto na niyang ipaalam sa dalaga na noon pa lang ay alam na niya ang love story nila at kung ano ang mga susunod na mangyayari. Nakita na ni Tita Sylvanna ang mga susunod na kabanata sa buhay nina Luke at Samantha sa pamamagitan ng crystal ball nito.

"Pero paano si Charlene, honey? Pinuntahan niya ako sa office noon at sinampal. Pinaratangan niya akong bitch at mang-aagaw. Sabi pa niya kayo daw ay magpapakasal na kung di lang ako dumating. 'Yun daw engagement ring na binigay mo sa akin ay para sa kanya daw talaga iyon. Binili mo daw iyon para sa kanya. Siya daw ang pumili nun noong binili mo iyon para sa kanya. At higit sa lahat buntis daw siya at ikaw ang ama. Papayag daw siyang itira mo kami pareho sa iisang bubong." nalulungkot niyang sumbong sa binata.

"God, sinampal ka ng babaeng iyon? Bakit di mo sinabi kaagad sa akin yan? You knew how much I don't want anyone to hurt you. Walang katotohanan ang lahat ng mga pinagsasabi niya sa iyo. Ang engagement ring na binigay ko sa iyo once belonged to my mother. Engagement ring nila iyon ni Papa. Galing 'yun sa great grandmother ni Papa. Kinuha ko pa iyon kay Tita Sylvanna ng mag-propose ako sa iyo ng marriage dahil siya ang nag-iingat at nagtatago nun para sa babaeng pakakasalan ko. Anong binili para sa kanya? She may be pregnant, yes, pero hindi ako ang ama. Bago pa lang siya pumunta ng US ay hindi ko na siya sinisipingan. Dahil I promised myself na kapag bumalik na ulit ako ng Cavite ay pakakasalan na kita. Nagkausap na kami at pinipilit niyang ako ang ama ng batang dinadala niya. So I told her, papakasalan ko siya after manganak siya and we will subject the baby for a DNA test. Siyempre confident ako kasi alam kong hindi ako ang ama ng bata. Nagulat siya at hindi siya nakapagsalita. She didn't think na gagawin ko talaga 'yun if worse comes to worst. Mapapahiya siya talaga. Kaya tinigilan niya na rin ako after that." Kwento ni Luke.

Ikinuwento pa ng binata na hindi siya nakabalik agad ng Cavite twelve years ago dahil aside from staying sa US, isinama siya ng kanyang mga magulang sa Germany para ipagamot ang Lola Caring niya. For a while ay doon sila tumira hanggang sa mamatay ang matanda. At kahit nagluluksa pa ay bumalik ito ng Pilipinas para tuparin ang isang pangako.

"I was there on your 18th birthday straight from the airport. Na-delay 'yung flight ko kaya I was a bit late when I arrived in the hotel. Kasama ko sina Raymond at Jordan that night. Proud pa naman akong ipakilala ka sa kanila. Then I saw you having your first dance with that guy na mula pa noon ay lagi ng nakabuntot at nakadikit sa iyo. Si Steve. You can't imagine how devastated I was feeling that night. Tapos two years after that, I met naman your brother Gerard sa Paris. I asked him about you and he said baka daw malapit ka na ding ikasal kay Steve kasi masyado na daw kayong inseparable. I was mad at you that time, baby. You never waited for me. Sabi mo you will. Then I saw him kissing your cheek in the office. Oh God, I could kill that man!" galit na galit na sabi ni Luke. Naniningkit ang mga mata niya habang sinasariwa ang nakaraan. Yakap niya ng mahigpit si Samantha habang nagkukwento siya. Nakaupo sa kandungan niya na parang bata si Samantha habang nakayakap sa kanya.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon