CHAPTER FOURTEEN

439 9 0
                                    

Matapos ang dalawang linggo ay usap-usapan pa rin sa opisina nina Samantha ang naganap na live TV show, magazine interview at photo shoot kung saan ang bida ay ang kanilang gwapong boss.

"Hay naku, daig pa ni MLM ang artista, grabe!!! Nakapanood ako eh. Konti nga lang kasi hindi naman ako pwedeng magtagal, alam n'yo na. Pero itong si madam Ysabel, nahuli ko sa isang sulok at enjoy na enjoy sa panonood sa boss niya!" pagmamalaking kwento ni Jacky.

Nasa canteen sila noon at nagla-lunch.

"Napanood daw ng mommy ko yung TV show that day. Ang pogi-pogi daw pala ng boss natin. Hindi daw ba artista si sir?" sabi ni Doreen habang kumakain ng baon niyang kanin at chicken cordon bleu.

"Kelan ba ang release ng issue ng Time Magazine at nung men's magazine at ng makabili nga ng maraming kopya hahaha!" kinikilig na sabi ni Lea.

"Oy Lea, may asawa ka na kaya bawal na yang kikilig-kilig ke boss MLM." Saway ni Jacky sabay subo ng leche flan.


"May tanong lang ako. Ysabel, buti hindi ka nagkaka-crush ke boss MLM. Imagine, araw-araw mo kasama at nakakausap. At buti rin hindi ka niya natitipuhan." Curious na tanong ni Doreen.

"Bakit naman napunta sa akin ang usapan? Of course not! At bakit naman ako magkaka-crush dun?" sagot ni Samantha.

"Hindi nga, kasi syempre ang gwapo-gwapo ng boss mo, I mean, hindi ka ba nade-develop? Hindi mo siya crush?" si Lea naman ang nagtanong.

"'Yang ganda mong 'yan hindi ka ba natitipuhan ni boss MLM?" tanong ulit ni Doreen na may halong pangungulit.

"Hay naku ha! I am sure hindi magkaka-crush si sir dito kay madam with small M. Baka nakakalimutan ninyo na may girlfriend na si MLM at any time now, pwedeng mauwi na sa kasalan." Sabi ni Jacky.

"Kayo naman, crush agad-agad? Hindi ba pwedeng paghanga muna? Of course not, hindi ko siya crush! At saka tama si Jacky, alam naman nating lahat na laging nakapulupot 'yung sawa niyang girlfriend eh. Although may mga iba pa siyang chicks, pero flings lang ang mga 'yun. Si Charlene pa rin." Sagot ni Samantha.

"Bakit hindi mo gayumahin? Hahahaha! Para mapansin ka ng boss mo!" humalakhak na biro ni Lea habang namamapak ng Cadbury chocolates.

Hindi nahahalata ng mga kasama niya sa mesang iyon na bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Nalungkot siya sa pinag-uusapan nila. Ayaw niyang napag-uusapan sina Luke at Charlene.

"Gayuma? Anong gayuma? Meron ba nun? Ikaw talaga Lea. Noong unang panahon pa yang myth na 'yan. Hindi totoo yan!" malungkot at naiinis na sagot ni Samantha.

"Oo nga naman Lea. Anong gayuma 'yang pinagsasasabi mo diyan? Saan nanggaling ang usapang gayuma?" tanong din ni Jacky.

"Hey guys, totoo 'yan. Naniniwala ako, ang family ko, sa gayuma. Kasi sabi ng lola ko, nagayuma daw 'yun kapatid niya kaya nakapag-asawa ng panget na, masama pa ang ugali." kwento ni Lea.

"Doon sa probinsiya namin, meron pa ring gumagamit ng gayuma. Sabihin mo lang sa akin Ysabel at sasamahan kita." dugtong pa ni Lea.

"Hay naku. Ikaw Lea puro ka kalokohan. Hindi ako naniniwala sa gayuma. Hindi totoo 'yun. Kung totoo man 'yun, sa panahon ngayon na uso na ang internet, robots, computers, mga modern technology at gadgets, sa palagay mo ba, may lugar pa sa mundong ito ang gayuma? Kahit pa totoo 'yun, for the sake of discussion, mawawalan na ng bisa 'yung gayumang sinasabi mo dito sa modern world natin." kumpiyansang sagot ni Samantha.

"At saka, wala pa akong nababalitaang ebidensiya na makakapagpatunay na totoo nga 'yang gayu-gayuma na 'yan. Masyado ka namang old school, Lea." dugtong pa ni Samantha.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon