CHAPTER THIRTY ONE

361 4 0
                                    

"Samantha...Samantha!"

Naririnig niyang may tumatawag sa kanya. Parang banayad na idinuduyan ang kanyang katawan. Masarap na pakiramdam.

"Samantha, please, open your eyes!"

Narinig na naman niya ang tinig na iyon. Masarap pakinggan ang boses na iyon. Nagdudulot ng pambihirang kapayapaan sa buong pag-iisip at katawan niya ang boses na iyon pati na ang tila nasa alapaap na pakiramdam.

Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nakita niya ang mukhang iyon. Napakalapit sa mukha niya. Ang mga mata ay nakatitig sa kanya at punung-puno ng takot at pag-aalala.

Lord, nananaginip na naman ba ako? Nasa langit ba ako? Sa isip ay naitanong ni Samantha habang nakatingin siya sa mukhang iyon na punung-puno ng pag-aalala at...pagmamahal? Pagmamahal? Diyata't?

Oh Lord, I am having a nightmare! Nasambit ng puso niya.

Nang imulat niya ang mga mata niya ay nakita niya ang mukha ni Luke na nakatingin sa kanya at natagpuan niya ang sarili sa mga bisig ng binata.

Bigla ring napatingin siya sa paligid at nakita niya kung nasaan sila. Nasa kandungan siya ni Luke at nasa ibabaw sila ng isang kama. Yakap-yakap siya ng mahigpit ni Luke.

"Luke...?" nagtatakang tanong niya sa gitna ng panghihina at pagkahilo.

"Thank God! Thank God, you're awake!" narinig niyang paulit-ulit na binubulong ni Luke habang mahigpit siyang niyayakap.

Nagpumilit siyang bumangon at kumalas sa yakap ng binata. Sa biglaang pagkilos niya ay nakaramdam siya ng pagkahilo kaya nasapo niya ang ulo niya.

Ilang sandaling katahimikan. Nakaupo na siya sa kama at tila dis-oriented pa sa mga nangyari. Si Luke ay nakaupo din sa kama at nakatingin lang sa kanya. Nagtatanong ang mga matang sa tingin niya ay punung-puno ng pag-aalala.

Napatingin siya sa binata. Nagtataka siya kung bakit at ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon. Biglang rumehistro sa isip niya na nasa 29th floor sila, sa bachelor's pad ni Luke! At nagbalik sa diwa niya ang lahat ng mga pangyayari kanina lang.

Nakita niya na nakasuot lang ng simpleng t-shirt si Luke at naka-short pants. Batang-bata itong tingnan sa ganoong casual na kasuotan. Bigla tuloy nagbalik ang alaala niya sa nakaraan, noong mga panahong madalas nakikita niya si Luke na ganito rin ang porma at suot kapag nagpupunta sa kanila para makipag-bonding sa mga kuya niya. Biglang nangilid ang luha sa kanyang mga mata sa biglang pagbabalik ng mga alaalang iyon, sa harap pa mismo ni Luke.

"Tell me what happened? What are you doing here at this time of the night? Bakit ka takot na takot? Bakit ka nawalan ng malay?" sunud-sunod na tanong ni Luke ng marahil ay nahimasmasan ito pagkatapos ng nangyari kay Samantha.

Umupo si Luke sa tabi niya. Hinimas-himas nito ang kanyang batok, pati na ang balikat.

Ikinuwento ni Samantha ang lahat ng mga nangyari. Naalala niyang sumakay siya ng elevator para pumunta sa office nila at tingnan kung nandoon ang hinihintay na package. Pero hindi huminto doon ang elevator at tuluy-tuloy ito sa Penthouse.

Ikinuwento niya na nasira ang elevator at natakot siya, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Sinabi niya rin na may naramdaman siyang tao sa Penthouse.

"Tao? You mean to say, may tao sa Penthouse kanina?" gulat na gulat na tanong ni Luke.

"Sir, I am not really sure pero 'yun ang pakiramdam ko. May mga kaluskos pa akong narinig. Tapos ng bumababa na ako ng hagdan ay may humahabol na sa akin sa hagdan. Baka naman ikaw lang siguro 'yun sir." Naramdaman ni Samantha na sumasakit ang ulo niya.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon