CHAPTER ELEVEN

411 9 0
                                    

Valentine's Day.

Maagang pumasok si Samantha ng araw na iyon. Hindi niya feel sumabay at makipagsiksikan sa elevator ng office nila para lang makita na may mga dala-dalang gifts, chocolates and roses ang mga officemates na lalaki para sa mga nililigawan at girlfriends nila.  Alam niyang maiinggit lang siya at pagmumulan na naman iyon ng matinding kalungkutan.

Mabuti na itong maaga para wala pang tao sa office at wala ring makakakita sa akin. Ayokong malaman nila na loveless ako ngayong Valentine's Day. Sabi ni Samantha sa sarili habang sinusuklay niya ang mahaba niyang buhok sa harap ng salamin sa loob ng lady's comfort room.

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Simpleng black dress ang suot niya. V-neck ito at may mahabang manggas. Hanggang tuhod ang haba. Simple lang ang damit niya pero ang hindi alam ni Samantha ay lalong lumabas ang kanyang kaputian at litaw na litaw ang kinis ng kanyang kutis, mula ulo hanggang binti.

Ayan, kamukha ko na si Morticia Addams ng Addams Family. Walang Valentine's Day para sa akin. Halloween ngayon. At bigla pa siyang natawa sa kalokohan ng isip niya. Nang makuntento na sa itsura niya at sa image na gusto niyang i-project sa araw na iyon ay lumabas na siya ng comfort room at dumeretso sa cubicle niya.

Nagulat pa siya ng makita niyang may mangilan-ngilan ng mga officemates niya ang naroon na maaga ring pumasok at kasalukuyang nagkukumpulan sa cubicle niya.

"Good morning! Ano ang pinagkakaabalahan ninyo sa cubicle ko? May latest news ba? Bakit? Ano'ng meron?" masaya niyang bati sa mga kaopisinang nagtumpukan sa cubicle niya. Nang marinig siya ay nagsitabihan ang mga ito at tumambad sa kanya ang pinagkakaguluhan nila.

Ang kanyang cubicle ay punung-puno ng mga white roses! Sa bawa't sulok at kanto ng kanyang cubicle ay may mga palumpon ng white roses. Mayroong bouquet of white roses sa desk niya, may mga white roses na nasa mga iba't ibang sizes ng vase sa ibabaw ng mga cabinets sa likod niya, sa ibabaw ng filing cabinets sa tagiliran ng cubicle niya at maging sa incoming/outgoing tray niya ay may mga roses din. Hindi lang iyon. May mga petals pa ng white roses na nagkalat sa sahig, sa bawa't tatapakan niya! Nagmukhang munting flower shop ang kanyang working area.

"Ikaw ha, masyado kang malihim ha. Sino ang nagpadala sa iyo ng mga iyan? How sweet naman!" nanunuksong tanong sa kanya ni Doreen.

Pinaghalong surprise, shock at amazement ang nararamdaman ni Samantha ng mga oras na iyon. Halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa sa pagkabigla nguni't pinilit niyang lapitan ang pinakamalaking vase na punung-puno ng white roses na hindi niya mabilang sa dami. Kinuha niya ang nakita niyang maliit na puting card na nakadikit sa vase. Mayroon itong maliit na pulang ribbon.

Happy Valentine's Day, my love. My love for you is as pure as those white roses. To the moon and back, I love you. Ito ang naka-type sa maliit na puting card. Walang pangalan ng nagpadala ng mga white roses. Obvious na ayaw magpakilala ng kung sino man ang nagpadala ng mga white roses sa kanya. Itinago niya sa bag niya ang maliit na card. Overwhelmed pa rin siya sa dami ng mga white roses na halos pumuno sa kanyang cubicle. 

"Sino? Sino ang nagpadala ng mga 'yan?" curious na tanong naman ni Lea.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon