CHAPTER SIXTY FOUR

267 4 1
                                    

'Yun naman pala! Isang malaking misunderstanding lang pala ang nagpaikut-ikot sa istoryang ito na tumagal ng twelve years! Hindi ba kayo nahilo? Ako nahilo. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din pala ang tuloy. Sa dinami-dami ng mga chapters ng story na ito, silang dalawa din pala ang magkakatuluyan sa bandang huli. Ang daming nasayang na panahon para kina Luke at Samantha. Kaya nga ang daming namamatay at napapatay ng dahil sa akala.

Pero in the end, what is destined to happen, shall happen! Kahit ano ang mangyari, kapag ito ay nakatakdang mangyari, mangyayari at mangyayari ito sa ayaw at sa gusto natin.

Sabi nga sa isang article na nabasa ko, life is like a movie. May mga cast and characters. May nakalaang story. May mga location shooting kung saan nangyayari ang lahat ng mga kaganapan sa buhay natin. Not just in one place but many places all throughout our lives. Destiny plays a great role in our lives. Kahit baguhin man natin ang cast, ibahin man natin ang location shooting ng pelikula ng buhay natin, ibahin man natin ang plot ng story, in the end, kung ano ang destined story ng life natin, 'yun pa rin ang mangyayari. Kahit ibahin pa natin lahat and make a new story, kung ano ang nakatakdang ending, 'yun pa rin ang magaganap. Kung ano ang dapat mangyari, 'yun pa rin ang masusunod.

Pero wala na talagang mas sasarap pa kaysa sa feeling na after all the sufferings and heartaches na pinagdaanan ay eto na at maayos na ulit ang lahat. Sa kabila ng mga lungkot at pagdurusa, may kaligayahang walang hanggan na nanamnamin. Parang halo-halo lang na maraming sahog at gatas.

Sabi ko na nga ba, hindi totoo ang gayuma eh! Maloko din pala itong si Tita Sylvanna at akalain ninyong pekeng orasyon ang itinuro kay Samantha? Hahaha! Saan kayang libro ng mahika blangka niya nakuha ang mga orasyon na iyon? Kaya pala tunog nang-ookray lang hahaha! Buti na lang at nalaman ko agad na pekeng gayuma lang pala ang mga iyon. (Balak ko pa naman sanang gawin at baka sakaling ma-inlab din sa akin 'yung crush ko!) Kalorkey talaga!

At naloka din ako sa sobrang dami ng pangalan nitong ating bida na si Miguel Lucas Montenegro. Mayroong tumatawag sa kanyang Miggy, may Migz, may Luke at may Mikee pa pala! At pati rin naman itong si Samantha. May Ysabel na, may Samantha pa! At may Sam pa! Ito ngang si Kyla, ang tawag sa kanya ay Girl (??) Oo nga naman, alangan namang tawagin siyang Boy (!). Corny....

Kayo ba ay naniwala na totoo ang gayuma? Siyempre hindi no! Alam nyo namang kathang-isip ko lang ang kwentong ito. Ang mga bida dito ay hindi naman totoong mga personalidad at nage-exist lang sa imahinasyon ko. Ngayon kung may kilala kayong may ganitong kwento ng pag-ibig, na halos pareho ng kwentong ito ang story ng pag-ibig nila, pwes, hindi ko sila kilala.

Pero teka, hindi pa tapos ang istoryang ito! Ngayong pare-pareho tayong lahat na hindi naniniwala sa gayuma, my next question is, naniniwala ba kayo na talagang nagkatuluyan nga sina Luke at Samantha sa ending ng story na ito? O, nakakaloka di ba?

Ano na nga ba ang nangyari kay Mystic Knight? Ngayong hindi na active sa Facebook si Samantha, paano na kaya itong si Mystic Knight? Tapos na kaya ang story ni Mystic Knight kasi ikakasal na si Samantha kay Luke? Sino ang misteryosong tao na nagpapadala ng sangkatutak na mga white roses kay Samantha sa office dati? Sino ang stalker ni Samantha na parang anino sa dilim na laging nagmamanman at sumusunod sa kanya? O di ba, hindi pa natin alam kung ano na ang nangyari sa kanila. At dapat makilala natin kung sino sila. Kaya hindi pa tapos ang story na ito. (Sino ba naman kasi ang may sabing tapos na ang kwentong ito?)

Aray! Binato ako ng tsinelas nitong kaibigan ko. Akala daw niya tapos na ang story at nagbubunyi na siya sa happy ending nina Luke at Samantha. Hindi pa daw pala. Tigilan ko na daw ang kakadaldal at simulan ko ng ikwento ang mga susunod pang kabanata. Nasu-suspense na daw siya.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon