CHAPTER EIGHTEEN

430 8 0
                                    

"Hi Ysabel! Charlene here. I hope I am not disturbing you. I just need someone to talk to and I know you wouldn't mind spending with me a few minutes of your time."

Si Charlene pala ang tumatawag. Nagtataka si Samantha kung saan nakuha ni Charlene ang kanyang celfone number.

"Hi ma'am Charlene, ikaw pala. Paano mo nalaman ang number ko? And what can I do for you?"

Nakikinig sa usapan si Kyla at nakaharap siya ngayon kay Samantha habang umiikot-ikot na naman ang mata. Nahawakan ni Samantha ang laptop case at ambang ihahampas niya iyon kay Kyla. Bigla itong nagtatakbo patungo sa comfort room na nasa loob ng kwarto ni Samantha. Tumatawa ito ng walang sound.

"Naku, ikaw naman. You don't have to call me ma'am. Hindi naman ako ang boss mo eh. Charlene na lang. I got your number from Migz, dati pa. Kinuha ko sa kanya ang number mo in case something urgent comes up at hindi ko siya ma-contact, at least I can contact you."

"Ah okay. How may I help you then? You said you need someone to talk to. About what?" nagtatakang tanong ni Samantha.

"Nakakahiya man pero it's about Migz. I think he is seeing another woman." Diretsong sagot nito. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa.

"What? That is not new to me, este, I mean, di ba alam mo naman dati pa na chickboy ang boss ko? Di ba alam mo namang madaming babae 'yung boyfriend mo?" mali-mali niyang sagot. Hindi niya inaasahang tatawagan siya ni Charlene tungkol kay Luke.

Ang tadhana nga naman kapag nagbiro. Akalain mong sa akin pa magko-confide itong si Charlene? Hindi ba alam ng tadhanang ito na nakakasakit na siya ng damdamin? Bakit kailangang ako pa ang tawagan nito? Umaaray ang puso ni Samantha.

"At saka, di ba, hindi ka naman 'yung jealous type? Hindi ka nga nagseselos kahit maraming umaaligid-aligid sa boyfriend mo eh. Parang di ka affected at all." Dugtong pa ni Samantha.

"Noon 'yon! Pero magmula ng mag-guest siya dun sa morning tv show na 'yun at naging cover ng mga magazines, lalong dumami ang mga babae. Madalas na siyang pagtinginan kapag nagde-date kami. Every girl seems to be trying hard to get his attention, kahit kasama ako. They all seem to flirt with him."

"Sikat ka rin naman ah! Model ka. Lumalabas ka rin sa mga tv and print ads. Nai-insecure ka?"

"Hindi. Pero I think he is seeing another woman. I think there is someone else aside from me."

Biglang kinabahan si Samantha.

"What do you mean?" tanong niya kay Charlene.

Lumabas na ng comfort room si Kyla at ngayon ay nakadikit na din ang tenga sa celfone ni Samantha at nakikinig.

"Just call it woman's intuition. Malakas ang pakiramdam ko na there is another woman. I believe she is there in between me and Migz."

"Paano mo naman nasabi 'yan? Lagi naman kayo magkasama di ba? Paano pa maisisingit ni boss 'yung other woman na sinasabi mo?"

"Basta, malakas ang kutob ko. May babae siya. 'Yung seryosong affair ha. Hindi 'yung fling lang tulad nung mga dati na. Iba ngayon. Lately, lagi na siyang nanlalamig sa akin. Hindi na rin siya sweet. And most of all, lagi na lang siyang walang time sa akin. Minsan, hindi na kami nag...alam mo na. Parang wala na siyang gana sa akin." Malungkot na sabi ni Charlene.

"Baka naman nagkakamali ka lang ng hinala at kutob. Sa office, subsob naman siya sa work. Except of course, paminsan-minsan ay may mga tumatawag na babae, pero sila naman 'yung mga tinutukoy mong dati na. Wala namang naliligaw na tawag galing sa mga bagong babae or mga pangalan na bago sa pandinig ko." Pagtatanggol naman ni Samantha.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon