CHAPTER SIXTY FIVE

230 4 0
                                    

Pagdating nila sa office ay dumeretso sila sa office ni Luke. Nadatnan nila doon sa loob ang head of security ng kumpanya at dalawa pang lalake. Naghihintay ang mga ito sa kanila. Pinakilala ng head of security kina Luke ang mga kasama niya. Ang dalawang lalake palang ito ang magiging bodyguard ni Samantha from that moment on.

Iniupo lang ni Luke si Samantha sa office chair niya at hinalikan sa noo.

"Babe, you stay here. Bahala na muna sila sa iyo. Huwag kang aalis diyan ha. I need to meet up with some people in the conference room. We have some serious security issues going on here right now. I will be back soon."

Tumalikod na si Luke at nagmamadaling pumasok sa conference room kasunod ang head of security.

Sa loob ng conference room ay may mga tao ng naghihintay. Nandoon ang members ng security group ng lahat ng mga kumpanya ni Luke. May members ng police force at naroon din ang ilang members ng NBI Team.

"I am sorry to invite all of you on such short notice, gentlemen." Paunang bati ni Luke sa lahat.

"Thank you for coming. Noong huli tayong magkaroon ng ganitong meeting din a few months back ay puro speculation and opinion lang ang kinalabasan ng discussion natin. Kahit ako, hindi ko binigyan ng pansin ang issue dati. Hindi ko sineryoso ang lahat at ang akala ko, simpleng bagay lang ito na in the end, will disappear and fade away. Kaya after that meeting ay hindi ako naging strict na i-submit ninyo agad sa akin ang results ng mga naging investigation ninyo." Pagpapatuloy ni Luke.

"But this time, my wife's life is at stake! God, I won't let anything bad to happen to her. I swear to God, kung sino man siya, ako muna ang papatay sa kanya bago niya makanti ang asawa ko. Muntik na siya kanina. Isang hibla away from death. Nandoon siya nakatayo sa spot kung saan dumaan 'yung bala. Precisely sa ulo niya ang target ng sniper. Dati, inside this building, may nakapasok din na tao at ang wife ko din ang target niya. Pinutol niya ang kable ng kuryente para maging madilim ang penthouse, kung saan nandoon ang asawa ko. From the penthouse hanggang sa 5th floor hinabol siya ng tao na 'yun. Mabuti na lang at nandoon ako that night at nakasalubong ko siya. Nawala 'yung taong humahabol sa kanya ng makita ako." Nagkukwento si Luke at manaka-naka'y nagiging emosyonal at normal na tinatawag na niyang asawa niya si Samantha kahit ikakasal pa lang sila.

"I am sorry to hear about that, sir. Rest assured, my team is doing everything we can para mahuli natin ang stalker ng asawa mo. Mayroon na kaming lead, pero we have to make sure na ito na nga iyon. Konting panahon na lang para sa mas mabigat na ebidensiyang makukuha namin, tumbok na namin kung sino siya at saan ang hideout niya." Sabi ng head ng NBI Team.

"Sir, nagdagdag na ako ng security personnel bawa't floors ng building, pati na rin sa paligid ng compound. Nagdagdag na kami ni Ma'am Helen ng mga CCTV's sa loob at labas ng building last week pa. Twenty four hours ang manning system sa CCTV control room natin. May tatlong taong naka-assign doon on an 8-hour shift each." Report naman ng head of security.

"Sir, we are treating this as a very serious matter kahit noong unang meeting pa lang natin and right now, we need each team's full support and cooperation. We need now some police visibility in the area, in and out of the compound, pati na rin sa bahay ninyo at sa bahay ng asawa ninyo para hindi makalapit ang sniper o stalker sa kanya. We are not even sure kung 'yung sniper at 'yung stalker ay iisang tao lang or iisang sindikato lang. We may be dealing with different entities here with different motives. We should assign civilian guards, too." Mungkahi ng head ng NBI Team.

"Gawin ninyo ang lahat ng nararapat. Please secure my building, my wife's house and my ancestral house. You know where they are. The sooner you get him or them, the better. My wife's life is in danger right now. That too, she is having our baby. I am counting on you guys to catch those devils out there!" mariing tugon ni Luke.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon