CHAPTER FORTY SEVEN

268 5 0
                                    

"Best friend, ano ba ang gagawin natin dito sa Quiapo?" nagpapalatak na tanong ni Kyla.

Kalalabas lang nila ng simbahan ng Quiapo. Biyernes noon at mahigpit na bilin ni Tita Sylvanna na bilhin ang mga kakailanganing gamit sa araw ng Martes o Biyernes.

Sinamantala niya ang araw na ito dahil naka-leave siya sa opisina. Simula Lunes ay hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sa nangyari noong nagdaang Biyernes at Sabado sa Makati at ayaw pa niyang makita ang mukha ni Luke. Nag-text lang siya dito para sabihin na hindi siya makakapasok dahil may sakit siya. Isang simpleng "K" lang ang sagot nito sa kanya.

Luminga-linga siya sa mga nagtitinda ng kandila at mga halamang gamot. Sa wakas ay namataan niya ang mga bibilhin niya.

Tig-apat na ispermang kandilang pula at puti, maliit na banga na sisidlan ng tubig, tawas na dilaw, benditadong posporo, at isang medalyon ng pag-ibig.

"Tandaan mo Samantha, hindi simpleng gayuma lang ito. Masyado itong powerful at bago ito maging lubos na magpaibig sa taong mahal mo ay kailangan mo itong ritwalan at orasyunan. Saka lang ito magiging ganap na gayuma." mahigpit na bilin sa kanya ni Tita Sylvanna nung araw na nag-iiyak siya dito. Marahil sa sobrang awa sa kanya ay naisuko nito sa kanya ang lihim ng pagkatao nito na pinakaiingat-ingatan sa buong buhay nito.

"Ritwal? Orasyon? 'Yung mga spells or mga salitang binibigkas na parang nagma-magic, parang katulad ng mga napapanood ko sa mga hollywood movies? Parang abrakadabra? Tita, kailangan ko po ng mas matinding spell para sa lalaking 'yun. Nakapulupot po kasi palagi yung nobya niyang mukhang gutom na sawa. Tapos may mga iba pang babae na sumisingit din sa eksena at parang maliliit na ahas din na pumupulupot kapag wala ang sawa." Reklamo niya.

"Love spell or gayuma ang tawag dito kung gagamitin mo sa isang tao para mapaibig mo siya. In short, gagayumahin mo siya. Kapag walang orasyon, walang bisa ang ritwal, kaya kailangan mong kabisaduhin ang mga orasyon na ituturo ko sa iyo. Tatlong yugto ng panggagayuma ito, iha. Tatlong ritwal, tatlong love spells sa magkakaibang pagkakataon. Kapag nagkabisa na, saka mo lang isusulat dito sa maliit na libretang ito ang orasyon. Maliwanag ba? Huwag na huwag kang magkakamali ng paggamit ng mga ingredients at lalo na sa pagbigkas ng mga orasyon. Magkamali ka lang sa isang yugto at magkamali ka lang ng pagbigkas ng orasyon, mawawalan na ng saysay at bisa ang lahat. Tandaan mong mabuti 'yan iha. Tuwing Martes at Biyernes mo lang pwedeng gawin ang mga 'yan." Kabilin-bilinan ito sa kanya ni Tita Sylvanna.

==========

"Hi there, Sweetie!" bati ng isang masayang tinig ng lalaki. Lunes noon at nakasubsob siya sa trabaho. Nakabalik na si Samantha sa trabaho matapos siyang magsakit-sakitan sa loob ng isang linggo.

Si Steve, ang kanyang kababata, ang dumating. Matanda lang ito ng dalawang taon sa kanya. Lumapit ito sa kanya at masuyong humalik sa kanyang pisngi.

"Steve! Ikaw ba yan? Nakabalik ka na pala. Kelan pa?" gulat at masaya niyang tanong dito.

"Hindi. Hindi ako ito. Multo lang ang nakikita mo. Ano ka ba, of course ako ito. Last week pa ako nakabalik from Australia pero naging busy rin kaagad kaya hindi kita na-text man lang. Alam mo na. Pero aminin mo, na-surprise ka di ba?" nakangiti nitong biro sa dalaga.

Inabot niya kay Samantha ang dala niyang one dozen of long stemmed red roses.

"Parang lalo ka yatang gumanda ngayon." Dagdag pa nito sabay haplos sa pisngi niya.

"Ehem, excuse me, I need the folder for our Financial Statement for 2012." Si Luke. Kitang-kita nito ang paghaplos ni Steve sa mukha ni Samantha at ngayon ay nakatuon ang paningin sa mga red roses na nasa ibabaw ng desk niya. Madilim at pormal na naman ang mukha nito.

Inabot niya dito ang folder sabay sabi ng "Sir, this is Steve. Baka natatandaan mo pa. Kababata ko."

"Yes I know him. Hi Steve." bati nito kay Steve habang hindi nagbabago ang expression ng mukha.

Kilala ko siya at hinding-hindi ko siya nakakalimutan. Galit na sigaw ng utak ni Luke.

"Hi Luke." Nakangiting bati rin nito sabay baling ulit kay Samantha.

"Of course I know him, Sweetie. Lagi ko siyang nakakasalubong at nakikita dito sa Cavite dati pa."

Laging nakikita at nakakasalubong? Nagtaka si Samantha.

"Ah Steve, I want to inform you that I do not tolerate my employees playing around during office hours. I hope you don't mind." Alam ni Samantha na galit ang tinig ng boss niya. Heto na naman ang kontrabida, sa isip ay nasabi niya.

Tila naging awkward bigla ang moment kaya naman nagpaalam na agad si Steve at humalik sa pisngi ni Samantha. Nakita ni Samantha na naningkit ang mga mata ng boss niya at nagtiim ng bagang bago bumalik sa opisina nito.

Si Steve ay kababata at kapitbahay nina Samantha sa Cavite. Mula pa noong mga maliliit sila ay magkakalaro na sila nina Kyla. Mas malapit si Steve sa kanila ni Kyla kaysa mga kuya niya.

May mga pagkakataon na din noong summer vacation na yun twelve years ago na nagkasama sina Steve at Luke kapag may mga okasyon sa bahay nina Samantha or kung nasa mall sila. Hanggang sa magdalaga na nang husto si Samantha, maging hanggang ngayon na nagtatrabaho na ito ay nakadikit pa rin sa kanya si Steve. Napalayo lang ito ng isang taon sa kanya ng ito ay magbakasyon sa Australia kasama ang ina. At ngayon nga ay kababalik lang nito at sa opisina niya ito unang tumuloy.

Pakiramdam ni Samantha ay mabigat ang dugo ni Luke kay Steve at iyon ang hindi niya maintindihan. Nahihiwagaan siya sa ikinilos ni Luke kanina.

Matagal ng nakaalis si Steve ay nag-iisip pa rin si Samantha kung bakit pati kay Steve ay galit itong si Luke. Bigla niyang na-realize na hindi lang pala ito sa kanya galit. Damay din pala si Steve sa galit nitong si Luke.

~~~~~****~~~~~


LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon