CHAPTER FIFTY SIX

239 4 0
                                    

Nanginginig ang buong katawan ni Samantha sa sobrang lamig na dulot ng pagkakabasa niya sa ulan ng siya ay tumakbong papalayo sa bahay ni Luke.

Ngayon ay makikitang nakabalot siya ng makapal na tuwalya at humihigop ng mainit na kape. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng living room ng bahay kung saan siya naroon ngayon.

Katamtaman lang ang laki ng living room at ang mga dingding ay kulay puti. Karamihan sa mga gamit dito ay contrasting na kulay itim naman. Masculine talaga ang living room at sa isang tingin ay mahuhulaan agad na lalake ang nakatira dito. Ngayon lang nakita ni Samantha ang lugar na ito. Ngayon lang siya nakapunta dito.

"Eto, isuot mo ang mga ito. Mabuti na lang at nag-iiwan si Mama ng mga damit niya every time na binibisita niya ako dito. I am sure kasya sa iyo itong jogging pants niya pati na itong sweat shirt niya. Dun ka na sa kwarto ko magbihis."

Biglang nabasag ang katahimikan pati na ang pagmumuni-muni ni Samantha ng lumabas si Philip mula sa kwarto. May dala itong mga damit. Itinuro nito ang pinto na malapit sa dining area.

Si Philip ang lalakeng nakasuot ng itim na jacket na nakasalubong niya sa dilim, sa ilalim ng napakalakas na ulan na tila bagyo. Kung bakit ito naroon sa lugar na iyon ng ganoong oras, 'yun ang pilit na aalamin ni Samantha.

Habang nagbibihis si Samantha ay nagkakagulo ang mga sari-saring isipin sa utak niya. Ang gayuma. Ang haharapin niyang galit ni Luke ngayong na-break na niya ang spell at gayuma na ginawa niya para dito. Si Philip. Ano ang ginagawa nito sa tapat ng bahay nina Luke sa mga oras na iyon? Oo nga at salamat, nandoon ito dahil nailigtas siya nito sa tiyak na pagkakasakit ng pulmonya gawa ng pagkabasa sa ulan at paglalakad ng mahaba hanggang sa highway. Pero nagdududa pa rin siya sa bigla nitong pagsulpot sa dilim sa ilalim ng napakalakas na ulan.

Nang makasalubong siya ni Philip sa labas ng bahay ni Luke ay niyakap siya nito ng mahigpit. Hindi siya nito pinakawalan kahit na nagpupumiglas na siya. Lalo siyang natakot. Nakilala lang niya ito ng ito ay nagsalita na.

"Ano ba, Ysabel? Nasasaktan ka sa pagpupumiglas mo. Basang-basa ka na. Nanginginig na ang katawan mo sa lamig. Halika na. Sumakay ka na sa kotse ko." Doon lamang siya kumalma at napayakap siya dito ng mahigpit sabay hagulgol. Umiyak siya ng umiyak na para bang wala ng bukas pa.

At ngayon nga ay heto siya. Dinala siya ni Philip sa bahay nito na kahit minsan ay hindi pa niya nasisilayan at napupuntahan.

Narito siya ngayon sa bedroom ng binata at napansin niyang puti din ang dingding at kisame nito at ang kama ay malaki at may cover na black satin. Simple lang ang bedroom nito pero elegante at malaki. May isa pang pinto sa loob ng bedroom na ito. Marahil 'yun ang bathroom and toilet ni Philip, naisip niya.

Kasyang-kasya naman ang damit ng Mama ni Philip sa kanya. Nakaramdam na siya ng init at ginhawa. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa living room. Wala doon si Philip. Narinig niyang may kumakaluskos sa dako pa roon at sinundan niya ang mga kaluskos na naririnig niya. Natunton niya ang kusina. Malaki ito at modern. Puting-puti din ito.

May niluluto si Philip. Masarap ang amoy na humahalimuyak sa buong kusina. Ngayon na lang din niya nalaman na marunong pala magluto si Philip.

"See? Kasya sa iyo 'yang damit ni Mama. Magkasing-katawan kayo eh. 'Yung mga basa mong damit, pinaandar ko na sa washing machine at spin dryer. Mamaya lang tuyo na ang mga iyon. Halika at dito na lang tayo sa informal dining table kumain. I am sure gutom ka na rin. Anong oras na oh."

Inihanda ni Philip ang mga pagkain doon sa mesang bilog na malapit sa glass windows, kung saan makikita mo ang labas ng bahay. Ngayon nga lang ay nababalot ng dilim ang labas ng bahay at ang patak ng ulan ay lumalagaslas sa glass windows.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon