CHAPTER FORTY

238 4 0
                                    

Pagdating niya sa office kinabukasan ng umaga ay nadatnan niyang nandoon na si Luke sa office nito at may bisitang dalawang lalake na hindi niya kilala.

Ang alam niya ay Friday evening pa ang flight ni Luke pabalik ng Pilipinas, pero nandoon na agad ito sa office ngayong umaga at nauna pa sa kanya. Naisip niya, siguro ay nagpabago ito ng flight schedule. Siguro tapos na ang meetings niya dun sa mga Japanese investors. Siguro ay tapos na rin sa wakas ang problema nito. Siguro ayos na ang lahat.

At higit sa lahat, siguro, today ay pwede mo na ulit ibigay sa kanya ang resignation letter mo. Sabi ng isip niya.

Biglang nalungkot si Samantha. Bumigat ang dibdib niya sa isiping iyon. Ilang araw ding ito ang laman ng isip niya. Dumagdag pa ang nangyari sa kanya dito sa office kagabi.

Biglang naisip niya na hindi na lang niya sasabihin kay Luke ang nangyari na naman sa kanya kagabi. Sigurado, hindi na naman maniniwala ito at baka siya na naman ang sisihin. Naisip niya ring wala namang pakialam ito sa kanya kahit kailan.

Nagtimpla siya ng coffee para kay Luke at sa dalawang lalakeng bisita nito. Pumasok siya sa office ni Luke at ibinigay niya sa mga ito ang hot coffee.

"Gentlemen, this is Samantha Ysabel Martinez, my VP for Administration and also my assistant." Pakilala sa kanya ni Luke sa dalawang bisita nito.

Pormal namang ngumiti sa kanya ang mga ito. Nginitian niya rin at kinamayan sila. Nanatili namang nakatingin lamang sa kanya ang mga ito.

"Ehhmm...Miss Martinez, pakikuha na lang kay Helen 'yung report na hinihingi ko sa kanya. Please don't ask Jacky to bring it to you. It is very confidential. I want you to get it from Helen personally." Utos ni Luke sa kanya.

Oh, start of a busy day, naisip ni Samantha habang lumalakad pababa ng hagdan. Nasa ibabang floor lang naman ang HR Department kaya naghahagdan lang siya every time na pupunta siya doon.

Pagkakuha ng confidential report ay sandali pa silang nag-usap muna ni Helen ng tungkol sa mga Admin. matters at nabanggit niya na malamlam na naman ang mga poste ng ilaw sa parking lot.

"Talaga? Kagabi mo lang napansin? Kakapalit lang natin ng mga bagong ilaw doon ah. If I am not mistaken, two weeks ago lang. Hindi kaya low quality 'yung mga lights na nabibili ng Purchasing Department?" nagtatakang sabi ni Helen kay Samantha.

Nagkibit balikat lang siya. Kinilabutan na naman siya ng maalala ang nangyari sa kanya kagabi. Hindi niya ito kinuwento kay Helen.

"Don't worry, I'll take care of it. Makikipag-meeting nga ako sa Purchasing Manager natin at titingnan ko 'yung mga brands ng lights na nilalagay nila sa parking lot. Alam ko masyado ka na namang busy today kasi kakadating lang ni MLM. Palalagyan ko na today ng bagong ilaw ang mga poste natin sa parking lot para kapag ginabi ka na naman ng uwi mamaya ay ayos na lahat 'yun." Nag-aalalang sabi ulit ni Helen.

Matapos pa ang ilang minutong usapan ay umakyat na siya patungo sa office nila ni Luke. Deretso siyang pumasok sa loob ng office ni Luke. Akala niya ay nandoon pa ang mga bisita. Wala na siyang inabutan sa loob. Pati si Luke ay wala din.

Ibinaba niya sa desk ni Luke ang confidential report pati na ang dalawa pang folders na ipinabibigay ni Helen. Sinimulan na niyang samsamin ang mga maruming mugs ng coffee. Umikot siya sa desk ni Luke para kunin ang coffee mug nito. Nang may mapansin siya.

Nakabukas ang laptop ni Luke at sa screen ay nakita niya agad ang Facebook page.

Aba, at kelan pa natutong mag-Facebook itong mokong na ito? Nagpe-Facebook sa oras ng trabaho? Tanong ng isip niya.

Tiningnan niya ng mabuti ang nakabukas na Facebook page. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata! Page ni Mystic Knight!

Teka, teka, totoo ba itong nakikita ko? Si Mystic Knight ba 'ika mo? Tanong ng puso niya na tila biglang nagising at kumabog-kabog.

Tinitigan niya ang page. Something seems not right. Hindi ito basta open page ng Facebook account ni Mystic Knight na tinitingnan lang publicly. Ito mismo ang loob ng FB account ni Mystic Knight!!!

Huh? Diyata't si Luke ay si Mystic Knight at si Mystic Knight ay si Luke? They are one and the same person? Nagpapanggap na Mystic Knight si Luke? Totoo ba ito? Hindi makapaniwalang sabay na tanong ng isip at puso ni Samantha.

Bigla siyang naguluhan sa nakikita niyang Facebook account. Talagang nakikita nga niya ang loob ng FB ni Mystic Knight. Nakabukas ito sa page ng mga messages. Nagtataka siya kung bakit kababalik lang nitong si Luke galing sa Japan at masyadong abala sa trabaho ay nakuha pa nitong mag-Facebook.

Yumuko si Samantha para masilip ng mabuti kung sino ang pinadadalhan ng message ni Mystic Knight. Nagulat na naman siya sa nakita niya. Walang ibang messages doon kundi mga messages lang na para sa kanya.

Hindi inaasahang bigla siyang kinilig deep inside. Hindi lang basta kilig. Kilig na kilig talaga! Para siyang baliw na nangingiti sa sarili at namasa-masa ang kanyang mga mata. Parang gusto niyang maiyak at matawa sa natuklasan. Tila nagliwanag ang kanyang buong mundo. Nagagalak ang puso niya. Tumatalon-talon ito sa kaligayahan. Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Si Luke, nagpapanggap na Mystic Knight para makipag-usap ng lihim sa kanya, naisip ni Samantha. Siya nga ba talaga si Mystic Knight? Tanong niya sa sarili. Si Luke din ba ang madalas na nahuhuli niyang nagmamasid-masid sa tapat ng bahay nila kung gabi?

Abot tenga ang kanyang mga ngiti sa natuklasan. Pakiramdam niya ay inililipad siya sa mga ulap habang sa di kalayuan ay may mga anghel na nagtutugtugan ng alpa at nagsisiawit.

Bigla namang narinig niya ang mga papalapit na yabag ni Luke. Kilalang-kilala niya ang mga yabag na iyon. Nataranta siya. Pumasok siya sa conference room ng mabilis at patalikod para hindi siya makita ni Luke sa loob ng office nito.

Hindi niya masyadong isinara ang pinto ng conference room para makasilip siya, at sa maliit na siwang nito ay yumuko siya at pilit na sinisilip kung ano ang ginagawa ni Luke. Nakita niyang nakatitig ito ng seryoso sa laptop. Kinilig na naman siya ng maalala niyang si Mystic Knight at si Luke ay iisa. Napapikit ng saglit ang kanyang mga mata sa sobrang kilig. Pagmulat niya ng mata ay wala na ito sa office niya! Biglang nawala!

"Ehem, so you're here, Miss Martinez. I was looking for you. Good. Looks like everybody is here kanina pa." Bigla itong nagsalita sa kanyang likuran.

Biglang unat si Samantha at pulang-pula ang mukha sa pagkapahiya, gulat, at nerbiyos. Pumasok pala si Luke sa conference room gamit 'yung main door nito. Kaya pala nawala sa kanyang paningin, nasa loob na pala ito ng conference room at nasa likod na pala niya!

Napatingin si Samantha kay Luke at nakita niyang nakataas ang kilay nito at ngingiti-ngiti.

Pagpihit niya paharap sa conference table ay noon lang niya nakitang may mga tao pala sa loob ng conference room! Hindi niya napansin at namalayan ang mga ito kanina. Lalong namula ang kanyang mukha.

"H-hi!" nahihiyang bati niya sa mga managers na nandoon at kanina pa pala nakaupo. Tahimik lang ang mga ito na kanina pa nakamasid sa ginagawa niyang pagsilip sa pinto.

"Hi Ysabel!" nakatawang bati nila nang sabay-sabay sa kanya.


~~~~~****~~~~~

AUTHOR'S NOTE:

I hope nage-enjoy kayo sa pagbabasa.

Please don't forget to follow me, vote, share and comment on this story. Maraming salamat!

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon