CHAPTER SEVENTEEN

358 7 0
                                    

Hi Beautiful! Thank you for the ADD. I appreciate it more than you'll ever know. Message 'yan ni Mystic Knight kay Samantha.

Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan sina Samantha at Kyla.

"Sagutin mo! Sagutin mo agad, Sam! Dali! Baka mag-offline. Tanungin mo kung sino siya." Nagsisisigaw na utos ni Kyla sa kaibigan. Kilig na kilig.

"Teka naman! Para ka namang kinikilig na bulate diyan. Eto na nga, sasagutin ko na pero stop rocking the bed. Hindi ako makapag-type."

Hi. May I know your real name? Do you have real pictures of yourself? Please stop hiding behind other people's picture. Reply ni Samantha.

Ding! Sumagot ulit si Mystic Knight!

You don't like my profile picture? Bakit? Pangit ba?

Napangiwi ang mukha ni Samantha. Si Kyla naman ay nakasiksik sa kanya at nakikibasa ng message.

Hindi naman pangit. Kaya lang, I don't believe na ikaw 'yang profile picture mo.

 

Ding! Bakit naman? What if ako nga iyan? Ano ang gagawin mo?

 

I told you already, hindi ako naniniwala na ikaw si Daniel Padilla. Please stop using his picture. Pwede ba, maglagay ka naman ng ibang picture? 'Yung totoo mong face.

 

Ding! OK! Your wish is my command...

 

Nagtilian ang magkaibigan.

"Ayan, magpapalit na ng profile pic! Yayyyy!!! Sana gwapo!" kinikilig na sabi ni Kyla.

Makalipas ang sampung minutes ay may notification si Samantha na nagpalit ng profile pic si Mystic Knight. Dali-dali niyang tiningnan ang picture.

"Lintek naman! Daniel Padilla pa din itong pic eh. Nag-iba lang ng pose. Aba, niloloko ako nitong Mystic Knight na ito ah! Teka nga.." asar na sabi ni Samantha.

Bakit Daniel Padilla pa rin itong profile pic mo? Niloloko mo ba ako? Ide-delete na kita. Ayokong makipag-interact sa kahit na kaninong walang sariling mukha at identity. Isa kang poser! Asar na reply niya kay Mystic Knight.

Ding! My Lady, my beautiful lady. Huwag ka namang pikon. Please don't get mad at me. Lalo kang gumaganda kapag nagagalit ka. And please don't delete me. Kaka-add mo pa lang sa akin, delete na agad? Hindi ako masamang tao. You will get to know me when the right time comes. Until then...

 

Hindi ako natutuwa sa mga mysterious effects na ganito. Please let me know the real you or else, I will delete you and block you!! Galit na reply ni Samantha. Halos masira ang keyboard ng laptop sa sobrang diin ng pagta-type niya, gawa ng sobrang pagkainis.

Five minutes...ten minutes...fifteen minutes...twenty, twenty five, thirty minutes... hindi na nagreply si Mystic Knight. Naka-offline na ito.

"Girl, mas matindi itong si Daniel Padilla mo magpa-suspense. Nakaka-tension. Talo niya si white roses!" biglang sabi ni Kyla matapos ang 30 minutes na katahimikan at paghihintay sa reply ni Mystic Knight.

"Sinong white roses?"

"Eh sino pa, di si mysterious lover boy na nagpapadala sa iyo ng mga white roses sa office ninyo!"

"Magkakilala kaya si white roses at itong si Daniel Padilla? O magkaiba sila?" Tanong ni Samantha habang nag-iisip ng malalim.

"Palagay ko girl, hindi 'yan magkakilala. Magkaiba ng style eh. Sabi ko nga sa iyo, mas matindi si Daniel Padilla kesa ke white roses. Mas matindi ang pagiging mysterious ni Daniel Padilla." Sagot ni Kyla.

Nakatitig pa rin si Samantha sa profile pic ni Daniel Padilla a.k.a. Mystic Knight.

"Sam, alam ko ang iniisip mo. Huwag. Don't you dare delete him. Let's try to discover kung sino siya. A little mystery won't hurt us."

"Pero Kai, natatakot ako sa ganitong style. Baka stalker ito or something. At saka ano bang little mystery ang sinasabi mo diyan? Eh magmula noong Valentine's Day puro misteryo na ang nagaganap sa buhay ko. Parang all at once! Dati naman walang mga ganyan. Dati, si Luke lang ang problema ko. Ngayon, may mga dumagdag pa."

"Basta, don't delete him. Interested akong malaman ang true identity niya."

'Ikaw lang yata ang may gusto dito sa Mystic Knight na ito eh. Sige, iyo na lang." natatawang sabi ni Samantha.

"I am serious, girl. Mabubuking din natin kung sino yang Mystic Knight na 'yan. Basta, huwag mong i-delete!"

"Kyla, let me remind you na hindi si Daniel Padilla ito ha. Baka napa-fascinate ka lang and at the back of your mind ay nagi-ilusyon ka na baka nga si Daniel Padilla ito. Baka naman hoping ka diyan. Hindi. Ito. Si. Daniel. Padilla. Period!" nag-aalalang sabi ni Samantha kay Kyla.

"When the right time comes daw malalaman mo rin kung sino siya eh. Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka looking forward sa araw na 'yon! Feel ko kilala ka niyan. Pero girl, feel ko rin, si Daniel Padilla talaga 'yan."

Hinampas ng unan ni Samantha si Kyla.

"Sabi ko na eh. Naguguwapuhan ka lang sa picture ni Daniel Padilla dito eh kaya nasa isip mo siya si Mystic Knight. Naku ha, hindi ako mahilig sa artista. At lalong hindi ako papansinin nun kung sakali mang siya 'yan!"

"Sam, Sam, masyado mo namang dina-down ang sarili mo. Hindi naman imposible na magustuhan ka ni Daniel Padilla. Kahit matanda ka ng konti sa kanya. Hindi halata, girl."

"Ah basta, malakas ang kutob ko, poser 'yang si Mystic Knight. Isa 'yan sa mga internet fakes na nambibiktima ng mga babae. Akala naman niya, maloloko niya ako!"

"Hayaan mo lang 'yan diyan. We will find out soon kung sino 'yan. Baka si Luke or Philip lang 'yan eh"

"Kai, mga busy 'yung mga taong 'yun. Wala nga silang Facebook and Twitter accounts. Mga businessmen 'yun. Wala silang time para sa ganyan lalo pa't manloloko ng tao? Magpapa-mysterious effect pa sa akin? Ano naman ang mapapala nila sa akin kung sakaling binibiro nila ako ng ganito? Ang babaw naman!" naiinis na sagot ni Samantha.

"Sabagay, may tama ka diyan!" seryosong sabi ulit ni Kyla.

Natahimik ang magkaibigan at may kanya-kanyang mga iniisip. Nang biglang tumunog ang celfone ni Samantha. Sabay pang nagulat ang dalawa.

Unknown number calling...

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon