CHAPTER TWENTY FIVE

390 7 1
                                    

"Sigurado ka iha, okay ka lang dito mag-isa sa bahay ngayong gabi? Bukas na kami uuwi ng daddy mo." Masuyong humalik sa pisngi niya ang mommy niya. Niyakap naman ito ni Samantha nang mahigpit.

"Mommy, don't worry about me. Ang laki-laki ko na. Besides, kasama ko naman si Winnie dito sa bahay. You just enjoy the night." Pagtataboy niya sa ina at ama.

Kinabukasan iyon at 31st Wedding Anniversary ng mga magulang ni Samantha. Nagsimba sila nung umaga, kumain sa labas sa tanghalian at nag-shopping buong hapon. At itong gabi naman ay magdi-dinner date ng sila lang dalawa ang mommy at daddy niya. Mago-overnight ang mga ito sa isang five star hotel sa Makati City.

May mga okasyon namang nagdaan na naiiwan din si Samantha at itong si Winnie sa bahay ng gabi kaya sanay na sila kung tutuusin pero itong gabing ito ay parang iba ang pakiramdam ng ina ni Samantha.

"Mommy, huwag kang OA. Para namang ngayon lang kami mag-iisa ni Winnie dito sa bahay ng gabi. Sige na po at naiinip na si daddy sa kotse. Ingat!" itinulak ni Samantha ng marahan ang ina papuntang kotse ng daddy niya.

"Samantha, mag-lock na kayo ng bahay ha. Mag-dinner na din kayo at matulog nang maaga. Bye, iha!" ma-awtoridad pero malambing na bilin ng daddy niya sa kanya. Humalik ang dalaga sa ama niya.

Ngumiti siya at kumaway sa mga magulang habang ang kotse ay papalabas na ng gate.

"Bye mommy at daddy! Happy Anniversary ulit! Love you!!!"

~~~~~****~~~~~

At eto nga, matapos kumain ng maaga ay nasa kwarto na niya si Samantha. Wala siyang magawa. Tinatamad naman siyang manood ng TV.

Nasumpungan na lang niyang buksan ang kanyang laptop at silipin ang kanyang Facebook account.

Tumambad sa kanya ang sangkatutak na mga posts sa kanyang timeline galing kay Mystic Knight! May mga love quotes at may mga pictures ng hearts and flowers.

Napangiti si Samantha. Buti na lang at naka-set sa "Only Me" ang kanyang timeline kaya lahat ng mga posts doon ay tanging siya lang ang nakakakita.

Buti na lang at ikaw lang ang nakakakita ng mga posts na iyan sa timeline mo. Kung hindi, tiyak tampulan ka ng tukso ng mga friends mo! Sabi ng isip ni Samantha.

Binuksan niya ang kanyang inbox at marami na ding messages sa kanya si Mystic Knight! Nagtatanong...naghahanap...

"Where are you, my Mystic Lady?" sabi ng isa sa mga messages ni Mystic Knight.

"Are you trying to hide from me?"

"Are you mad at me?"

"I miss you, my dear Mystic Lady..."

"My life seems forever dark, without you..."

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon