TEASER

12.8K 262 3
                                    

[BoyXBoy|Yaoi]

~Triple X~

“Maaari kong ibigay sa’yo ang kapatawaran para sa sakit at paghihirap na idinulot mo sa akin pero ang pagmamahal na nararapat para sa akin kahit kailanman ay hinding hindi ko ipapaubaya sa’yo ito, kung kinakailangan na maging madamot ako ay gagawin ko.”

~Xavier (Triple X)

 

        Maagang naulila ang magkakapatid na Xian, Xenon at Xavier Quintana. Sa mga murang edad nila ay sinubok na sila ng buhay, nagpalaboy sa lansangan, ngunit sa panahng ito ay naasahan nila ang bawat isa, naging matatag sila para sa isa’t isa.

        Hanggang sa mapunta sila sa isang bahay ampunan. Dito ay lumaki silang masaya, minahal sila at inaruga ng mga nangangasiwa sa ampunan. Sa paglipas ng panahon nila sa ampunan ay isang mag-asawa ang siyang nagpasiya upang ampunin ang dalawa sa magkapatid, ngunit dahil dito ay isa sa kanila ang naging makasarili.

        Ang dating matatag na samahan ng magkakapatid ay masisira, mababago ang lahat sa buhay nila, poot ang papalit sa pagmamahal na dati’y nananaig sa kanila.

        Yaman, kapangyarihan, katanyagan, kasinungalingan at pagmamahal ang siyang susubok sa magkakapatid na pinaghiwalay at pagtatagpuin ng panahon.

 

AUTHOR’S NOTE:

        Triple X is one of my new stories, likha lamang ito ng aking malikot na imahinasyon at utak kaya kung may pagkakapareho man sa riyalidad ay hindi ito sinasadya.

        Sana ay magustuhan ang kwentong ito na sasalamin sa buhay, pamilya, pagkakaibigan, at iba’t ibang mukha ng pagmamahal.

Sincerely Yours,

Adamant

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon