39th X

2.2K 70 15
                                    


"Xian, Xian, sandali lang, hintayin mo ko. Xian, sabing sandali lang." ang sabi ni Denver habang hinahabol niya si Xian na pasakay na noon sa kanyang sasakyan. Bubuksan na noon ni Xian ang pinto ng kanyang sasakyan nang hawakan siya ni Denver sa kanyang pulsuhan upang pigilan. Hindi humaharap sa kanya si Xian sa kabila noon, kaya naman iniharap na lamang ni Denver sa kanya ito, at nakita niya ang mga luhang patuloy na umaagos sa kanyang mukha.


"Bakit nagkaganito Denver, anong pagkakamali ang nagawa ko? Bakit nangyari sa aming magkakapatid ito? Bakit? Bakit?" ang sabi ni Xian na tila gulong gulo sa nangyari at sinisisi ang sarili kung bakit sinapit nilang magkakapatid ang pagkakasira ng kanilang magandang samahan.


"Tahan na, kumalma ka na muna Xian. Ikalma mo muna ang sarili mo." Ang sabi ni Denver upang pahupain ang matinding emosyon na nararamdaman ni Xian dahil sa nangyari.


"Kumalma? Paano ako Denver kakalma kung yung pamilyang mayroon ako simula nang mawala ang mga tunay naming magulang, na ipinangako kong pangangalagaan ko ay nasira na, hindi ko nagawang pangalagaan? Paano ako kakalma Denver kung ang taong dahilan bakit kami nagkawatak-watak ay sariling kapatid ko pa ang dahilan? Denver sabihin mo sa akin sabihin mo kung paano." Ang halos nagtataas nang boses ngunit garalgal na din dahil sa pagtangis ni Xian.


"Xian, alam ko ang pakiramdam nang isang pamilyang nagkawatak-watak dahil naranasan ko na din ang masira ang pamilyang pinaka iingatan ko. Pero Xian maniwala ka darating din ang ora na magiging maayos muli kayo, mabubuo kayo, maniwala ka Xian, at nandito lang din ako para damayan ka sa lahat ng pagkakataon." Ang malumanay at seryosong sabi ni Denver na tila nang-aalo. Niyakap niya ng mahigpit si Xian, ipinadama niya dito na hindi siya nag-iisa sa mga malungkot at madilim na sandaling iyon.


Naging malaking balita ang pangyayaring iyon, dahil na din may mga media ang naroon noon sa pagtitipong iyon ay mabilis na kumalat ang balita tungkol doon. Isa si Berny noon ang nakapanood ng balita tungkol doon, nasa bahay lamang siya noon at nang makita niya iyon ay hindi niya maiwasan ang mapangisi dahil para sa kanya mas maagang naisakatuparan ang kanyang mga plano ng higit sa kanyang inaasahan.


Hawak ang isang lata ng serbesa ay naupo siya sa harap ng telebisyon upang panoorin ang balitang iyon, nakita niya kung paano naging kaawa-awa ang tusong si Xenon, nakita niya ang mga luha nito, kung paano ito nagmakaawa sa kuya Xian nito. Ngunit higit sa lahat na pumukaw sa kanyang atensiyon ay si Xavier, na para sa kanya ay mas naging makisig at kahalihalina sa kanyang postura.


"Malapit ka nang mapasaakin Xavier ko. Kung alam ko lang na ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mapadali ang lahat ng plano ko ay ipinaalam ko na sana sa'yo ang mga plano ko." Ang sabi ni Berny na tila nawawala na sa sarili dahil sa pagtawa nito ng mag-isa. "Mapapasaakin ka na Xavier ko. Ha-ha-ha." Ang natatawang sabi ni Berny at uminom ito ng serbesa at pagkatapos ay muling tumawa.


Noong gabi ng araw ding iyon ay magkasamang nagtungo sa tabi ng dagat na madalas puntahan din nila Arthur at Xavier, nakaupo sila sa konkretong nagsisilbing bakod nito, magkatabi at nakasandal sa isa't isa, habang si Xavier ay tila pinipigilan ang pagluha dahil sa noong mga sandaling iyon ay hindi niya na alam kung tama ba ang kanyang nagawa.


"Arthur, bakit ganon, bakit nakakaramdam ako ng sakit? Bakit ganito? Hindi ba dapat makaramdam ako ng saya? Hindi ba dapat makaramdam ako ng kapanatagan dahil sa wakas ay nabigyan ko na ng hustisya sila nanay Josie at tatay Ricardo? Hindi ba dapat ganap na ang kasiyahan ko dahil magagawa na ni Kuya Xenon ang itama ang lahat ng naging pagkakamali niya? Pero bakit ganito Arthur, bakit ganito, nasasaktan ako, nalulungkot ako." ang mga tanong ni Xavier na kasabay noon ay ang pagkawala ng kanyang mga luha.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon