31st X

1.6K 81 3
                                    


Nakarating na noon sila sa condominium unit na tinutuluyan ni Denver. Agad na binuksan ni Denver ang pinto at una na niyang pinapasok si Hans sa loob nito, at agad naman siyang sumunod at kinapa ang switch ng ilaw malapit lamang sa pinto.


"Sige na tumuloy ka na, huwag ka nang mahiya. Feel at home Hans." Ang sabi ni Denver nang mapansin niya na tila nahihiya si Hans dahil na din sa pananatili nitong nakatayo di kalayuan sa pinto. At tumingin ito sa kanya at binigyan siya nito ng isang pilit na ngiti.


"Denver, salamat ulit ha. Pasensiya na kung naging pabigat pa ako sa'yo ngayon." Ang nahihiyang sabi ni Hans, at ngumiti naman sa kanya si Denver at hinawakan siya nito sa kanyang magkabilang balikat.


"Lookt at me Hans. You don't need thank me, bukal sa loob ko ang tulungan ka. Hindi ka na iba sa akin, let's just say na para na kitang kapatid. At kahit kailan hindi kita nakita bilang pabigat, you're one of my good staff sa restaurant at nagagawa mo lahat ng trabaho ng maayos, at ngayon na kailangan mo ng tulong nandito ako, pero hindi bilang boss mo, kundi bilang isang tao, bilang kaibigan mo." Ang sabi ni Denver upang pagaanin ang kalooban ni Hans at alisin din sa isip nito ang pag-aagam-agam niya. "Kaya tama na muna ang pag-iisip ng kung ano-ano, baka makasama pa sa'yo 'yan. Ikalma mo muna ngayong gabi ang isip mo." Ang dagdag na sabi ni Denver at pumunta siya sa likod ni Hans at patulak niyang pinilit si Hans na magpatuloy na pumasok sa unit niya.


Nang marating na nila ang sala ay kanyang pinaupo muna si Hans sa sofa nito, si Hans naman ay muling naging tahimik habang inililibot ang kanyang paningin sa sala na ng unit ni Denver. Pumunta naman sa kusina si Denver upang ipaghanda nang makakain si Hans, upang bago magpahinga sa gabing iyon ay makakain siya na makakatulong para magbigay ng lakas dito.


Sa paglibot ni Hans sa kanyang paningin sa buong sala ay napansin niya ang mga larawan na makikita sa isang side table malapit sa telibisyon, tumayo siya at nakita niya ang iba't ibang larawan ni Denver mula nang pagkabata nito, ngunit mas napukaw ang kanyang atensiyon ng larawan ng masayang pamilya ni Denver. Sa larawang iyon ay makikita ang batang si Denver ang mga magulang niya at dalawa pang bata na sa tingin ni Hans ay kapatid niya, at ang larawang iyon ay kinuha sa tabing dagat, at nang mga sandaling iyon ay tila huminto ang oras para kay Hans, napahakbang siya paatras habang inilalapag ang larawan na ang kanyang kamay ay nanginginig pa.


Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nakaramdam na naman siya ng pananakit na madalas niyang maramdaman simula nang makilala niya si Arthur, pananakit ng ulo na nagbibigay sa kanya ng mga pangitain na tila mga alaala na kanyang nakalimutan na. Nang mga sandaling iyon ay nakikita niya ang isang babae na pamilyar sa kanya ngunit hindi na niya matandaan kung sino ito at sumunod ay nakita naman niya ang isang lalaki na may dalang camera na nakangiti sa kanya, nakita din niya sa kanyang isip ang dalawang batang lalaki na tila nag-aagawan sa kung sino ang gagamit sa camera ng lalaki, sumunod nito ay nakita niya na ang masasayang ngiti ng mga ito, at unti-unti kasabay ng mga mukhang iyon ay kanyang nasambit ang ilang pangalan na sa kanya ay pamilyar din.


"Xian, Xenon... Lauren, Julio... Mommy... Daddy..." ang pabulong na nasambit ni Hans, hindi man niya alam kung ano ang tunay na koneksiyon ng mga pangalan at salitang iyon ay naramdaman ni Hans ang pag-agos ng kanyang mga luha na agad din niyang napunasan dahil sa pagtawag sa kanyang pangalan ni Denver na nagbalik sa kanya sa kanyang sarili. Bagama't naguguluhan siya sa mga bagay na pumasok sa kanyang isipan ay pinilit niyang inayos ang sarili upang hindi na mas mag-alala pa sa kanya si Denver.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon