"Sir pinatawag niyo daw po ako sabi ni Roma." Ang agad na sabi ni Hans bilang pagpukaw sa atensiyon ni Denver na kasalukuyang inaayos na noon ang mga importanteng gawain niya sa kanyang computer. Agad naman siyang hinarap ni Denver nang ma-i-save na nito ang ginagawa.
"Ah oo, mabuti naman at nandito ka na." ang sabi ni Denver sabay tayo at kumuha ng isang upuan. "Maupo ka muna, may kailangan lang tayo na mapag-usapan." Ang dagdag nito sabay bigay sa upuan na kanyang kinuha para kay Hans.
"Ah sir? Tungkol ba 'to sa nangyari kanina na panggugulo ni Xenon? Sorry po sir hindi ko naman po gusto na ipasa kay Roma ang gawain na dapat ako ang gumagawa. Kinailangan ko lang naman po kasi na..."
"Hindi mo na kailangan pang humingi ng pasensya para doon. Hindi iyon ang rason kung bakit kita pinapunta dito, huwag mo nang isipin ang nangyari dahil hindi ako manghihinayang sa isang customer na katulad ng Xenon na iyon." Ang agad na sabi ni Denver upang pawiin ang pag-aalala nito.
"Pero kasi sir..."
"Hans, ang sabi ko hindi mo na dapat pang alalahanin 'yon di ba? Kaya naman huwag mo nang alalahanin pa 'yon. Makinig ka sa akin okay? Iba ang dahilan ko kung bakit kita pinapunta dito." Ang sabi ni Denver bilang pagpapatigil kay Hans na hindi pa din maalis ang alalahanin ang nangyari.
Isang tango na lamang ang nagawang itugon ni Hans kay Denver bilang senyales na nauunawaan na nito ang nais nitong sabihin. Sumenyas naman si Denver gamit ang kanyang kanang kamay para paupuin si Hans na hindi pa din nauupo sa upuan na kanyang kinuha para dito, at agad naman na nakuha ni Hans ang nais ni Denver kaya naman naupo na siya at kumalma.
"Ngayon nais ko na sabihin sayo na nais ko sana na ipa-medical test kita." Ang walang paliguy-ligoy na sabi ni Denver tungkol sa kanyang tunay na dahilan ng pagpapapunta niya kay Hans sa kanyang opisina, at nang madinig iyon ni Hans ay magkahalong pagkabigla at pagtataka ang kanyang naging ekpresyon.
"A-a-ano po? Medical test? Pa-pa-para saan po? Ang ibig ko pong sabihin sa anong dahilan po at kailangan ko sumailalim sa isang medical test?" ang halos mautal-utal na tanong ni Hans kay Denver na noon ay nakatitig kay Hans. Napapaisip siya na maaari nga kayang maging kapatid siya ni Xian, at hindi din siya makapaniwala na hindi niya man lang nagawang mapaibig ito sa tagal na nila na magkasama sa trabaho.
"Masuwerte siya kung ikaw nga talaga siya." Ang wala sa sariling nasabi ni Denver ng pabulong.
"Si-si-sir? Ano pong sabi niyo? Sino ang masuwerte?" ang pag-uusisa ni Hans dahil nadinig niya pa din iyon ng malinaw dahil sa malapit na distansiya lamang nilang dalawa.
"Wala may ibang bagay lang akong iniisip. Kalimutan mo na lamang kung ano man ang nadinig mo. Tungkol sa medical test, gusto ko lang na gawin 'yon dahil nawawala sa mga files ko ang medical tests mo which is mahalagang mga dokumento para sa akin, sa restaurant ko, at ganon din sayo. Huwag kang mag-alala dahil sasagutin ko naman ang gastos kaya wala ka na ding dapat pang alalahanin pa sa gagastusin. Bukas ay sasamahan kita sa pagpapa-medical mo." Ang sabi ni Denver upang maiwasan na ni Hans ang magtanong pa tungkol sa nasabi niya nang hindi sinasadya.
BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...