"Uy Berny hindi ba si Xavier 'yon?" ang tanong ng isang batang babae na nasa labing-apat o labing-limang taon na sa kasama nitong lalaki na halos kaedaran lamang, nakaupo ang mga ito sa isang upuan malapit sa palaruan ng ampunan, mula doon ay itinuturo ng babaeng kasama nito si Xavier na mag-isa noong nakaupo sa ilalim ng isang puno malapit din sa lugar na kinaroroonan nila. Napatingin naman ang batang lalaki na tinawag ng babae sa pangalang Berny, nakita ni Berny si Xavier na nakaupo at mag-isa bahagya siyang napangiti ng makita niya ito na mag-isa lamang hanggang sa maramdaman niya na tinutunggo tunggo siya ng kasama niyang babae gamit ang siko nito.
"Ano naman 'yang ginagawa mo at tinutunggo mo pa ko?" ang napapangusong tanong ni Berny sa babaeng kasama niya.
"Asus di ba matagal mo nang binabantayan 'yang si Xavier? Hindi ka lang makasingit kasi nga lagi namang nakabuntot si Arthur at mga kapatid niya? Hayan na oh, mag-isa siya ngayon kaya lapitan mo na para naman kahit paano masabi mo na ang gusto mo sa kanya." Ang sabi ng babae niyang kasama.
"Para kang ewan, ano ba 'yang sinasabi mo? Natutuwa lang naman ako sa kanya." Ang sabi naman ni Berny bilang depensa.
"Talaga lang ha? Sige sabi mo eh." Ang sabi naman ng babae niyang kasama at tumayo sa pagkakaupo nito. "Pero huwag kang iiyak-iyak kapag naunahan ka." Ang sabi ng babae nitong kasama at umalis. Naiwan si Berny na nakaupo lamang doon at pinagmamasdan mula sa kanyang kinauupuan si Xavier, huminga siya ng malalim at aktong tatayo na siya noon upang lumapit kay Xavier nang biglang makita niya na papalapit dito ang ikalawang kapatid nito na si Xenon. Nakita niya na tila may pinag-uusapan ang mga ito, at nakita pa niyang niyakap ni Xavier si Xenon hanggang ilang sandali pa ay magkasama ang dalawa na umalis, bahagya siyang kinabahan noong mga sandaling iyon kaya naman palihim niyang sinundan ang magkapatid.
Sa kanyang pagsunod sa magkapatid ay napadpad sila sa ilog, nagtago siya sa mga talahiban at ilang sandali pa ay umalis muli ang mga ito at sa mga talahiban din siya dumaan upang hindi siya mapansin ni Xenon, hanggang sa mapadpad na siya sa paanan ng isang bundok, mula pinagkukublihan niya ay nakita niyang pumasok sa masukal na bahagi noon ang magkapatid kahit na maaari naman silang dumaan sa patag na daan ng bundok na iyon kaya naman labis na siyang nagtaka noong mga sandaling iyon, doon ay hindi na niya alam kung susunod pa siya sa magkapatid o hindi na, ngunit sa labis na pag-aalala ay palihim niya itong sinundan muli. At halos maligaw na din siya sa loob ng bundok na iyon dahil hindi na niya alam kung saan dumaan ang magkapatid, mula doon ay wala na siyang nagawa kundi ang bumalik pababa. Hanggang sa dumating ang araw na hinahanap na ng mga madre si Xavier, bagama't alam niya na maaaring may nangyari na kay Xavier noon ay til ba may pumipigil sa kanya na magsalita lalo na sa tuwing makikita niya si Arthur na pursigidong naghahanap para dito. Kaya naman sa halip na magsabi ng kanyang nalalaman sa mga madre ay nanahimik si Berny nagpanggap siyang walang nalalaman, mas makakabuti para sa kanya na hindi na makita ni Arthur si Xavier at sa oras na mawala na si Arthur sa ampunan ay siya nang hahanap at magbabalik kay Xavier doon.
Hanggang sa dumating na nga ang inaasam niya nawala si Arthur sa ampunan, ngunit halos makaramdam din siya ng pagkabigo dahil ang inaakala niyang madaling paghahanap kay Xavier ay nagmistulang suntok sa buwan dahil mula sa bundok na huli niyang pinagkitaan kila Xenon at Xavier ay wala na siyang alam na lugar na pwede pang paghanapan. Dumating ang araw na nais na niya magsumbong sa mga madre, hanggang isang araw ay isang ideya ang naisip niya na gawin, oras iyon ng tanghalian kaya naman agad na niyang isinagawa ang kanyang naisip na plano. Pinasok niya ng palihim ang opisina ng madre superyora at pinakialaman niya ang mga dokumento na maaaring magturo sa kanya kila Xian at Xenon, at hindi naman siya nabigo na makita ang mga dokumento na kailangan niya. Binasa niya ang mga impormasyon na kailangan niya, at pagkatapos ay ibinalik niya ang mga ito sa lalagyan nito at maingat na lumabas ng opisinang iyon.

BINABASA MO ANG
Triple X
Ficción General[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...