Matagal din sila Hans at Arthur na magkayakap hindi alintana ang mga mata ng mga taong napapatingin sa kanila, bagama't nahihiya na din ay tiniis na lamang ni Hans iyon dahil alam niyang mabigat ang dinadala ng lalaking nakayakap sa kanya at yakap niya ng di niya alam kung bakit niya ginawa. Patuloy lamang si Arthur sa kanyang pag-iyak sa balikat ni Hans habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ni Xavier.
"Magiging ayos din ang lahat, maniwala ka, magiging ayos din ang lahat." Ang kalmadong sabi ni Hans upang aluhin si Arthur, at ilang sandali pa ay tila nahimasmasan na din si Arthur, unti-unting lumuwag ang pagyakap ni Arthur kay Hans kaya naman unti-unti na ding kinalas ni Hans ang pagkakayakap niya kay Arthur. Sa pagkakakalas ng kanilang pagyakap ay napatingin sila sa isa't isa ng mata sa mata, may mga bakas pa ng mga luha ni Arthur ang kanyang mukha ngunit nang makita niya si Hans ay halos manlaki ang mga mata nito na tila nabiglang si Hans pala ang kanyang iniyakan at niyakap.
"Ayos ka lang ba?" ang seryoso at may pag-aalalang tanong ni Hans kay Arthur nang mapansin nito ang pagkabigla ni Arthur.
"Pa-pa-pasensiya na, ikaw pala 'yan Hans. Akala ko kasi ikaw 'yung taong..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Arthur dahil bigla siyang sinuntok ni Hans ng mahina sa dibdib, suntok na tila isang tapik lamang talaga.
"Ano ka ba, ayos lang wala ka dapat ihingi ng pasensiya. Sa tingin ko nga ay medyo naging mabigat ang araw na 'to sa'yo kasi ibang iba ang presensiya mo ngayon, alam mo na medyo malungkot at parang sobrang lugmok." Ang walang pag-aalinglangang sabi ni Hans na tila ba kilalang kilala na niya si Arthur sa kung paano niya sabihin ang mga salitang binitawan niya, dahilan para sandaling mapatulala na naman sa kanya si Arthur.
"Natulala ka na naman sa akin, ano gano'n ko na ba talaga kamukha 'yung taong sinasabi mo para lagi ka na lang matulala sa akin?" ang sabi ni Hans na pilit binibiro si Arthur upang pagaanin ang nararamdaman nito, na hindi naman din alam ni Hans kung bakit niya ginagawa, kung bakit niya ayaw na makitang malungkot si Arthur na kung tutuusin ay noon lamang niya nakilala. Nang madinig naman ni Arthur iyon ay bumalik siya sa kanyang wisyo, kanyang pinunasan ang kanyang mga luha at muling tumingin kay Hans na may ngiti na sa pagkakataong iyon.
"Pasensiya na talaga, magkamuha lang talaga kayo kaya hindi ko maiwasan na mapatingin sa'yo ng matagal, at salamat din kasi naunawaan mo kung bakit ako biglang napayakap at napaiyak na lamang sayo." Ang sabi ni Hans.
"Wala nga sabi 'yon, tiyaka 'di ba magkaibigan na tayo?" ang sabi ni Hans na nakatitig sa mga mata ni Arthur at napangisi siya dito.
Napatango at napangisi na din si Arthur nang madinig niya ang sinabing iyon ni Hans sa kanya. "Tama ka magkaibigan na nga tayo. Kaya ayos lang ba kung magpasama ako sa'yo ngayon?" ang sabi ni Arthur na walang pagdadalawang isip.
"Saan ka naman magpapasama?" ang patanong na tugon ni Hans.
"Basta ako nang bahala, samahan mo na lang ako, puntahan lang natin yung pinag-park-kingan ko ng sasakyan ko." Ang pagtugon naman ni Arthur at agad niyang hinawakan sa kamay si Hans at agad na hinila, nabigla man dahil hindi siya sanay na may humahawak sa kanyang kamay ay para bang nananatiling may sariling buhay ito dahil kung kanina ay niyakap niya ng kusa si Arthur, ngayon naman ay tila ayaw nitong bumitaw sa lalaking humihila sa kanya sa mga sandaling iyon.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...