Noong araw din na nabaril si Xenon ay isinugod siya sa ospital, ngunit sa dami ng dugo at lakas na nawala sa kanya ay tuluyan din itong binawian ng buhay. Labis na pagdadalamhati ang naramdaman nila Xian at Xavier sa pagkawala ng kanilang kapatid. Kasunod noon ay napawalang sala si Xenon sa mga kaso nito, ngunit sa kabila noon ay hindi naging ganap ang kanilang kasiyahan, dahil para kila Xian at Xavier, dahil sa kanila bakit nawala ang kapatid nila.
Isang araw bago maihatid si Xenon sa huling hantungan nito ay lumapit si Fernando kila Xian at Xavier na noon ay matiyagang nagbabantay sa burol ng kanilang kapatid. "Xian, nahanap ito ng mommy mo habang inaayos niya ang gamit ng iyong kapatid." Ang sabi ni Fernando at iniabot niya kay Xian ang isang maliit na berdeng kwaderno na gawa sa balat ang pinakapabalat nito. "Sa tingin ko ay nararapat na mabasa niyo iyan." Ang malumanay na sabi ni Fernando at agad ding iniwan ang magkapatid upang magkaroon sila ng pribadong oras na basahin ang nakasulat noon sa kwadernong iyon.
Ang kwadernong iyon ay ang diary ni Xenon, ngunit halos kaunti lamang ang laman noon, at halos tungkol lamang sa kung ano ang ginawa niyang masasaya ang nilalaman noon, hanggang sa makarating na sila huling pahina na may sulat ng kwaderno na iyon.
Patawadin niyo ako, hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat ng ito. Nabulagan ako, pero alam kong huli na, alam kong hindi na ko makakatakas pa sa kadiliman ng buhay ko na ako ang gumawa. Patawadin niyo ako kuya Xian, Xavier... Natatakot ako na mag-isa muli, natatakot ako, pero kahit anong pilit ang gawin ko para mahalin ng mga taong mahal ko ay hindi ko maipilit. Patawadin niyo ako, patawadin niyo ako.
Umagos ang mga luha ng magkapatid na siyang pumatak sa kwaderno na kanilang binabasa, niyakap ni Xian ang kwadernong iyon, habang pareho sila ni Xavier na may mga luha na umaagos na nakatingin sa kabaong ng kapatid.
"Napatawad ka na namin, magpahinga ka na kapatid ko." Ang sabi ni Xian na patuloy sa pagluha.
"Mahal ka namin kuya Xenon, kahit kailan hindi ka mag-iisa pa, makakasama mo na sila mommy at daddy at habang buhay kang mananatili sa aming mga puso. Sige na kuya Xenon, magpahinga ka na." ang sabi naman ni Xavier.
Nang sumapit ang araw ng paghahatid kay Xenon sa huling hantungan nito ay bahagyang naging emosyonal muli ang magkapatid, ngunit nagawa nilang ngumiti din noon dahil alam nilang mapapayapa na ang kalooban ng kanilang kapatid.
Lumipas ang limang taon simula nang maihimlay si Xenon ay hindi pa din nakakalimutan ng magkapatid na bisitahin ang puntod nito kasama ang kani-kanilang kasintahan, na sila Arthur at Denver. Naging matagumpay din ang kompanya nila Arthur at Xian nang bumuo sila ng isang proyekto kasama ang korporasyon ni Xavier na isinunod nila sa pangalan ni Xenon, dahil sa proyektong iyon ay inulan ng tulong ang bahay ampunan na pinanggalingan nilang tatlo dahilan upang maging mas abala sila sister Tere at sister Karen at iba pang madre sa ampunan dahil sa dami ng nais na mag-ampon at tumulong.
Bagama't wala man si Xenon ng pisikal, nanatili siyang buhay sa puso nila Xian at Xavier, nanatili siyang minamahal ng mga kapatid. Para sa kanila higit na nagdusa si Xenon kaysa sa kanila, nagdusa siya ng walang nakakaintindi sa kanya, nagdusa siya dahil nakaramdam siya ng matinding pag-iisa, at lahat ng iyon ipinangako nila Xian at Xavier na hindi na nila hahayaan pang madama ng bawat isa at kahit na sino mang mahalaga sa kanila, at magkasama nilang tatanawin ang bukas kasama si Xenon sa kanilang puso na puno ng saya at pag-asa.
BINABASA MO ANG
Triple X
Fiction générale[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...
