2nd X

4K 136 6
                                    


"Kuya hindi ba tayo babalik sa bahay natin?" ang tanong ni Xavier kay Xian habang magkakasabay silang naglalakad sa tabi ng isang kalsada, tumingin sa kanya ang pinakanakakatandang kapatid, huminto sila sa paglalakad at tumalungko siya sa harap ng bunsong kapatid.


"Bunso hindi na tayo babalik pa dun, alam ko na nalulungkot sa pagkawala nila mommy at daddy at sabi sa amin ng doktor na tumingin sayo ay sa labis na pagka-stress o depress ang sanhi ng panghihina mo, tiyaka halos di ka na din nagpapahinga noong nakaburol sila mommy at daddy, kaya naisip ni kuya Xian na hindi na tayo babalik pa doon, pero hayaan mo hahanap ako ng paraan para hindi tayo magutom, o kahit kayo na lang ni kuya Xenon mo ang mairaos ko sa pagkagutom ay ayos na sa akin." Ang sabi ni Xian na nakangiti sa kanyang bunsong kapatid.


"Teka hindi naman ako papayag na ikaw lang ang aako ng responsibilidad nila mommy at daddy kuya, isang taon lang ang agwat mo sa akin kaya naman alam kong kaya ko ko din ang kaya mo, at tulad mo gusto kong alagaan ko din ang bunso nating kapatid, kaya kuya tutulong ako sayo para mas masiguro natin na magiging maayos na si Xavier." Ang sabad ni Xenon at ngumiti siya sa kanyang kuya, at agad namang tumayo si Xian na halatang hindi sang-ayon sa ideya na magpakahirap din si Xenon.


"Teka Xenon hindi pwede 'yang..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Xian dahil sa agad ding nagsalita si Xenon at hindi na pinatapos pa sa kung ano mang sasabihin nito ang kanilang kuya.


"Bakit kuya akala mo ba ikaw lang ang nangako na pangangalagaan ang bunso nating kapatid sa puntod nila mommy at daddy, nangako din ako kaya 'wag ka nang kumontra kuya, magiging madali ang lahat kung magtutulungan tayo at di mo sosolohin ang lahat, tiyaka bukod don kuya ayoko na din kasi maulit sa atin yung nangyari sa mga ospital na pinuntahan natin..." ang sabi ni Xenon at bigla siyang napayuko dahil sa muling umukit sa kanyang isip ang ilang beses na pagtaboy sa kanila ng mga nurse sa ospital na pinuntahan nila.


"Kuya Xenon, umiiyak ka ba?" ang tanong ni Xavier, hinawakan niya sa kamay ang ikalawang nakatatandang kapatid na noong mga sandaling iyon ay nakita niyang may ilang luha ang pumatak. Suminghot singhot si Xenon at pilit na kinakalma ang kanyang sarili ngunit nanatili siyang nakayuko, naramdaman na lamang niya ang pagyakap sa kanya ng kanilang kuya Xian at sumunod na niyakap sila ng kanilang bunsong kapatid na si Xavier.


"Hanggang ngayon ba naman iniisp mo pa din 'yon, huwag mo nang alalahanin 'yon ang mahalaga ay nakaligtas na si bunso, kaya tahan na Xenon, akala ko ba gusto mo na tulungan ako? Eh paano mo ako tutulungan kung mas iyakin ka pa pala sa bunso nating kapatid." Ang sabi ni Xian bilang pagpapakalma kay Xenon na napayakap na din sa kanya.


"Basta kuya, isinusumpa ko hinding hindi ko hahayaan na maulit sa atin muli ang pagtataboy ng mga tao, hindi ako papaya na apihin tayo ng kahit na sino." Ang sabi ni Xenon na mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kuya nito.


"Pangako mga kuya magiging good boy ako." ang biglang sabi ni Xavier, napabitaw sa pagkakayakap nila sa isa't isa ang dalawa nitong kuya, nagkatinginan sila Xian at Xenon at di naiwasang mapangiti, pinahid ni Xenon ang kanyang mga luha at magkasabay nilang ginusot ni Xian ang buhok ng bunso nilang kapatid.


"Kaming bahala ni kuya Xenon sa'yo, huwag kang mag-alala." Ang sabi ni Xian bilang paninigurado sa bunsong kapatid.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon