"Sir! Sir!" ang malakas at tila tensiyonado na pagtawag ni Roma sa atensiyon ni Denver na noon ay nasa opisina at abalang nagtitipa sa kanyang desktop computer. Agad na napalingon si Denver kay Roma na nasa pinto na noon ng kanyang opisina at halos hingal na nakakapit sa hamba nito.
"Anong nangyari sa'yo? Dumating na ba si Hans?" ang tanong ni Denver na hindi masiyadong nag-aalala dahil sa sanay na siya sa pagiging over acting na mga reaksiyon nito.
"Sir wala pa si Hans, pero may dumating na naman po na kalaban." Ang sabi ni Roma at napasalubong na lamang ng kilay si Denver nang madinig nito ang sinabing iyon ni Roma. Agad-agad na tumayo si Denver mula sa kanyang pagkakaupo at hindi na nagawang i-save pa ang ginagawa niya dahil sa dali-dali itong lumabas ng kanyang opisina.
Sa kanyang paglabas ng opisina ay agad niyang tinungo ang lobby ng kanyang restaurant at agad niyang nakita ang tinutukoy ng empleyadong si Roma na kalaban na kasalukuyang tinitignan ang menu. "Ano na naman ang ginagawa nitong lalaking 'to dito? At sino naman ang mga kasama niya? At bakit may kasama siyang mga madre?" ang mga pabulong na tanong ni Denver habang nakatingin sa direksiyon nila Xian na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa din nakikilala at nalalaman ang tunay na koneksiyon nito kay Hans, kaya naman huminga siya ng malalim upang ihanda ang sarili niya sa paglapit at pagkausap dito.
Agad na pinigilan ni Denver ang kanyang empleyado na patungo na sa mesa nila Xian. "Ako na ang kukuha ng order nila, pakiasikaso na lang 'yung ibang customer." Ang mahinahon na sabi ni Denver, at hiniram niya sa kanyang empleyado ang pad kung saan isinusulat ang mga orders at kinuha niya ang ballpen na nakalagay sa bulsa ng kanyang suot na longsleeve polo, at pagkatapos ay agad na siyang lumapit sa mesa nila Xian.
"Good day po, welcome to our restaurant. May napili na po ba kayo sa menu na nais ninyong orderin?" ang bungad na bati at tanong ni Denver kila Xian. Naptingin sa kanya si Xian at isang pilit na ngiti ang kanyang ibinigay dito na agad din niyang binawi.
"May na-order ka na po ba sir?" ang tanong ni Denver kay Xian.
"Ah oo meron na, bigyan mo kami nitong lasagna niyo then bigyan niyo na din kami ng specialty nitong restaurant niyo as well yung lahat ng pagkain na maipagmamalaki niyo." Ang sabi ni Xian habang nakangiti at nakatingin kay Denver na nagsusulat ng kanyang inorder.
"Ulitin ko lang sir ang order niyo, limang lasagna, specialty ng restaurant at mga pagkaing maipagmamalaki namin. Tama po ba sir?" ang tanong ni Denver dito upang klaruhin ang orders ni Xian.
"Oo, iyon lang. At siya nga pala gusto kong mag-apologize last time kung nagdulot ako ng slight na gulo dito sa restaurant niyo." Ang sabi ni Xian na malumanay at malambing ang tono ng pananalita, napatingin naman sa kanya ang kanyang mga kasama dahil bahagya silang napaisip kung anong gulo ang tinutukoy ni Xian. "And ako nga pala si Xian, and you are?" ang pagpapakilala at pakikipagkilala ni Xian sabay abot ng kanyang kamay kay Denver.
"Ah I'm Denver, may-ari nitong restaurant." Ang sabi ni Denver bilang pagtugon at pagpapakita ng pagiging isang propesyonal na tao, inabot niya ang kamay ni Xian at nakipagkamay dito ng maayos. "Tungkol naman sa nangyari last time, ayos lang 'yon sa tingin ko naman hindi natin maiiwasan paminsan-minsan na mapagkamalan na kakilala natin ang isang tao, kaya huwag mo na lamang isipin 'yon." Ang dagdag na sabi ni Denver na sa loob-loob niya ay nais niya pa ding usisain si Xian ngunit alam niyang malabo na magawa niya iyon dahil sa mga kasama nito ay bigla siyang nahiya dahil sa humingi na din ito sa kanya ng paumanhin.

BINABASA MO ANG
Triple X
Ficción General[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...