9th X

2.4K 107 9
                                    


"Nay, nandito na po ako." ang malakas na sabi ng isang makisig na lalaki na nagtataglay ng maamong mukha habang papasok sa maliit na bakuran ng isang payak na tahanan aka yang kanyang bisikleta. Maayos niyang ipinarada sa isang tabi ang kanyang bisikleta at sa kanyang pagpaparada ay napansin niya ang basket at bilao ng mga gualy na nakalagay sa maliit na papag sa bakuran ding iyon, at agad niya iyong nilapitan at tinignan.


"Akala ko ba dadalhin niya 'to kila Mrs. Marquez." Ang napapanguso pa na nagtatakang sabi ng lalaki habang hawak niya ang isang upon a kinuha niya sa basket, tinanaw niya ang loob ng bahay mula sa pinto at mas nagtaka siya na hindi man lang siya sinalubong ng kangyang ina, kaya naman dali-dali niyang ibinalik ang upo sa basket at pumasok ng bahay.


"Nay?" ang kanyang pagtawag sa ina, at nakadinig siya ng mga pag-ubo na nagmula sa kwarto ng kanyang mga magulang, kaya naman dali-dali niyang tinungo ang silid na iyon, at bumungad sa kanya ang kanyang ina na halatang hindi maganda ang pakiramdam habang nakahiga sa isang papag na may kutson bilang higaan.


"Hans, nakauwi ka na pala anak, teka sandali at ipaghahain kita nang makakain ka na." ang sabi ng ina ng binate na tinawag niya sa pangalang Hans, kasunod noon ay ang muling pag-ubo nito. Bago pa man makabangon ang ginang ay agad nang lumapit si Hans sa kanyang ina at pinigilan ito sa pagbangon.


"Nay 'wag na kayo bumangon mukhang hindi maganda pakiramda niyo oh, tsaka kaya ko naman na ang ipaghain sarili ko, kayo talaga ni tatay baby pa din ang tingin niyo sa akin." Ang pabirong may pag-aalala na sabi ni Hans, kasabay noon ay ang pagsalat niya sa noo at leeg ng ina upang tignan kung mataas ba ang temperatura nito. "Nilalagnat kayo nay, kaya mabuti pa ay magpahinga na lang kayo muna, ako nang bahala sa gawain muna dito sa bahay." Ang dagdag pang sabi nito at kanyang kinumutan ang kanyang ina.


"Ikaw talaga anak, ano k aba kayang kaya ko naman na ipaghain ka, tiyaka hayaan mo na kami ng tatay mo na lambing lambingin ka, di naman na kami bumabata." Ang sabi ng nanay ni Hans.


"Ay sus nagtampo pa ang the best nanay in the world. Oo naman nay ayos lang sa akin na lambingin niyo ako ni tatay, swerte ko kaya sa inyo. Pero ngayon ako muna mag-aalaga sa inyo, kaya magpahinga ka lang nay, ipagluluto kita ng lugaw nay para naman mainitan sikmura mo dahil sigurado ako na hindi ka pa kumakain." Ang malambing na sabi ni Hans.


"Naku hindi ako pwede magpahinga lang dito anak, magdadala pa ko ng gulay kay Mrs. Marquez alam mo namang suki natin 'yon." Ang sabi ng nanay ni Hans na aktong babangon ngunit pinigilan siya muli ng anak.


"Nay ako nang magdadala ng mga gulay kay Mrs. Marquez, hayaan niyo pagdating ni tatay lalarga agad ako, pauwi na rin naman tiyak si tatay, at pagbalik ko ay iinom ka na ng gamot, kaya naman stay put ka lang diyan nay, magpahinga ka, at magpagaling at magtiwala kayo sa akin." Ang nakangiting sabi ni Hans sabay kabog sa kanyang dibdib ng mahina upang ipakita sa ina na kaya na niya lahat ng gawain.


"Ikaw talaga anak, oh siya sige, ikaw na ang panalo, basta magpahinga ka na muna din alam ko pagod ka sa trabaho mo dun sa restaurant na pinapasukan mo. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at biniyayaan kami ng tatay mo ng isang mabuting anak na katulad mo." Ang sabi ng nanay ni Hans na humawak pa sa kanyang kamay, ngumiti si Hans sa kanyang ina at hinalikan ito sa noo.


"Maswerte din ako sa inyo ni tatay, masaya ako na kayo ang naging mga magulang ko." Ang sabi ni Hans sa malimbing tono. Matapos ang lambingan nilang iyong ng kanyang nanay ay pinagpahinga na muna ni Hans ang kanyang nanay, at habang hinihintay ang pagdating ng kanyang tatay ay sinimulan na niyang magluto ng lugaw para sa kanyang ina.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon