Sa pagpasok ni Arthur sa bakuran ng payak na tahanan nila Hans ay naabutan niya si Hans na inaayos na ang pagpaparada sa kanyang bisikleta sa isang tabi, tumingin ito sa kanya sandali at ngumiti at isang ngiti din ang kanyang itinugon dito. Kanyang iginala ang paningin sa bakuran na tila sinusuri ang tirahan na tinitirhan nila Hans, nanatili siyang nakatayo malapit sa tarangkahang kahoy bitbit ang apat na supot na mga prutas habang ginagawa ang bagay na iyon.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Mabuti pa maupo ka muna diyan sa may papag, papasok lang ako sa bahay para maikuha ka ng maiinom, at titignan ko na din si nanay kung gising na." ang sabi ni Hans at isang tango naman ang itinugon ni Arthur sa kanya, at agad nang pumasok sa loob ng bahay si Hans pagkatapos noon.
Napahinga ng malalim si Arthur at napanguso, lumapit siya sa papag na tinutukoy ni Hans at doon ay inilagay niya ang mga supot ng prutas na kanyang pinamili para kaya ling Josie. Naupo siya sa papag na iyon at dumikwatro pa at muli niyang iginala ang kanyang paningin.
"Maayos naman pala ang kanilang tintirhan, saan kaya ako pwede magsimula para mas malaman ko ang dapat kong malaman, hmm." Ang pabulong na sabi ni Arthur at pagkasabi niya noon ay siya namang paglabas ni Hans dala ang isang pitsel ng tubig at baso.
"Heto magtubig ka na muna, pasensiya na ito lang ang maiaalok ko sayo, hindi pa din kasi kami nakakaluto." Ang sabi ni Hans at iniabot niya kay Arthur ang basong hawak niya, napatayo naman si Arthur mula sa kanyang pagkakaupo at agad na kinuha ang baso na iniaabot sa kanya ni Hans, dahilan upang mahawakan ni Arthur ang kamay ni Hans. Sa sandaling iyon ay tila bumagal ang oras kay Arthur, hindi niya naiwasan ang mapatitig kay Hans na noon ay nakatingin lamang sa kanya, nang mga sandaling 'yon nakita niya muli ang taong matagal na niyang hinahanap at hinihintay, si Xavier.
"Ayos ka lang ba?" ang biglang tanong ni Hans nang mapansin niya ang pagkatulala ni Arthur sa kanya, dahilan din 'yon upang bumalik naman sa kanyang wisyo si Arthur, napakurapkurap pa si Arthur para alisin sa kanyang isipan si Xavier.
"Ah wala pasensiya na, may bigla lang akong naalala." Ang sabi ni Arthur at ngumiti siya kay Hans, agad niyang kinuha ang baso at si Hans naman ay sinalinan na ito ng tubig mula sa pitsel na hawak niya.
"Teka nag-almusal ka na ba? Kung gusto mo ay hintayin mo na lamang ako na makaluto, at pagkatapos ay dito ka na lamang kumain, nagpapahinga pa ang nanay kaya di mo din siya agad makakausap." Ang sabi ni Hans habang umiinom ng tubig si Arthur, napahinto naman si Arthur sa kanyang pag-inom nang madinig niya ang sinabing iyon ni Hans.
"Naku hindi na, nagpunta lang talaga ako para dalhin ang mga prutas na pinapadala ni mommy para sa nanay mo, at prutas na din mula sa akin, peace offering ko na din sayo. Tsaka bukod doon may ibang araw pa naman para bumisita ako dito." Ang sabi ni Arthur at binigyan siya ni Hans ng isang nagtatakang tingin para sa huling sinabi niya.
"Ibang araw? Bibisita ka pa sa ibang araw? Bakit? Anong meron?" ang sunod-sunod na pagtatanong ni Hans na nagtataka pa din sa sinabi ni Arthur.
"Ah oo, bibisita ako sa ibang araw, pag naisipan ko, di ba magkaibigan na tayo? Ang ibig kong sabihin ay we're good tama? O ako lang nag-iisip non?" ang sabi ni Arthur sabay abot sa kanyang kamay para makipagkamay kay Hans, napatingin si Hans sa kamay niya at sumunod na tumingin sa kanya at isang ngiti ang binigay ni Arthur dito.

BINABASA MO ANG
Triple X
Fiksyen Umum[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...