X NOTE:

2.5K 77 34
                                    


PARA SA LAHAT:


Una sa lahat ay maraming maraming salamat sa lahat ng nagtiyagang bumasa sa kuwento kong ito na halos ilang buwan ko din binuno na tapusin. Sana ay nagustuhan niyo ito at kahit paano ay may napulot kayong aral o inspirasyon mula dito. Maraming salamat sa oras at panahon na inyong ginugol at pagbibigay pagkakataon na maging bahagi ako at ang kwento ko ng buhay ninyo.


Maraming salamat din kay Peackor na siyang gumawa ng bagong cover ng librong ito. Gayundin sa buong LGBT PH & LGBT PH Book Cover Shop team na siyang kinabibilangan ni Peackor.


Maraming maraming salamat din sa pamilya Dalisay na siyang sumuporta sa akin at lagi kong nakakadaldalan, nakakakwentuhan sa kalokohan. Especially Wuju, Dee, Ken, Windy, Yus & Ali.


Maraming maraming salamat din sa mga admins ng LGBT PH at ganon din sa group chat ng House of Ruby Phoenix, House of Topaz Sphinx, House of Emerald Siren, at House of Sapphire Dragon dahil sa inyo marami akong nakilalang mga bagong kaibigan na manunulat at mambabasa, maraming maraming salamat.


Maraming maraming salamat din sa mga bff ko na super Squad goals na sila Ibong_Maya & ate Xakni_Allym for supporting me and also for being real, at nakakasundo ko pag dating sa mga laban sa mga mapang-api at mapaniil na mga tao hahaha.


At higit sa lahat taos puso at super duper akong nagpapasalamat sa'yo Kuro dahil ikaw ang aking inspirasyon at motibasyon upang mas pagbutihan at pag-igihan pa ang aking pagsusulat (pagtitipa). Maraming maraming salamat sa'yo at MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! <3


Muli ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat, hanggang sa susunod na kuwento na aking ilalathala.


HAPPY READING!


Sincerely yours,

Adamant


P.S. Kung may nakapansin man, nawala ang tatlong libro na PANGET KO!, ARATILIS, at RAIN.BOYS: SUNNY LOVE STORY 2, iyon ay sa kadahilanang nagpasya ako na ilalathala ko lamang ang mga kwentong ito at ang iba pang kwento na nasa line up ko sa oras na makumpleto ko na ang buong drafts ng libro upang mas magawa ko na mabigyan kayo ng kwentong may kalidad (hope so haha) at mas magugustuhan ninyo, kaya naman sana ay mahintay niyo ang susunod na kwento na aking ilalathala, maaaring isa sa tatlong nabanggit o isang bagong kwento na hindi ko pa nabanggit. Maraming salamat!

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon