23rd X

1.8K 76 8
                                    


"Matagal na din pala ang panahon na lumipas simula nang ampunin ko si Arthur at gawin siyang isang Marquez. Sa tagal ay hindi ko napansin na mabilis din siyang lumalaki." Ang nakangiting sabi ni Mrs. Marquez habang nakaupo sa isang sofa na pang-isahan at ang kausap na si Xenon naman ay nakaupo sa isang mahabang sofa sa kaliwang bahagi.


"Bakit niyo naman po nasabi ngayon iyan?" ang tanong ni Xenon bilang pag-uusisa habang hinihintay ang pagdating nila Arthur at Hans sa opisinang iyon.


"Simula kasi nang mapunta sa aking pangangalaga si Arthur ay tanging mga pilit na ngiti at kasiyahan lamang n ganging nakikita sa kanya. Bagama't hindi nga ako ang kanyang tunay na ina ay itinuring ko siyang aking tunay na anak, kaya naman ang aking puso ay nalalaman at nararamdaman na nangungulila siya sa isang napakahalagang tao, sa iyong kapatid na nawawala." Ang sabi ni Mrs. Marquez bilang pagtugon nit okay Xenon, at nakita niya ang bahagyang pagkabigla ng kanyang kausap na agad din namang binawi ni Xenon.


"Kung ganoon ay nakuwento din po pala sa inyo ni Arthur ang tungkol sa aking kapatid na nawawala?" ang pagtatanong ni Xenon, at isang matipid na ngiti kasabay ng isang tango ang unang itinugon sa kanya ng ginang.


"Well hindi naman niya ikinuwento sa akin ang lahat, ang tanging alam ko lamang ay mga iilang detalye mula sa kung paano niya nakilala ang kapatid niyo at kung ano ba ito para sa kanya." At sa sinabing iyon ni Mrs. Marquez ay hindi naiwasan na mapapatitig sa kanya ni Xenon, tila binabasa ang sagot sa ngiti at mata ng ginang.


"Ano po ang kapatid ko para kay Arthur? Ang ibig ko pong sabihin ay bilang kapatid ni Xavier ay nais ko lang malaman bakit napakahalaga ng kapatid ko sa kanya." Ang pagtatanong ni Xenon nang hindi niya magawang malaman ang nais niyang malaman mula sa ginang sa pamamagitan ng pagtitig dito. Napatingin sa bintana ng kanyang opisina si Mrs. Marquez na wari ba'y natutuwa sa inaasal ng lalaking kanyang kasama sa mga oras na iyon.


"Ang kapatid mong si Xavier, na matagal nang inaasam ni Arthur na makitang muli, para kay Arthur ay..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Mrs. Marquez nang madinig nila ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina, pareho sila ni Xenon na napatingin sa direksiyon nito at agad na bumungad sa kanila si Arthur na nakangiti at si Hans na tila kinakabahan nang mga sandaling iyon.


"Ang akala ko'y hindi na kayo pupunta pa dito sa aking opisina." Ang sabi ni Mrs. Marquez na halatang nagagalak na makita ang dalawang magkasama, napansin nito ang magkahawak na kamay nila Arthur at Hans ngunit sa halip na pagkabigla ay mas gumuhit sa ginang ang ngiti sa kanyang mga labi.


Habang nang mga sandali namang iyon ay nakatingin din si Xenon kila Arthur at Hans na nakatayo pa din sa bukana ng pinto ng opisina, napatikom ang kanyang mga kamao na tila pinipigilan ang sarili na sumabog sa inis at pagkabigla dahil sa nakikita niyang magkahawak kamay na sila Arthur at Hans. Sinundan niya ng tingin ang magkahawak na kamay nila Arthur at Hans habang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila.


"Maupo kayo ijo." Ang masayang sabi ni Mrs. Marquez na tinugon ng ngiti nila Arthur at Hans bago maupo sa mahabang sofa na katapat lamang ng inuupuan ni Xenon.


"Xenon, ayos ka lamang ba?" ang biglaang tanong ni Arthur dito at nabigla si Xenon kaya naman agad na iniwas niya ang tingin sa dalawa at napatayo dahil sa di na niya alam pa ang kanyang gagawin.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon