21st X

2.1K 87 13
                                    


Huminto sila Arthur at Hans sa parking lot sa labas ng isang malaking gusali, mula sa loob ng sasakyan ay sinubukan na tanawin ni Hans ang mataas na gusaling iyon nang may pagtataka. Lumingon siya kay Arthur at nang sandali ding iyon ay nakangiti at nakatingin na pala sa kanya noon si Arthur.


"Oh huwag mong sabihin sa akin na kinakabahan ka na naman?" ang pabiro at nangigiting tanong ni Arthur kay Hans nang makita na naman niya ang inosenteng ekspresyon ni Hans.


Sumalubong ang kilay ni Hans at kasabay noon ay ang bahagya niyang pagnguso. "Hindi 'no! Iniisip ko lang kung ano ang gagawin natin dito at bakit dito mo ako dinala." Ang sabi naman ni Hans bilang pagdepensa.


Nangiti naman si Arthur dahil sa agarang pagdepensang iyon ni Hans, nangangahulugan lamang na interesado din talaga si Hans sa kung anong gagawin nila sa lugar na iyon. Inilapit ni Arthur ang kanyang mukha sa nakanguso pa ding si Hans, sa sobrang lapit ay kaunting dikit na lamang ay maaari na nilang halikan ang labi ng bawat isa. Dahil sa biglaan iyon ay hindi agad nakakilos si Hans, napatitig lamang siya sa mga mata ni Arthur at nawala ang kanyang pagnguso, habang si Arthur naman ay nakangiti at tila painosente na wala siyang alam sa ginagawa niya nang mga sandaling iyon.


"Umayos ka nga Arthur. Mamaya may makakita sa atin ano pa isipin." Ang sabi ni Hans na nakakaramdam na din ng pag-init ng kanyang mga pisngi, at bagama't naka-airconditioned ang sasakya ay may ilang butil na ng pawis ang nabubuo sa noo nito. Pero sa halip na lumayo si Arthur ay mas lumapit pa ito kay Hans, agad naman iyong kinontra ni Hans sa pamamagitan ng pag-iwas dito, napapikit na lamang si Hans nang maramdaman niyang mas lumapit na sa kanya si Arthur at wala na siyang maaatrasan pa.


"Uy ano bang ginagawa mo? Bakit pumipikit ka?" ang nadinig ni Hans na mga tanong ni Arthur at nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang natatawang si Arthur na nakaayos na ng upo at nakalayo na sa kanya. "Ayos ka lang ba? Tinanggal ko lang naman yung seatbelt mo pero bakit pumimikit ka pa?" ang tila nang-aasar na sabi ni Arthur. Dahil naman sa hiya ay di naiwasan ni Hans na mapayuko at pinigilan ni Arthur ang kanyang sarili na matawa dahil nakita niya ang pamumula ni Hans.


'Mabuti pa bumaba na nga tayo, at kung ano man ang gagawin natin dito ay mabuti pang gawin na natin." Ang sabi ni Hans na hindi makatingin kay Arthur at dali-dali niyang binuksan ang pinto ng sasakyan, at lumabas. Nang isara na ni Hans ang pinto ng sasakyan ay doon niya pinakawalan ang pinipigil niyang tawa, nahinto lamang siya sa pagtawa ng may kumatok sa bintana ng kanyang sasakya, agad niyang nilingon at nakita niya ang muling nakasalubong na mga kilay at pagnguso ni Hans at napangisi na lamang siya at kinuha niya ang susi at agad nang bumaba ng sasakyan.


"Ano tapos ka nang tumawa?" ang sabi ni Hans na halatang naaasar kay Arthur, pero sa halip na mag-alala si Arthur ay nakangiti siyang umiling kay Hans bilang pagtugon. Tumalikod sa kanya si Hans upang hindi na siya mas asarin pa ni Arthur, pero sa kanya namang pagtalikod kay Arthur ay biglang hinawakan ni Arthur ang kanyang kamay dahilan para mapatingin siya dito at isang ngiti ang ibinigay ni Arthur sa kanya.


"Huwag ka mag-alala hindi kita dinala dito para pagtawanan, dinala kita dito para pasiyahin ka." Ang sabi ni Arthur at naramdaman niya na bahagyang humigpit ang paghawak ni Arthur sa kanyang kamay, at kasunod noon ay ang paghila sa kanya at patakbo silang nagtungo sa entrance door ng gusaling nasa harap nila.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon