Sa parehong araw ay nakipagkita si Denver kay Xian sa isang park di kalayuan sa tinutuluyan niyang condominium building. Park na iyon ay may isang restaurant na ginawa para sa mga naninirahan sa condominium building. Tahimik na naghihintay si Denver sa pagdating ni Xian, kinuha niya ang maliit na plastik na pinaglagyan niya ng hibla ng buhok ni Hans, pinagmasdan ito at muli ay nakaramdam siya ng pagkakonsensiya, hindi niya alam kung tama nga ba talaga ang gagawin niyang iyon, o kung kinakailangan ba na manghimasok siya sa isang bagay na maaaring sa halip na makatulong ay makagulo sa mga bagay-bagay.
Ilang sandali pa ay dumating si Xian sa restaurant at sa labis na pag-iisip ni Denver at pagkakatitig sa plastik ng hibla ng buhok ni Hans ay hindi na siya napansin nito. Di maiwasan na mapangiti ni Xian sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay pansamantalang napawi ang mga bumagabag sa kanyang isipan, tahimik siyang naupo at nangalumbaba at nakangiting tinitigan si Denver na tila wala pa ding muwang na nasa harapan na niya siya.
"Ngayon ko lang napagtanto na nakakatuwa ka palang titigan." Ang biglang nasambit ni Xian habang nakatitig kay Denver, at nadinig iyon ni Denver at napatingin ito sa kanya at nabigla, na halos mabitawan ang hawak niyang plastik.
"Ano ka ba bakit ka naman nanggugulat." Ang sabi ni Denver na hindi magawang makatingin ng diretso kay Xian.
"Ha-ha-ha, kakaiba ka din pala, akala ko seryoso kang tao, pero may tinatago ka din palang sabihin na nating kakulitan." Ang sabi ni Xian na sa unang pagkakataon ay nakita at nadinig ni Denver na tumawa, hindi niya nabakas nang mga sandaling iyon ang lungkot kay Xian na noon ay nakikita niya dito.
"Tumigil ka na nga sa kakatawa mo, para kang bata. Heto na 'yung kailangan mo." Ang sabi ni Denver sabay lagay ng plastik ng hibla ng buhok ni Hans sa tapat ni Denver na napatigil sa pagtawa at napatingin sa bagay na nasa kanyang harapan. "Alam mo nakokonsensiya ako na ginawa ko 'yan, pero alam ko naman na para sa ikakabuti niya ito. Pero natatakot din ako para kay Hans, paano kung siya nga talaga si Xavier, kaya mo ba talaga siyang ipagtanggol sa kapatid niyo? Tulad ng sinabi niyo sa akin noong nagkita tayo nila Arthur na masama ang loob nit okay Xavier. Ideya ko lang naman 'to pero paano kung ang pagkawala pala noon ni Xavier ay kagagawan niya ano ang gagawin mo?" ang seryosong sabi ni Denver dahilan para mawala din ang kanina'y masayang Xian.
"Hindi, imposible 'yan. Oo siguro nga masama ang loob ng kapatid kong si Xenon kay Xavier, sa amin, pero hindi niya magagawang ipahamak ang kapatid namin. Naniniwala pa din ako na wala siyang kinalaman sa pagkawala niya, tulad ng sinasabi niya noon." Ang tugon ni Xian pero halata kay Denver na hindi siya kumbinsido, ngunit sa halip na magbigay pa ng kanyang opinyon ay tumango na lamang siya.
"Kung iyan ang pinaniniwalaan mo hindi ko kokontrahin iyon, una sa lahat wala akong masiyadong alam sa inyong magkakapatid, maliban kay Hans na matagal ko nang nakasama sa trabaho. Bukod doon ay wala na, kaya naman sana sa paglabas ng resulta ng DNA test na gagawin mo ay maging malinaw na din ang lahat, maging maayos na, dahil sa totoo lang naaawa ako kay Hans, halos lugmok na siya pero isang bagay ang kinahahanga ko sa kanya, hindi siya sumusuko sa kabila ng lahat." Ang sabi ni Denver at binigyan niya ng isang ngiti si Xian na noo'y hawak na ang plastik ng hibla ng buhok ni Hans.
"Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat. At ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa naitulong mo na ito."
BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...