Matapos ang araw na maipagtapat na ni Xavier kay Arthur ang tungkol sa pagkawala at pagbabalik ng kanyang alaala, ang tungkol sa halos buhol-buhol na katotohanan sa kanyang pagkatao na nagkaroon na din ng kaliwanagan, ay inihanda na ni Xavier ang kanyang sarili sa kanyang pagbabalik bilang si Xavier, sa tulong ng kanyang ina na si president Liberty, ay nagsimula na si Xavier na ayusin ang pisikal nitong anyo, mula sa istilo ng kanyang buhok, sa kanyang kasuotan, at tinulungan din siya ng kanyang ina at ni Armand na matutunan niya sa loob ng ilang araw ang dapat niyang malaman sa pakikisalamuha sa mga tao sa mundo ng mga negosyante at industriya.
Sa loob ng ilang araw, naging kagalang galang, elegante at sopistikado ang dating ni Xavier, mabilis niyang natutunan at nakuha ang mga kaalaman na kailangan niya. Hinangaan at pinuri siya ng kanyang ina sa bilis niyang matuto, ngunit isa pa ang hinahangaan at pinagpapasalamat ng kanyang ina sa kanya, iyon ay sa kabila nang lahat ay ang puso nito at tunay na ugali ay hindi pa din nagbabago.
"Kamusta na pala Armand ang paghahanda para sa pagpapakilala ko sa aking anak sa publiko? Naayos na ba ang lahat ng kailangang ayusin?" ang tanong ni president Liberty habang nasa sala sila ng kanyang tahanan at hinihintay ang pagbaba ni Xavier mula sa silid nito.
"Opo President. Wala na po kayong dapat na ipag-alala pa tungkol doon, naipadala na din namin ang imbitasyon sa lahat ng mga ibinilin niyong padalhan nito, lalo na ang mga Pelaez." Ang tugon naman ni Armand.
"Mabuti kung ganon. Salamat sa lahat Armand." Ang pasasalamat naman ni president Liberty at binigyan niya ito nang isang ngiti ng pasasalamat.
"Wala po kayong dapat na ipagpasalamat, dahil handa po akong gawin ang lahat ng maaaring maitulong ko sa inyo at kay sir Xavier, dahil kayo po ang tumulong sa akin at sa pamilya ko upang makabangon sa matinding pagkakalugmok." Ang masaya namang tugon ni Armand bilang paglalahad din nito ng utang na loob sa ginang.
Nang mga sandali namang iyon ay nagtungo sa restaurant ni Denver si Arthur. Nang magkaharap na sila ay naupo sila sa labas ng restaurant at doon nagpasya na mag-usap. Bago sila mag-usap ay dinalhan sila ni Roma ng juice na maiinom nila at agad din silang iniwan.
"Nakakapanibago." Ang biglang nasabi ni Denver na nangingiti habang nakatanaw sa isang direksiyon at napatingin sa kanya si Arthur.
"Ano naman ang nakakapanibago?" ang usisa naman ni Arthur.
"Ang dami, hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa nangyayari o maiinis. Dati rati may isang Hans na laging maaasahan sa restaurant ko, isang Hans na nagpapasaya sa akin at sa mga kasama niya dahil sa sipag at tiyaga na pinapakita niya. Pero simula nang dumating ka, sila Xian sa buhay niya, ang daming nagbago sa buhay niya, gayon din sa buhay ko." Ang tugon ni Denver at sumunod doon ang isang buntong hininga, at uminom ng kaunting juice.
"Kung ganon ibig sabihin ba niyan ay nagsisisi ka na nakilala mo kami?" ang tanong ni Arthur dito, ngunit isang ngiti at iling ang itinugon ni Denver.
"Hindi Arthur. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko kayo. Ang totoo ay nagpapasalamat ako, kung hindi kayo dumating, lalo na si Xian hindi ko malalaman kung ano ang tunay na nararamdaman ko para kay Hans. Sa pagdating ni Xian nalaman ko na paghanga lamang ang mayroon ako para kay Hans. Pero hindi ko lang maiwasan na malungkot dahil nawalan ng mahalagang bahagi ng pamilya ang restaurant ko." Ang tugon naman ni Denver.
BINABASA MO ANG
Triple X
Fiction générale[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...