25th X

1.7K 74 3
                                    


"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Xian kay Denver noon na napansin niyang napatulala sa kanya. Dahil din sa tanong na iyon ni Xian ay agad na bumalik sa kanyang sarili si Denver, marahan niyang inalis ang kamay ni Xian na nakahawak pa din noon sa kanyang braso.


"Ah oo ayos lang ako." ang tugon ni Denver na pinipilit na maging maayos, ngunit hindi niya magawang tumingin sa mga mata ni Xian, kaya naman itinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa direksiyon ni Arthur na nakatingin din sa kanilang direksiyon.


"Sigurado ka? Eh bakit ka naman lalabas?" ang agad namang usisa ni Xian na pinagmamasdan si Denver sa wirdong kinikilos nito na para bang hindi mapakali. At napatingin naman sa kanya si Denver nang madinig ang tanong niya na iyon at nabakas ni Xian ang tila tensiyonado ito.


"Ah, ako? Ba-ba-bakit ako lalabas?" ang nauutal pang patanong na tugon ni Denver na tila hindi naunawaan ang tanong sa kanya ni Xian, napatango naman ng bahagya si Xian at nanatiling nakatingin sa kanya na tila naghihintay ng sagot. "Ah hindi kasi kita napansin dito, akala ko ay maling café ang napasok ko. Kaya 'yun lalabas na sana ako para kuhanin ang calling card mo sa sasakyan ko." Ang sabi ni Denver nang makaisip na ng idadahilan.


"I see, pero di mo na kailangan na lumabas dahil tama naman itong café na pinuntahan mo. Anyway tulad ng sabi ko kailangan talaga kitang makausap, at bukod doon ay may nais akong ipakilala sa'yo. He's a business partner at isang matagal nang kaibigan." Ang sabi ni Xian na bahagyang ngumiti, at nang makita ni Denver ang ngiting iyon ay para bang kumabog na naman ang kanyang dibdib.


"Ba-ba-bakit mo naman kailangan pang ipakilala sa akin ang kaibigan mo? Tsaka gaano ba kahalaga ang pag-uusapan natin at bakit kahapon ay hindi mo pa nagawang sabihin sa akin?" ang pag-uusisa ni Denver, na labis na ding nagtataka sa kanyang nararamdaman dahil noon lamang siya parang nawala sa ayos.


"Sigurado ka bang ayos ka lang? Para kasing medyo kakaiba ang kinikilos mo kung iisipin noong una kitang nakilala." Ang hindi na napigilan pang itanong ni Xian, at nakita niya ang tila bahagyang pagkataranta sa ekspresyon ni Denver. Nang mapansin ni Denver na tila kinikilatis siya ni Xian ay agad niyang inayos ang kanyang sarili, inisip niya na kailangan niyang maging propesyonal at kalmado lang, at hindi dapat magpadala sa gumugulo sa kanyang isip, at marahil ay gumugulo din sa kanyang puso.


"Oo ayos lang ako, kailangan ko pa bang ulitin ulit? Pasensya na kung medyo para akong nataranta kanina, nagtataka pa din talaga kasi ako sa kung ano ba ang pag-uusapan natin at kinakailangan din na ipakilala mo pa sa akin ang kaibigan mo sa akin." Ang sumeryoso na tugon ni Denver, ngunit nahalata pa din ni Xian na pinipilit lamang nito na alisin ang tensiyon na nararamdaman kaya naman napangiti na lang si Xian at hindi na muli pang inusisa pa si Denver.


"Mas mabuti ay maupo na muna tayo, at ipapaliwanag ko at ng kaibigan ko ang lahat sa'yo." Ang malumanay na sabi ni Xian, at agad itong naglakad pabalik sa mesa na kinaroroonan ni Arthur na nakatanaw pa din sa kanila, at agad namang sinundan siya ni Denver.


Sa mga sandali namang iyon ay naging abala sila Hans sa mga gawain at pag-aasikaso ng mga customer ng restaurant, kasalukuyang inaayos ni Hans ang mga mesa na malapit lamang sa entrada ng bumukas ang pinto ng restaurant. "Magandang umaga po sir, welcome sa Casteleone!" ang masayang pagbati ni Hans sa customer na pumasok, at natigilan si Hans nang makita niya na ang customer na dumating ay si Xenon, seryoso na nakatingin sa kanya. "Ah ikaw pala?" ang dugtong na sabi ni Hans na tila naiilang na makita niya si Xenon.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon