35th X

1.5K 71 0
                                    


Noong araw din na magtagpo si Xavier at ang tunay niyang ina na si president Liberty ay siya din namang pagpunta ni Arthur sa restaurant ni Denver kung saan siya nagtatrabaho. Sa paghinto pa lang ng kanyang sasakyan ay agad na niyang natanaw si Denver na nakatayo sa labas ng restaurant.


"Arthur buti dumating ka. Kasama mo ba si Hans?" ang agad na tanong ni Denver kay Arthur nang makalabas si Arthur sa kanyang sasakyan.


"Ha? Anong sinasabi mo Denver, hindi pa kami nagkikita ni Hans sa araw na 'to kaya nga nandito ako para puntahan at makita siya." Ang tila naguguluhan namang tugon ni Arthur.


"Kung hindi mo siya kasama nasaan naman kaya siya? Hindi kasi siya pumasok ngayong araw, nag-aalala ako dahil di pa ganon katagal simula nang mawala sa kanya ang mga magulang niya. Natatakot ako na baka..."


"Tumigil ka nga Denver alam ko na nagawa na niyang malagpasan ang matinding hamon sa kanya ng buhay, at alam ko na matatag siya. Mabuti pa hahanapin ko na siya, at kung may makukuha kang impormasyon o kung dumating man siya dito tawagan mo ako agad." Ang sabi ni Arthur na dali-dali namang sumakay muli ng kanyang sasakyan, agad niyang pinaandar ito at agad na umalis.


Nang makaalis na si Arthur ay agad naman na tinawagan ni Denver si Xian, nagbabakasakali na may alam ito, simula kasi noong maiabot niya dito ang buhok ni Hans na gagamitin para sa DNA test ay wala na siyang nakuhang balita mula dito, ni hindi niya alam kung ano ang naging resulta nito. At nagtataka din siya dahil tila wala din ito para makiramay kay Hans noong dalhin na sa huling hantungan ang mga magulang ni Hans.


"Ano ba sagutin mo. Sagutin mo Xian Pelaez. Sagutin mo ang phone mo!" ang halos pasigaw at inis na sabi ni Denver nang ilang beses nang nagri-ring ay hindi pa din sinasagot ni Xian ang kanyang pagtawag.


Kasalukuyan noong nasa kanyang opisina si Xian, tulad ng dati ay inaayos ang mga dokumento na mahalaga sa kompanya. Simula nang malaman niya ang naging resulta ng DNA test ay tila nawalan din siya muli ng buhay at pag-asa, muling bumalik ang katauhan niyang seryoso, malalim, at mas nagnanais na mag-isa. Nadidinig na niya noon ang kanyang cellphone na nakalagay lamang sa kanyang bulsa ngunit ni isang segundo ay hindi niya inabala ang kanyang sarili para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya. Hanggang sa tumigil ang pagtunog ng kanyang cellphone, kinuha niya ang isang putting folder at binuksan ito upang basahin ang mga laman na dokumento, at sa paglipat niya ng pahina ay muling tumunog ang kanyang cellphone.


"I can't believe this. Sino ba 'tong tawag ng tawag sa akin..." ang hindi na niya naituloy pang sabihin nang makita niya ang pangalan ni Denver na siyang tumatawag sa kanya at agad niya itong sinagot.


"Denver. Hello, napatawag ka?" ang walang emosyon na bungad at tanong ni Xian sabay buklat sa mga dokumento sa folder na kanyang kinuha.


"Anong bang ginagawa mo bakit ang tagal mo sagutin?" ang inis na sabi ni Denver na para bang partner siya ni Denver.


"Okay pwede kumalma ka lang? Abala kasi ako sa mga trabaho dito sa kompanya. Tiyaka bakit para namang may nangyaring masama sa'yo at ganyan ang tono ng pananalita mo?" ang usisa naman ni Xian na tila wala pa ding pakialam sa kung ano man ang dahilan ng pagtawag ni Denver. "Look if this is about the dinner na ipinangako ko sa'yo, we can schedule it some other day sa ngayon abala ako dito sa kompanya." Ang dagdag pang sabi ni Xian.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon